Part 2 Aiko Melendez to decide if she will run for office again

Both Aiko Melendez (above) and ex-husband Jomari Yllana are single and not involved with anyone. Is a reconcilation possible?

"Could be, kaya lang ano siguro, mas kailangan pa namin ng a little connection. Na talagang pag-uusapan namin and eventually siguro pag mas nagkaedad pa kaming pareho, that’s the time siguro na baka puwede naming mai-consider," she says.


Local elections next year, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko Melendez kung may plano ba siya na tumakbong muli sa pulitika?

Dating konsehal si Aiko sa District 2 ng Quezon City.

"Hindi ko pa alam. Kasi I’m waiting for a sign. Sabi ko nga kung this year ibibigay sa akin yung sign na yun then dun ko malalaman kung tatakbo ako o hindi," pahayag ni Aiko.

Ayon pa sa kanya...

"Pero hindi ko sinasarado yung possibility na tumakbo ako. Kung kakailanganin naman ng QC pa, why not?"

Ano ang sign na hinihintay niya?

"Hinihintay ko na yung sign na meron akong gawin na kontrata, iyong big contract na hinihintay ko for this year. Pag nangyari yun then definitely magpo-focus ako sa showbiz more."

Kontrata ng...

"Baka maudlot e, basta network and pelikula."

Kapag natuloy daw ang naturang kontrata ay magko-concentrate sa pag-aartista si Aiko.

Kapag hindi natuloy, baka tumakbo siya...

"Kumbaga may possibility kasi dun sa ano, part ng kontrata na hinihintay ko kasi I cannot run, e.

"So pagka ano, natuloy talaga yun... and hina-haggle ko naman na sana puwede kong pagsabayin di ba?

"Kaya ko naman, I mean I did it for nine years. Kung mapakiusapan, tatakbo talaga ako."

Ganun niya kamahal ang Quezon City.

"Sobra! Kasi nine years akong nasa pulitika and kahit ngayon na wala na ako sa politics, ang dami pa ring humihingi ng tulong, hanggang ngayon, as in!

"Tumatawag yung mga kapitan ko dati na mga natulungan. Siyempre kumbaga ang public service, once na nandiyan ka, forever nandiyan ka na, e."

Hindi ba niya hinangad na mas mataas na puwesto ang takbuhin—tulad ng pagiging senador?

"Ay, hindi pa ako ready sa ganun! Hindi ko pa kaya ang ganun.

"Kasi ngayon pa lang nga na I’m going back to show business, yung time ko sobrang hindi ko na maayus-ayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag kasi mas mataas na posisyon, mas ang [mga] demand and responsibilities mo, mas lumalaki so baka hindi ko kakayanin yun."

NEW SERIES. Sa ngayon nga ay abala si Aiko sa Nandito Ako na mini-serye ng TV5 na pinagbibidahan ni David Archuleta, Jasmine Curtis Smith at Eula Caballero.

Nasa show rin ang kalilipat lang sa TV5 na si Gelli de Belen at ang nagbabalik-showbiz na si G Toengi.

Ipapalabas ang nasabing serye sa February 20 sa direksyon ni Mac Alejandre.

Ang manager ngayon ni Aiko ay si Boy Abunda.

"Backroom ako, magpa-five years na."

What if sabihin ni Tito Boy na i-e-exclusive na si Aiko sa ABS-CBN?

"Kung maganda naman ang offer ng Channel 2 and magkaka- compromise kami sa mga lahat ng hinihingi ko, why not?"

Nasa ABS na rin si Carmina Villaroel...

"Yeah oo, si Ruffa naman, nandito [sa TV5]. Sana nga e, magkatraba-trabaho kami."

Magkaka-batch sina Aiko, Ruffa at Carmina noon na nakilala bilang Underage Girls at mga Regal Babies.

At hanggang ngayon ay may communication silang tatlo.

"Oo naman. In fact si Ruffa before she left for Brazil magka-BBM kami.

"And then nung mga times na yun nga, yung nagkaroon ako ng court case...

"You know, I’m really blessed na kahit na matagal kaming hindi nagkita, nagkita kami nung time na yun, we had dinner, nagkuwentuhan, she assured me na andiyan pa rin yung friendship.

"And now that, you know, her family, si Tita Annabelle [Rama] is going through a controversy ngayon, pinagdadasal ko sila."

ANDREI AND MARTHENA. Thirteen years old na ang anak nina Aiko at dating karelasyon niya na si Jomari Yllana na si Andrei.

Nag-model nga ito for a Bench fashion show for kids. Hanggang pagmomodelo lang ba niya papayagan si Andrei?

"Actually there was an offer from Channel 5 na parang gagawa ng kiddie show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko kanya, ’Do you want to do it?’ Sabi niya ’Yeah, I can try doing it.’ So hopefully kung maayos yung ano na yan, baka."

Si Tito Boy rin ang manager ni Andrei.

Si Marthena naman ay five years old na, na anak naman nina Aiko at dating asawang si Martin Jickain.

Mag-aartista rin ba si Marthena?

"Bawal sa school, e. Poveda kasi siya so bawal ang mag-artista."

Paano kung gusto rin ni Marthena?

"Siguro puwede pero ano, studies talaga ang priority."

With Andrei, meron silang constant communication ni Jomari.

"Oo! In fact si Jomari visited us here sa set [ng Nandito Ako].

"Dinalaw niya ako tapos si Gelli, si G, nakita din niya, kasi di ba mga naka-work rin ni Jom.

"Okay kami ni Jom. Everything naman is.... ang usapan namin lagi, if it concerns Andrei, he’ll always be part of it.

Loveless rin si Jomari, at loveless rin si Aiko.

May posibilidad ba na magkabalikan rin sila?

Isn’t love sweeter the second time around?

"Could be, kaya lang ano siguro, mas kailangan pa namin ng a little connection.

"Na talagang pag-uusapan namin and eventually siguro pag mas nagkaedad pa kaming pareho, that’s the time siguro na baka puwede naming mai-consider.

"Nothing is impossible naman, di ba," pagtatapos na pahayag ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN