Jean Garcia on daughter Jennica’s boyfriend Alwyn Uytingco: "Boto ako! Yung botong-boto... parang papakasal na ’yan, e! "

Jean Garcia on why she was against Alwyn Uytingco at first for her daughter Jennica: "Siyempre may mga ganung factors. But alam mo, at the end of the day, nakita ko at nang makilala ko si Alwyn, napakabait na bata. Napakabait na bata at maayos."


Very proud daw si Jean Garcia sa anak niyang si Jennica Garcia.

"Actually, dahil ano... siyempre malaki na rin si Jennica and experienced na rin siya.

"So I’m very, very proud of her kasi parang hindi na siya bata.

"Yung sa kanya, yung pagiging isip-bata niya, siguro mga ways lang niya...

"Yung mga harut-harot niya, doon lumalabas yung pagiging bata.

"Pero yung sa mga desisyon, kunwari sa love, sa pinansiyal, sa buhay niya, ano naman, maayos. Maayos si Jennica.

"Nakikita ninyo naman, di ba? Maayos yung bata, even sa work niya," sunud-sunod na pahayag ni Jean.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang seasoned actress sa presscon ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis noong Martes, January 31, sa Studio 7 ng Kapuso Network.

Kumusta naman si Jennica?

"Oo, happy siya. Happy siya."

ALWYN UYTINGCO. Malugod na tinatanggap na raw ni Jean ang boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytingco sa kanilang tahanan.

"Oo naman, oo naman. Dumaan lang siguro kami sa [proseso].

"Siguro lahat naman ng mga magulang, hindi ba, ’pag may manliligaw ang anak, especially kung babae ang anak mo, normal naman yun.

"Ibigay na natin yun sa mga magulang, hindi ba?

"Na kumbaga parang, ’O, teka muna, maayos ba itong taong ito or ano?’

"Siyempre may mga ganung factors.

"But alam mo, at the end of the day, nakita ko at nang makilala ko si Alwyn, napakabait na bata.

"Napakabait na bata at maayos. Maayos na lalaki at maalaga. Maalaga siya sa anak ko.

"So I’m very happy that they’re together now. And... very happy, very happy."

USAPANG KASALAN. Ibig bang sabihin, botong-boto na siya kay Alwyn para kay Jennica, para maging asawa ng kanyang anak?

"Boto ako! Yung botong-boto... parang papakasal na ’yan, e!" natatawang pagpansin ni Jean.

"Hindi, boto lang muna! Boyfriend-girlfriend muna!" ang tumatawang sinabi ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung biglang magpaalam ang dalawa na magpapakasal na?

"Aba’y depende kung sa kaya na nila, hindi ba?"

Sa tingin ba niya kaya nang lumagay sa tahimik ng anak at ni Alwyn?

"Hindi pa kaya," sagot ni Jean.

"Hindi pa kaya dahil hindi pa kaya ng nanay na mawala ang anak niyang panganay!

"So, hindi pa kaya ni Jennica. Hindi ko pa carry, hindi ko pa carry.

"Huwag muna, bata pa sila, marami pa silang dapat i-enjoy.

"At dahil si Alwyn din naman maganda din ang career at marami ring trabaho, si Jennica ganun din sa GMA-7.

"So trabaho, tapos, you know, enjoy nila ang kanilang kabataan."

Hindi raw siya nagkukulang sa pagbibigay ng payo kay Jennica.

"Oo naman at saka maski si Alwyn kinakausap ko siya."

May naibigay na ba siyang advice kay Alwyn o tinakot niya ang binata?

"Ang pangit naman ng pananakot!

"Kontrabida lang naman ako sa telebisyon at sa pelikula, mabait ako sa totoong buhay.

"Wala namang pananakot. Ang sabi ko lang sa kanya, ’Alam ninyo na ang tama at mali, di ba?’

"Sabi ko lang, huwag niyang paiiyakin ang anak ko kasi pag pinaiyak niya ang anak ko, lagot siya sa akin.

"Ganun ka-sweet, ’Lagot ka sa akinnn ’pag pinaiyak mo anak kooo....’" natatawang pag-ulit niya sa kanyang tinuran.

PREGNANCY ISSUE? Ngasalita rin si Jean tungkol sa balitang buntis daw si Jennica.

Aniya, "Hindi ako nag-alala at hindi ako naniwala.

"Kilala ko kasi ang anak ko, e. I really trust her.

"And siguro naman sa mga pinagdaanan ko sa buhay ay alam naman siguro niya kung ano ang tama at mali.

"Sabi ko nga sa kanya, ’Honey, kumbaga, ito yung mga na-experience ko.

"’Kung may mga palpak man o may mga negative man diyan, tumayo ako kasi nandiyan ka, di ba?

"’Maaga kang nandiyan na anak ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’So, ikaw yung inspirasyon ko and everything.

"’So, ikaw, yung mga na-experience kong ganun, huwag mong lagyan ang buhay mo ng ganun.

"’Yung sa akin destiny ko yun, e, di ba? Ikaw iba yung destiny mo.

"’So sana, natuto ka sa lahat ng mga mistakes na nangyari sa akin.’

"Pero sabi ko nga sa kanya, kailangan din niyang matuto, e.

"Kaya hindi ko rin masyado nirerendahan dahil alam naman niya kung ano ang tama for her at makakasama for her.

"Kasi yung maliliit na mga bagay na mistakes, pagbibigyan natin ’yan kasi kailangan niyang ma-experience talaga."

DATING? Si Jennica ba ay boto naman sa mga nakaka-date ng inang si Jean?

"Naku, yung anak ko nga pinu-push pa ako!" tawa ni Jean.

"Kunyari nagtrabaho ako, ’tapos meron ako kunyari dalawang free days...

"Siya pa yung nagpu-push sa akin na, ’Ma, lumabas ka naman, ano ka ba naman? Lumabas ka.’"

Pero ayon sa magaling na aktres, matagal na siyang hindi nakikipag-date.

"Parang matagal na rin, parang before pa ng holiday season," nangingiti niyang pahayag.

MANGGAGAWAY. Sa kanilang bagong serye na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, "manggagaway" ang role ni Jean o diyosa ng mga sakit.

Sa tunay na buhay ba, kung may kapangyarihan siyang itim, may nais ba siyang paggamitan nito?

"Wala naman, I’m a lover! I’m not a fighter. I’m a lover," sabi niya.

Sa isang interbyu kay Cherie Gil, sinabi ng aktres na "nami-miss" na niya si Jean.

Nagkasama ang dalawa sa Time Of My Life at naintriga pa noon na nagtarayan sila sa set.

Ayon naman kay Jean, "Miss ko na rin siya!

"Alam mo ba ang tawag niya sa akin? Frienemy!

"Oo, kasi ako kumbaga friend niya ako, pero enemy niya ako sa teleserye. kaya frienemy, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN