Jhake Vargas on possibility of falling for Bea Binene in real life: "Hindi po, close friends po kami ni Bea."

Jhake Vargas on being paired with Bea Binene again in their new series: "Masaya kami. Proud kami sa sarili namin. Kami pa rin ang magkasama ni Bea."


Gaya ni Bea Binene—na siyang title role sa bago nilang afternoon series na Alice Bungisngis And Her Wonder Walis—masayang-masaya rin daw si Jhake Vargas sa bagong tiwalang ibinigay ng GMA-7 sa loveteam nila.

Ito ang sinabi ni Jhake sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, sa Studio 7 ng GMA Network Center noong January 31.

"Masaya kami. Proud kami sa sarili namin. Kami pa rin ang magkasama ni Bea.

"Hindi kami pinaghihiwalay. So, talagang masaya at hindi kami nawawalan ng project.

"Nagpapasalamat kami sa GMA na palaging sumusuporta sa amin, sa lahat ng ginagawa namin," saad ng young actor.

FEELING THE PRESSURE? May pressure ba siyang nararamdaman na sila ni Bea ang bida sa kanilang bagong serye?

Ayon kay Jhake, "Wala naman pong... well, mero’n konting pressure.

"Pero para sa akin, confident kami. At saka proud kami na may bagong project. Maganda ang pasok sa amin ng 2012."

JUST FRIENDS? Mabilis naman ang naging pagtanggi ni Jhake nang tanungin kung posible bang mauwi sa totohanan ang loveteam nila ni Bea.

Aniya, "Hindi po, close friends po kami ni Bea."

Nagsasalita na siya nang patapos na hindi magiging sila ni Bea?

"Hindi naman po. Pero trabaho kami ni Bea, trabaho po kami," sagot ng binata.

MISSING HIS MOM. Bigla namang nalungkot si Jhake nang matanong ng press ang kapareha niyang si Bea tungkol sa ama nito na umalis ng kanilang bahay at hindi pa bumabalik hanggang ngayon.

(CLICK HERE to read related story.)

Magkatabi lang kasi sina Jhake at Bea habang iniinterbyu ng press kaya narinig ng binata ang tanong sa kapareha.

Naalala tuloy ni Jhake ang kanyang ina na sumakabilang-buhay noong isang taon dahil sa cancer.

Hindi na raw kasi mapapanood ng kanyang ina ang Alice Bungisngis kaya siya nalungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, hindi naman po mawawala yun. Masyado pang hinog, masyado pang fresh para sa akin," sabi ni Jhake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN