Aljur Abrenica on his dream date with Kylie Padilla: "Gusto ko sa L.A., yung sa may Hollywood sign."

Aljur Abrenica on why he wants a date with Kylie Padilla in L. A.: "Kasi, di ba parang tourist spot yun? So, tinitingnan yun ng lahat, hindi nila alam nasa ilalim kami. Parang sweet, e. Para kakaiba. Basta gusto ko lang makarating kami dun. ’Tapos makapag-usap lang. ’Tapos yun lang, happy na ako at alam kong happy din siya."


Ayon sa young actor na si Aljur Abrenica, "zero" ang kanyang lovelife ngayon at mas naka-focus siya sa trabaho.

Gusto raw kasi ni Aljur mag-ipon muna para na rin sa kanyang pamilya.

Kuwento pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng kanyang bagong TV commercial sa Centris sa Quezon Avenue, Quezon City, marami pa siyang gustong bilhin para sa kanyang mga magulang at kapatid.

DREAM DATE. Pero hindi naman niya itinatago na si Kylie Padilla ang kanyang dream date sa darating na Valentine’s Day.

"Dream date? Hmmm, yung gusto kong makasama si Kakay... si Kylie naman talaga, e," nangingiti niyang simula.

Bakit "Kakay" ang tawag niya sa dalagang anak ni Robin Padilla?

"Yun kasi ang tawag ko sa kanya, Kakay. Maganda naman, di ba?" tumatawa niyang sagot.

Kung ide-date niya si Kylie, saan niya naiisip dalhin ang dalaga?

"Marami, e. Marami akong gustong puntahan kasama siya."

Anong klaseng date ba ang gusto niya?

"Siguro yung simple lang. Ayoko kasi nung, kumbaga, mag-dream ng imposible. Gusto ko yung possible.

"Gusto ko sa L.A., yung sa may Hollywood sign. Kasi, di ba, parang tourist spot yun?

"So, tinitingnan yun ng lahat, hindi nila alam na sa ilalim kami. Parang sweet, e. Para kakaiba.

"Basta gusto ko lang makarating kami dun. ’Tapos makapag-usap lang.

"’Tapos yun lang, happy na ako at alam kong happy din siya."

Sasagutin niya ang lahat ng gastos ni Kylie, pati pamasahe?

"Let’s see!" natawa niyang sagot.

Pero dugtong ni Aljur, "Oo naman, ako yung lalaki at ako yung nagyaya, kaya ako ang gagastos nun."

RHIAN RAMOS? Si Aljur ang leading man ni Rhian Ramos sa pelikulang My Kontrabida Girl. Kumusta katrabaho si Rhian?

"Madami-dami na, maraming shooting days na kami. Halos nakaka-kalahati na kami.

"And sobrang maalaga ni Rhian. Sobrang cheerful—and grabe, grabe ang ganda niya ngayon," sabi ng young actor tungkol sa leading lady niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya sa katagalan ng pagsasama nila sa ginagawa nilang pelikula ay ma-develop sila sa isa’t isa?

Ayon kay Aljur, "Rhian is a good person. Maganda, sobrang bait, sobrang prangka. Maasikaso, sobra.

"Alam mo, siya yung tao na hindi ka niya iiwan. Siya yung tao na hindi nang-iiwan.

"Talagang kung ano yung mas makakaganda para sa iba, tumutulong talaga siya para mapabuti ka. Ganoon siya."

CHRIS BERNAL? Ano ang karakter niya sa My Kontrabida Girl?

"Ako dito si Chris Bernal," banggit ni Aljur sa pangalan niya sa pelikula.

Obviously, kinuha ang pangalan ng karakter niya sa dati niyang ka-loveteam na si Kris Bernal.

Patuloy ng young actor, "Bale kasi patay na yung parents ko dito, so I work for myself, ganun.

"We have a resort, pero hindi ako yung nag-manage dahil nga masyado pa akong bata.

"Mga tiyahin ko yung nag-manage nung resort.

"Typical na probinsiyano, yung laking-probinsiya, ’tapos member ako ng SK [Sangguniang Kabataan].

"Si Chris Bernal dito ay isang taong masayahin. Sobrang masayahin—masyadong positive.

"Ang problema lang sa kanya, ayaw niya yung may taong nasasaktan.

"Basta sa paligid niya, gagawin niya lahat basta hindi lang masaktan yung taong yun."

Sa totoong buhay ba ay kagaya niya si Chris Bernal?

"Hindi naman, depende sa sitwasyon.

"Pero grabe si Chris dito, e. Iba, e, iba talaga.

"For example, yung kaibigan niyang babae, nakipag-break sa boyfriend niya. ’Tapos sinabing, ’Sana ikaw na lang boyfriend ko.’

"’Tapos pag umiyak yung babae, parang hindi na siya makatanggi.

"Parang ganoon. Hindi talaga siya marunong tumanggi."

ALJUR, THE MAN? Ayon kay Aljur, hindi niya kakayanin gawin sa totoong buhay ang mga nagagawa ng karakter niya.

Anong klaseng lalaki ba si Aljur sa tunay na buhay?

"Sa totoo lang, sa sarili ko pa lang, nama-manage ko naman lahat.

"Kaya kung magkaka-girlfriend man ako, gusto ko kasi yung naaasikaso ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And open naman ako dun sa taong magbibigay sa akin ng inspiration," sagot niya.

Diretsahan, single ba siya ngayon?

"Yes, I am!" walang gatol na sagot naman ng GMA-7 hunk.

Pero aminado naman ang ang young actor na may nagpapasaya sa kanya ngayon.

"May mga taong nagpapasaya sa akin, hindi ko na lang babanggitin.

"Trabaho, mga magulang ko, sarili ko, ’tapos yung mga bagay na gusto kong bilhin para sa pamilya ko.

"Yun, yung mga bagay na nagpapasaya sa akin ngayon.

"And yun, yung inspirasyon ko para magtrabaho nang magtrabaho."

Anu-ano ba ang mga bagay na gusto niyang ibigay sa kanyang pamilya kaya siya nagsisikap sa pagtatrabaho?

"Marami, like sasakyan, laptop... At para naman sa akin, motor sana.

"Yung dream kong motor, hindi ko naman bibilhin, dream ko lang.

"Yung P1.2 million na Ducati 848 EVO. Ang mahal, di ba?"

BIRTHDAT GIFT? Nagdiwang ng kanyang 19th birthday noong January 25 si Kylie, pero napansin ng marami na wala si Aljur sa surprise party ng dalaga.

Paliwanag ni Aljur sa kanyang hindi pagdalo, "Kakagaling ko lang ng Iloilo nun, e. Inimbitahan nila ako.

"Hindi ako nakarating kasi Saturday night, kakauwi ko lang galing Iloilo.

"’Tapos, di pa ako nakapag-rehearse sa Party Pilipinas and may mga songs na kailangan kong pag-aralaan. Kaya ayun, di ako nakarating."

Tinawagan naman daw ni Aljur si Kylie para sabihin kung bakit hindi siya makakadalo sa birthday party niya.

"Oo, alam naman niya and naiintindihan naman niya kasi kinausap ko siya."

Hindi naman ikinakaila ni Aljur na may regalo siya para sa dalaga, pero tumanggi siyang sabihin kung ano ito.

"Special na araw niya yun, e, so meron talaga akong binili para sa kanya.

"Siya na lang tanungin ninyo kung okay lang na sabihin niya.

"Nakakahiya naman kasi na ako pa ang magsasabi, siya na lang tanungin ninyo."

SEXIER ALJUR. Kapansin-pansin na mas gumaganda ang katawan ni Aljur sa patuloy niyang pagdyi-gym. Ngayon 2012 ba ay mas magiging daring pa siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, let’ see. Well, ako naman, itutuloy ko na ’to. Lifestyle ko na, e.

"Yung pagpapaganda ng katawan, e, being healthy, actually.

"Secondary na sa akin yung pagpapaganda ng katawan, e, as long as I’m am healthy," sabi niya.

Si Aljur ay nasa YES! Magazine, February 2012 issue. Dahil kinunan ito sa resort na pagmamay-ari ng pamilya niya, ang Alfonso Resort, makikita ang maganda ngang pangangatawan ni Aljur dito.

Ang YES! ay print affiliate ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN