Marco Alcaraz on his bride-to-be Lara Quigaman:"Siya ang naglapit sa akin kay Lord."

"Every Sunday nakakasimba na ako. Hindi naman ako ganung kasobrang nagba-Bible study and everything. Ako nag-convert ako for her," says Marco Alcaraz about renewing his faith because of fiancée Lara Quigaman.


Sa Oktubre ngayong taon nakatakdang magpakasal ang magkasintahang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman.

"Actually, it’s a mutual decision namin ni Lara para may ample time kami to prepare," pahayag ni Marco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Broken Vow noong Martes, January 31, sa Studio 7 ng Kapuso network.

Isang beach wedding ang napagkasunduan nila para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ayon kay Marco, "Actually, dream naming dalawa na beach wedding talaga.

"Actually mero’n kaming isang napili na.

"Actually down to three choices kami, then nung nakita namin itong resort na ito, sobrang na-in love kaming dalawa.

"Sa Batangas siya, sa Nasugbu.

"So hopefully... kasi kailangan maging lot owner ka para payagan ka na doon."

So, bibili sila ng lupa doon?

"Hindi naman. Hindi, may kausap lang kami na... hopefully lahat maayos, ma-push through para doon kami ikasal.

"Hindi naman bibili, may kaibigan lang na will endorse us there para magamit namin."

THE GROOM. Ano ang feeling ng isang future groom?

"Excited na kinakabahan, yung ganun.

"Excited siyempre dahil yung mahal mo sa buhay makakasama mo na habambuhay.

"At the same time, konting kaba dahil siyempre yung preparation and everything. Iyon."

Ano ang plano nila? Showbiz wedding na marami ang imbitado o isang intimate wedding na piling mga bisita lang?

"Siguro intimate lang," sagot ng aktor.

"Pero siyempre hindi natin maiiwasan na marami tayong kaibigan sa industriya.

"So we have to, you know, i-invite natin sila lahat.

"Hindi naman lahat, pero yung may kinalaman sa relationship naming dalawa ni Lara."

May mga napili na ba silang ninong at ninang?

"Merong... may mga ina-eye, pero hindi pa talaga final na final na lahat."

Wala pa raw eksaktong petsa sa October ang kanilang kasal ni Lara.

"Maraming nagtatanong sa akin, ’Uy, magpapakasal ka na?’

"Parang hindi daw... parang unbelievable daw na magpapakasal na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko kasi sa sarili ko, nung nakita ko yung gusto kong makasama habang buhay, so bakit pa ako maghahanap ng iba, ’di ba?"

BEAUTY QUEEN BRIDE. Masuwerte si Marco dahil isang beauty queen at itinanghal na Miss International noong 2005 ang kanyang mapapangasawa.

"Hindi lang dahil sa Miss International, sobrang alaga niya ako. Sobrang bait talaga," sabi ni Marco.

Three years na raw ang kanilang relasyon.

"Sobrang blessed ako kay Lara kaya happy ako, at konting kaba."

Nasa plano ba nila ni Lara na magkaroon agad ng anak?

"Actually siya, gustung-gusto na niya kasi mahilig talaga si Lara sa mga baby. Ganun.

"Pero sabi ko, ano muna, mga after a couple of years muna para at least makapag-ipon ng konti.

"Kaming dalawa only want the best for the baby. Siyempre ’pag may baby ka, you want the best for them."

NO MORE SEXY ROLES? Hindi ba siya nag-aalala sa sinasabi ng iba na kapag nag-asawa na ang isang artista ay medyo bumababa ang popularidad?

Katulad niya na nakilala bilang isang hunky actor na pinapantasya ng marami, ’tapos ngayon ay magiging isa nang married man?

"Hindi naman," sambit ni Marco.

"Siguro kung ginagawa mo naman yung trabaho mo nang maayos, hindi ka naman siguro mawawalan ng trabaho.

"Siyempre may konting kaba, ganun.

"Pero kung alam ko naman sa sarili ko na happy ako... happy ako with Lara, happy ako sa magiging relationship namin, sa the next step after maging boyfriend/girlfriend, so siguro may konting kaba pero hindi masyado."

Sa TV at pelikula, bawas pagpapaseksi na rin siya?

"Siguro naman, depende sa role. Kung kailangan naman sa role, puwede pa rin. Puwede.

"Si Lara naman, hindi naman siya selosa na tao na... basta nasa lugar lang.

"Huwag lang yung mga pinagseselosan niyang babae!" sabay tawa ni Marco.

May mga pinagseselosan din pa pala si Lara?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Konti!" at tumawang muli si Marco.


CLOSER TO GOD. Masasabi bang kaya tumatagal ang relasyon nila ay dahil nasa magkaibang networks sila? Nasa GMA-7 si Marco at si Lara naman ay nasa ABS-CBN.

"May factor ba? Siguro nagwo-work yung... hindi naman dahil sa we have different networks.

"Siguro... ano ba? Nagtutulungan kami pareho na ilabas yung best sa isa’t isa.

"At the same time, si Lara rin talaga ang naglapit sa akin kay Lord.

"Every Sunday nakakasimba na ako. Hindi naman ako ganung kasobrang nagba-Bible study and everything.

"Ako, nag-convert ako for her."

Catholic si Marco dati at Christian na siya ngayon.

"Wala namang difference talaga masyado, pero for her lang ginawa ko lahat yun.

"It’s a new church pala, No Walls ang tawag. Wala pa akong one year na member."

Hindi siya nahirapang mag-decide na magpa-convert?

"I think ano naman, e, basta ako... wala, wala akong hirap."

ONLY CRUSH! Sa Broken Vow, isang pulis ang ginagampanan ni Marcop bilang si Police Officer Michael Pascual. First time ba niyang gumanap bilang isang pulis?

"Naglolokohan nga kami ni Lara, kasi sa May Bukas Pa, nagpulis din siya.

"So, dati nung nanliligaw pa lang ako, text ako nang text sa kanya na magpapahuli na ako sa kanya. Mga ganun.

"Ngayon, ako naman ang pulis.

"Magpapahuli daw siya kasi ang pangalan ko, Pascual. E, crush niya si Piolo [Pascual]."

Hindi naman daw pinagselosan ni Marco si Piolo.

"Crush lang naman, e."

Si Marco raw noon pa man ay si Lara na ang nag-iisang crush niyang artista.

"Nanood pa ako dati ng Wowowee, nanood pa ako dati ng That’s My Doc, crush ko na siya.

"So, happy ako sa relationship namin."

LOYAL KAPUSO. Nagtapos ang kontrata ni Marco sa GMA-7 noong September 2011, pero bakit hindi siya umaaalis at lumilipat sa TV5 o sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully mabigyan ako ng guaranteed contract sa kanila, alam naman nila loyal tayo."

Paano kapag hindi siya binigyan ng guaranteed contract, lilipat siya?

"Hindi naman. Pero sana lang mabigyan tayo ng guaranteed contract para mas masaya!

"Lalo na at ikakasal tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN