Does Julia Montes feel "kilig" for Coco Martin?: "Meron in a way."

"Kapag ginagawa namin ang eksena talagang nakakakilig naman," says Julia Montes when asked if she feels giddy over her leading man Coco Martin.


Maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa tambalan nina Julia Montes at Coco Martin sa primetime series ng ABS-CBN na Walang Hanggan.

Kaya’t walang-dudang isa si Julia sa hinuhubog ng Kapamilya network para maging isang ganap na bida sa primetime.

Hindi maitago ni Julia ang kasiyahan sa mga nangyayari sa career niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng 100 years of Coke, sa pakikipagtulungan ng Bench sa Trinoma, last week.

Isa si Julia sa mga napili ng Coke na maging ambassador mula sa listahan ng Bench celebrity endorsers.

"Siyempre po, sobrang saya na maganda ang feedback.

"Kasi noong umpisa, maraming negative [comments] na natatanggap na hindi nga raw kami bagay dahil sa age gap.

"At least, sa first week lumabas na okay naman, may chemistry at marami ang nagagandahan."

Si Coco kasi ay 30 years old na, samantalang si Julia naman ay magse-17 pa lang sa Marso.

HER MOTIVATION. Naging hamon daw kay Julia ang mga negative reaction na narinig o nakarating sa kanya para pagbutihin pa ang kanyang pag-arte sa Walang Hanggan.

"Siyempre, parang yun ang naging motivation ko para pagbutihin ang character ko.

"At talaga namang kaabang-abang din ang character ko dito [gaya] kay Clara at sa previous kong nagawa.

"So, yun," nakangiti niyang saad.

FEELINGS FOR COCO? May kilig din ba siyang nararamdaman para sa kanyang katambal na si Coco?

"Meron in a way, na kapag ginagawa namin ang eksena, talagang nakakakilig naman."

Ayon kay Julia, wala rin siyang naramdamang pagkailang sa pakikipagtambal niya kay Coco kahit noong umpisa.

"Simula pa lang, okay na ako sa kanya. Kasi nga, nagka-work na kami previously and wala namang ilang.

"Siguro noong mga first three days, medyo kapaan pa.

"Pero sa susunod na days, kami na ang naggi-give and take. Medyo nagsi-share na ng ideas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BIAS FOR MATURE LEADING MEN? Paano kung ito na ang simula na mga medyo mas may edad sa kanya ang laging ipareha sa kanya at hindi yung mga kaedad niyang bagets?

"Hindi ko rin masabi. Siguro lang kung mas makakabuti sa career ko at mas maganda ang role.

"Kung bagay sa role, gagawin ko. Willing naman ako kasi wala naman talaga sa age yun."

Ayon pa kay Julia, nag-uusap daw sila ni Coco tuwing may eksena sila.

"Nag-uusap kami. Kasi, ang ugali namin, nag-uusap kami kapag rehearsal.

"Minsan, idea ko at idea niya, pinagsasama namin kaya lumalabas na natural na natural."

PAULO AND COCO. Paano niya mailalarawan ang dalawa niyang leading men sa Walang Hanggan na sina Coco at Paulo Avelino?

"Kung pagko-compare, magkaiba kasi sila.

"Si Paulo siguro, more on pinagbubutihan niya. Aminin natin, bago lang siya dito sa ABS.

"And si Coco naman, sanay na sanay na siya.

"So, iba ang maturity ni Coco at iba rin naman ang maturity ni Paolo.

"Ibang-iba ang rapport ng bawat isa," saad ni Julia.

THE NEXT BIG STAR? Mula sa pagiging bida-kontrabida bilang Clara sa Mara Clara, heto’t hinuhubog na siya ng ABS-CBN bilang isang dekalibreng leading lady.

Ano ang masasabi ni Julia rito?

"Siyempre, ang saya-saya ko kasi ang dami naming magkaka-batch, pero nabigyan ako ng pagkakataon at sana, tuluy-tuloy na ’to.

"Kasi, talagang ginagawa ko ang best ko every show... every opportunity na ibinibigay sa akin.

"Hindi ko rin naman akalain na after ng Mara Clara, mabibigyan ako ng ganitong opportunity na leading lady na.

"Sana lang, magustuhan ng mga tao at talagang pinagbubutihan ko na lang."

Nararamdaman ba niya ang pag-push sa kanya ng network para maging "next important star"?

"Hindi ko nararamdaman personally, pero sa sinasabi sa akin, yun nga raw ang path.

"Kaya sabi ko, pagbubutihan ko na lang para dun nga ako mapunta," sagot ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ISSUES WITH KATHRYN? Sa isang banda, hindi raw nagiging isyu sa pagkakaibigan nila ni Kathryn Bernardo kahit nauna siyang bigyan ng primetime lead role.

Kuwento pa ni Julia, "Wala talaga sa amin yun. Kita n’yo naman dito sa launching ng 100 years ng Coke sa Bench, magkapareho pa kami ng shoes.

"Wala sa amin yung mga isyu-isyung ganoon."

SPECIAL DATE ON VALENTINE’S DAY? Sa papalapit na Valentine’s Day, wala pa naman daw nagyayaya sa kanya para makipag-date.

Pero kung si Julia raw ang masusunod, may gusto siyang gawin this Valentine’s day.

Aniya, "Gusto kong makasama ang mga special na tao sa buhay ko.

"Siyempre, gusto kong magsimba kami sa Valentine’s day, ’tapos dinner lang with family and special friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN