Gabby Eigenmann steps into leading-man spotlight in Broken Vow

After playing the villain Desmond in Munting Heredera, Gabby Eigenmann now shifts to a good-boy role as Roberto in the afternoon soap, Broken Vow.


Kung pagbabasehan ang trailer ng Broken Vow, ang bagong afternoon series ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa February 6, nagiging pahulaan pa kung sino ang nang-rape sa karakter na ginagampanan ni Bianca King.

Dahil dito kaya’t natuloy ang kanilang kasal ng karakter naman ni Gabby Eigenmann.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa presscon ng Broken Vow kagabi, January 30, sa Studio 7 ng GMA Network Center, tinanong namin siya kung sino ba talaga ang nang-rape kay Bianca sa kanilang serye?

"I am not at liberty to tell!" natatawa niyang sabi.

"Pero ’eto nga, noong nakita n’yo ba, masama ba akong tao noong nakita n’yo na iniwan ko?"

Sa istorya kasi ay iniwan ni Gabby si Bianca sa mismong araw ng kasal nila.

Paliwanag naman ni Gabby, tungkol sa kanyang role, "E, akala ko kaya ko. Pero makikita ninyo kung bakit.

"Kasi, ang back story niyan, ang pangarap lang namin is to have a family. To have our own children.

"Parang trinato ko siya na babasaging porselana. Walang nangyari sa amin, kaya masakit.

"Kasi, lahat ng emosyun na ipinakita ko dun... kasi, hindi ko naman kayang iwan siya.

"Hindi ko lang kaya na may anak siya sa nang-rape sa kanya. E, yun ang gusto ko, magkaanak tayo."

FROM VILLAIN TO MALE LEAD. Mula sa villain role niya bilang Desmond sa Munting Heredera, bida at mabait na ang character na ginagampanan niya sa Broken Vow.

Paano niya naiwan ang role na Desmond at ano ang paghahandang ginawa niya ngayon sa Broken Vow?

"Yun nga, last two-three weeks ng Heredera, noong malaman namin na gagawin na namin ’to, noong magte-taping na, unti-unti talaga na parang pinapagpag ko na si Desmond.

"Nagkataon na nasunog ako [sa Munting Heredera], mas nabigyan ako ng opportunity na, at least, hindi ko na kailangang magalit lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yung transition nga, nagsi-sink in na unti-unti ang character ni Roberto.

"At saka, sino ba naman ang hindi mai-in-love kay Ms. Bianca King, di ba?"

Pero ano ang pakiramdam ni Gabby na bida na siya sa isang serye?

"Pressured! Hindi ako sanay. Isasa-Diyos ko na lang," sagot niya.

Nakakaramdam na ba siya ng pressure, lalo na sa magiging rating ng kanilang programa?

"Dati, meron naman. Pero sa rating, oo, nandoon na yun.

"Kasi nga, galing kami sa number one show [Munting Heredera]. ’Tapos primetime, mapupunta sa hapon.

"Yung pressure, nandoon," pag-amin niya.

LEADING LADIES. Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Bianca?

"Nandoon ang napakalaking kapaan," pag-amin ni Gabby.

"Nagkasama kami sa Marimar, but we hardly did a scene together.

"Pero kaya kami naging okay, kasi common friends.

"Ex-ni Geoff [Eigenmann] ang pinsan niya. Yung pamangkin niya, nag-a-attend sa birthday party ng anak ko."

Bukod kay Bianca ay kapareha rin ni Gabby sa Broken Vow ang "kapatid" niya sa PPL Entertainment, Inc. na si Rochelle Pangilinan.

Parehong may intimate scenes si Gabby sa dalawang aktres.

In real life, si Bianca ay napapabalitang girlfriend na ni Dennis Trillo.

Ang boyfriend naman ni Rochelle ay ang kasamahan nila sa PPL na si Arthur Solinap.

Ayon kay Gabby, nagpaalam pa siya kina Dennis at Arthur para sa kissing scenes niya kina Bianca at Rochelle.

Although, ayon kay Dennis, wala naman daw rason para magpaalam pa sa kanya si Gabby.

Sabi naman ni Gabby, "It came to a point na ang gusto kong approach sana sa show na ito, I wanted to do a method [acting] talaga.

"Baka mabigyan ako ng pagkakataon to fall love with the character of ano.

"Kaya lang, sa tingin ko, hindi naman kailangan yata.

"I just come to work and work with the chemistry. Trabaho lang.

"Pero yun ang gusto ko sana, maging method sana. So, yun kasi sana ang gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka kasi magselos siya [Dennis] kapag feeling niya, nai-in love ako kay Bianca."

Paano naman kay Arthur?

"Si Arthur kasi, kahit hindi naman ako magpaalam, wala naman siyang magagawa, ’no!" tawa niya.

Wala bang ilangan sa kanila ni Rochelle?

"Actually! First taping niya, ganoon agad. Pero, inalalayan ko naman agad."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Rochelle, sinabi nitong nagpapasalamat siya’t si Gabby ang kaeksena niya sa daring scenes sa Broken Vow.

Mahihana raw kasi ni Rochelle sa mga love scene.

Sabi naman ni Gabby, "Oo nga raw.

"Nag-usap naman kami. Sabi nga niya, kinakabahan nga raw siya dahil hindi raw siya sanay sa mga daring na roles na ganoon.

"So, sabi ko, nagkataon na isang poder lang kami ng management at kilala ko si Art [Arthur Solinap].

"Naging comfortable naman siya sa akin at naging comfortable naman ako sa kanya, at isa naman siya sa matagal na naming inaawitan na lumipat na kay Perry [Lansigan, talent manager].

"I mean, hindi naman inaawitan, pero yung walang hang-ups.

"E, di ba, metikuloso rin ’yang si Perry? It came to a point also.

"So, happy, happy kami. Okay kami. It’s nice to work with each other."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN