Makisig Morales is back to doing TV series via Oka2Kat

"Parang tamang miss lang po ang mga ginagawa ko dati. Mas nami-miss ko ’yong napapagod ako sa set pero hindi talaga ako napapagod," says Super Inggo child actor Makisig Morales about the days when he was not doing any TV show.


Na-miss daw ng dating child actor na si Makisig Morales ang maging parte ng isang TV series.

Kaya nga’t sa pamamagitan ng bagong weekly horror-adventure show na Oka2Kat, na magsisimula sa Sabado, February 4, muling magbabalik telebisyon ang dating bida ng Super Inggo.

"Na-miss ko rin po ang pagte-taping," nakangiting sinabi ni Makisig nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang pang media pagkatapos ng press conference para sa show.

Ito ay ginanap kahapon ng tanghali, January 31, sa 9501 Restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Ayon kay Makisig, noong mga panahong wala siyang acting project, tumutok siya sa kanyang pag-aaral.

Bukod pa rito, sabi niya, "Na-enjoy ko po ang bakasyon.

"Kasi, nasa akin po lahat ng scripts ng mga ginawa kong shows dati.

"Kapag binabasa ko ’yon, nakaka-miss talaga.

"Binabasa ko or mine-memorize ko ulit.

"Tumitingin ako sa salamin, parang mine-memorize ko ulit. Nakakatuwa lang po."

WHAT HAPPENED TO UTOY? Matatandaan na noong matapos ang Super Inggo, lumabas ang ilang balita na makakasama ni Makisig ang Comedy King na si Dolphy sa dapat sana’y kasunod niyang proyekto, ang Utoy.

Subalit wala nang naging balita tungkol dito.

At noon nga’y hindi na rin madalas nakikita sa telebisyon si Makisig, maliban sa ilang guest apperances sa iba’t ibang programa.

Nang tanungin ng PEP kung ano ang nangyari dito, hindi ito masagot ni Makisig, dahil aniya, "Hindi ko rin po alam kung ano ang nangyari."

"Actually, tapos na rin po namin. ’Yong pilot lang po ang hindi napag-agree-han, ewan ko lang po."

Aminado si Makisig na nanghihinayang siya na hindi natuloy ang proyektong ito.

Gayunman, natutuwa siya dahil kahit papaano ay nakasama niya ang Comedy King.

"It’s an honor po na makasama si Tito Dolphy.

"Hindi po biro ’yong mga ginawa namin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, madalas po kami sa ilog, so madalas nakababad kami doon.

"At sobrang pinaghirapan po namin ang show na ’yon."

AWKWARD STAGE. Bagamat may kaunting katagalan bago siya muling naging parte ng isang teleserye, hindi naman daw siya nainip sa paghihintay.

Nakatulong daw ang pagpapaliwanag ng kanyang ama, na nagsasabi kay Makisig na parte lamang ito ng tinatawag na "awkward stage."

Madalas kasi, kapag tumatanda ang isang child star, hindi agad nabibigyan ng proyekto dahil nag-iiba na ang uri ng proyekto na binabagayan niya.

"Ine-explain din po nila sa akin.

"Sinasabi nila na marami rin pong [nakaranas] ng awkward stage.

"Sinasabi rin po nila daddy na napagdaanan din ng ibang artista ’yan. Natural lang ’yan," sabi ni Makisig.

Naikuwento rin ng 15-year-old actor na may pagkakataong nagugulat ang mga tao kapag nakikita siya dahil malaki na ang kanyang pinagbago.

Pero aniya, "Ako, parang natural na lang po sa akin kasi parang hindi ko ramdam na lumaki ako.

"Talagang ang ano lang po sa akin, talagang kung ano ako, sino ako, stay lang po talaga ako sa ganito."

Hindi rin umano problema para kay Makisig kung support role lamang ang kanyang gagampanan sa Oka2Kat, na pagbibidahan ng dating StarStruck Kids alumus na si Paul Salas.

Ani Makisig, "Nagtutulungan po kami kaya mas napapagaan ang work namin."

PROUD OF MALIKSI. Samantala, inihayag naman ni Makisig ang kanyang pagkatuwa sa unti-unting pagsikat ng nakababata niyang kapatid na si Maliksi.

Ayon kay Makisig, bata pa lamang ay isinasama na ng kanilang tatay si Maliksi sa set ng Super Inggo.

"Kasi po, sinasama po talaga ni daddy para mapanood niya. [Sinasabi niya], ’Ayan si Makisig, ganyan um-acting.’ Kaya medyo natuto na rin po siya," sabi ni Makisig.

Ito raw marahil ang dahilan kung bakit naging interesado ang kanyang kapatid sa pag-arte.

"Ewan ko, pero hindi naman po talaga siya nag-workshop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro dahil na rin sa experience, noong pinapanood niya ako o pinapanood siya ni daddy ng mga movies. Siguro, okay na rin po para sa kanya."

Sa huli buong tuwa namang sinabi ni Makisig, "Sobrang proud po ako sa kapatid ko na si Maliksi dahil laging maganda ang feedback, puro positive."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN