Part 2 Karylle on her international career: "Well, hopefully, magtuluy-tuloy pa rin."

"Hopefully, I mean, it’s everyone’s dream naman talaga, to share our music with the rest of the world," says Karylle about having an international album.


Nagkaroon ng panibagong milestone ang career ni Karylle noong 2011 nang maging bahagi siya ng Pan-Asian series na The Kitchen Musical.

Ayon sa singer-actress, isa itong dream project para sa kanya.

Kaya naman tinanong siya kung ipagpapatuloy niya ang career na nasimulan niya internationally.

"Well, hopefully, magtuluy-tuloy pa rin," nangingiting sagot ni Karylle.

Ibinalita ng Showtime at ASAP host na magkakaroon ng second season ang The Kitchen Musical.

"It looks like we’re going back to Singapore, pero wala pang exact plans.

"But aside from that, dahil nga umalis ako last year, ngayon lang ako magpo-promote ng album.

"It’s still in Gold naman, pero hindi ako nakapag-mall tour ng maigi.

"So, I’m gonna be touring with my band, yung Reasons band.

"Si Edwin is part of that, siya yung naggitara kanina, and that’s gonna be starting this March, after all the February concerts."

DREAM ALBUM. Gusto rin ba ni Karylle na magkaroon ng international album tulad ng kanyang co-star sa The Kitchen Musical na si Christian Bautista, na sikat na sikat sa Indonesia?

"Hopefully," sambit ni Karylle.

"I mean, it’s everyone’s dream naman talaga to share our music with the rest of the world.

"Siyempre, itong Roadtrip album, it’s written here in the Philippines.

"Yung talagang, feeling ko nga, sabi ko, ito na yung ano, ’It’s more fun in the Philippines!’

"Kasi every song was written in a different place, e.

"May Boracay, may...saan pa ba? May Subic, may kung saan-saan.

"So, natutuwa lang ako na something super home, homegrown."

PROJECTS FOR 2012. Meron na ba siyang mga naka-lineup na mga proyekto ngayong 2012, maliban sa It’s Showtime! na ililipat na sa noontime slot?

"For now, ano talaga, I’m just concentrating on that [It’s Showtime!] and the album [Roadtrip]—na talaga namang kailangan kong bigyan ng pansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yun nga, binuhos ko lahat ng savings ko do’n, so yun muna for now," sabi ni Karylle.

VALENTINE’S DAY. Nalalapit na ang Araw ng mga Puso. Meron na kayang plano si Karylle at ang rumored boyfriend niyang si Yael Yuzon?

"Concert nga, e. Hindi naman ako open!" natatawang biro niya.

Magkakaroon kasi ng concert series si Karylle kasama si Christian, ang Love and Laughter, sa February 14, 25, at 29.

HOW IS THE COMEDY KING? Hindi rin pinalampas ng press ang pagkakataon na tanungin si Karylle ang kalagayan ng Comedy king nba si Dolphy, partner ng ina ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon kay Karylle, "Right now, hindi ko pa alam, kasi hindi ko pa nakakausap si Mama.

"But nakita ko siya [Dolphy]...kailan ba yun? Kung Hei Fat Choi, no’ng Chinese New Year, and nabati ko naman siya.

"And he’s still in very high spirits, alam mo yun?

"Parang he is one person na talaga namang very positive ang aura, so ayun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN