PEP EXCLUSIVE: Ronnie Liang celebrates birthday with young cancer patients; admits to having a non-showbiz girlfriend

Ronnie Liang on celebrating his birthday with cancer patients: "Hindi nila alam may cancer sila, akala nila sipon lang or ubo kaya sila nandito, ganyan. Pero may sakit sila at hindi din nila alam. Anytime, alam mo na kukunin sila ni Lord, pero gusto ko pong maging part nun, especially ngayong araw ng birthday ko, na maging part ng buhay nila, na kahit sandali, napasaya ko sila."


Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Ronnie Liang noong Martes, January 31, sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa may Quezon Avenue, Quezon City.

At ang unang naisip naming itanong sa kanya ay: "Ilang taon ka na?"

"A, not so old, not so young," ang mabilis na sambit ni Ronnie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong din namin si Ronnie kung bakit mas pinili niyang idaos ang kanyang kaarawan kasama ang ilang batang cancer patients sa PCMC.

Kuwento ng singer, "Wala, kasi yung mga bata, ano e, gusto kong mapasaya yung mga bata.

"Pangalawa, alam naman nating may cancer sila, and then, sabi pa sa ’kin kanina nung management ng Philippine Children’s Medical Center, na the kids don’t know that they have cancer, sabi nila.

"So ’wag sasabihing, ’O, mga bata, may cancer...’ huwag.

"Hindi nila alam may cancer sila, akala nila sipon lang or ubo kaya sila nandito, ganyan.

"Pero may sakit sila at hindi din nila alam."

Dagdag pa ng singer, "Anytime, alam mo na kukunin sila ni Lord, pero gusto ko pong maging part nun, especially ngayong araw ng birthday ko, na maging part ng buhay nila, na kahit sandali, napasaya ko sila.

"Siyempre, alam mo yun, bigyan mo lang sila ng toys, kantahan mo, makilaro ka, or mag-play.

"Di ba, kanina kita mo naman sila, masayang-masaya? Dun, parang ano na, kumpleto na yung birthday ko."

A VIVA TALENT. Noong January 17 ay pumirma si Ronnie ng management contract sa Viva Artists Agency. (CLICK HERE to see related article.)

Kaya tinanong ng PEP ang singer kung ano ba ang bago sa kanya ngayong Viva talent na siya?

"Ang bago kay Ronnie Liang ngayon... kaka-birthday lang niya," biro muna niya.

"Pangalawa, it’s a sign of gift, di ba? May bagong management na ako, ang Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I’m so grateful and thankful po sa pagtanggap sa akin ng Viva, sa pagtitiwala.

"And salamat kay Ma’am Veronique, kay Boss Vic, yun."

Ang mag-amang Vic at Veronique del Rosario ang namamahala ng Viva, kasama ang isa pang anak ni Boss Vic na si Vincent del Rosario.

Sa pagpasok ni Ronnie sa Viva ay sasabak na rin siya sa pag-arte.

"I’ll try acting, kasi by February, magwo-workshop na ako.

"Then after that, tingnan natin.

"Saka, why not, di ba?

"Alam naman nating yung mga ibang mga artista nila [bigatin], so malaking karangalan na magiging part ako ng Viva Artists Agency."

Ang ilan sa mga hinahawakan ng Viva ay sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, at Anne Curtis.

DREAM ROLE. Halos lahat ng mga artista ay may dream roles. Sa kaso ni Ronnie, anong partikular na role ang gusto niyang gampanan?

"A, Viva will answer that," sagot niya.

"Kahit ano, I’m not in the position para pumili.

"Pero kahit anong ibigay sa akin, anything.

"Kasi sabi nga, kahit anong dumarating sa ’yo, opportunity ’yan, so be thankful.

"Kahit anong role and kahit sinong i-partner sa akin.

"Kahit gawing kontrabida, bida... ano pa? A, komedyante, action, drama..."

Sinong aktres ang gusto niyang makapareha o maging leading lady?

"Kahit sino, I cannot mention, because hindi ko alam kung anong... sinong ipa-partner.

"Pero sa akin, kahit sino."

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Kinumusta rin ng PEP kay Ronnie ang lovelife niya.

"Meron akong girlfriend," pag-amin niya.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Ronnie tungkol sa kanila ng kanyang girlfriend, maliban sa "more than two years" na raw sila.

Paliwanag niya, "Kasi non-showbiz siya, e, so pinakiusap niya na ’wag siyang ma-involve."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN