Former child star Paul Salas excited about his first lead role in Oka2Kat

"Sobrang masaya po ako kung ako ang maging next. Siyempre, dream come true ’yon," says Paul Salas about being eyed as a budding matinee idol of his generation.



Lubos ang pasasalamat ni Paul Salas dahil sa unang pagkakataon ay magiging lead actor na siya sa isang teleserye.

Nang mag-audition daw siya para sa horror-adventure show na Oka2Kat, hindi niya inaasahan na makukuha siya bilang pangunahing aktor nito.

Kuwento ng dating child star, "Noong audition pa lang po, sabi ko, ’Wow, horror.’

"Sabi ko, sana makasali ako kasi gusto ko talaga ng horror, kahit hindi lead role.

"Noong nasali po ako, sinabi sa akin na lead role, tinitingnan na kung sino ang makaka-loveteam ko.

"Doon pa lang po, talagang excited na ako."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul sa press conference ng Oka2Kat kahapon, Enero 31.

Para kay Paul—na isa sa mga dating finalists ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Kids—maituturing na isang katuparan ito ng kanyang pangarap.

"Dream ko nga po talaga ito, lagi po akong nagdadasal kay Lord," natutuwang pahayag ni Paul.

Kasabay ng kasiyahan, inamin ni Paul na may kaakibat din na pressure ang panibagong role na gagampanan niya.

Kaya naman mas pinagbubutihan daw niya ang kanyang pag-arte ngayon.

"Nape-pressure po ako kasi mahirap ang ganitong role," sabi pa ni Paul.

"Hardwork po talaga. Wala naman pong dumadaan sa easy work para [mag-succeed] ka agad.

"Hardworking po ako, kaya every time na nagpapadala ng script, tinatapos ko po talaga."

NEXT MATINEE IDOL. Sa pagiging binata ni Paul, marami ang nagsasabing maaaring isa siya sa mga magiging matinee idol ng kanyang henerasyon.

Nahiya naman si Paul nang marinig niya ito mula sa ilang miyembro ng entertainment press.

Komento niya, "Masaya [ako] kasi ang mga matinee idol ay sila Sir Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd [Cruz].

"Sobrang masaya po ako kung ako ang maging next. Siyempre, dream come true ’yon."

Nang tanungin kung sino sa mga kasalukuyang aktor ang kanyang hinahangan, nabanggit niya, "Siyempre, ’yong tito ko po, si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Second po sila Coco Martin, Piolo Pascual."

Bukod sa Oka2Kat, parte rin si Paul ng lingguhang Toda Max sitcom ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN