Mara Lopez Yokohama on her Survivor Philippines experience: "It made me stronger and nabigyan ng mas malalim na meaning ang life sa akin."

Mara Lopez Yokohama (main photo), recalls begging her mom Maria Isabel Lopez to join her in Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

"Hindi ba nga ayaw pa ni mommy at iniyakan ko pa siya para lang pumayag siya? Ngayon my mom understands why I wanted to join and she is very proud of me," she says.

Inset, Mara and her mom, Maria Isabel Lopez.


Dream come true para kay Mara Lopez Yokohama na makabilang sa Top 4 ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

Inamin nga ni Mara na matagal na niyang pangarap ang makasali sa reality show na Survivor Philippines dahil paborito nga niya ang US version ng naturang reality show.

Sa huling endurance challenge nga sa isla ay nakuha ni Mara ang immunity necklace at hindi nga raw siya nahiyang umiyak nang siya ang tanghalin na winner sa naturang challenge.

"The show is like everything to me. It’s a dream of mine noon pa when I first watched Survivor.

"I was like, ito lang ang reality show na sasalihan ko because alam ko na kakayanin ko," ang sabi ni Mara nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center.

"I literally begged my mom [Maria Isabel Lopez] to join the show with me because I also wanted her to experience it with me.

"Hindi ba nga ayaw pa ni mommy at iniyakan ko pa siya para lang pumayag siya?

"Ngayon my mom understands why I wanted to join and she is very proud of me.

"Sayang nga mom was voted out early in the show.

"Alam ko na she can survive at least 30 days on the island with me.

"Pero may mga challenges nga that my mom couldn’t take and other things that became too personal."

HATERS AND SUPPORTERS. Sa mga nakapanood nga kay Mara sa kanyang pakikipaglaban sa isla, nagkaroon siya ng mga haters dahil nga sa paraan ng kanyang pakikipaglaro at pakikitungo sa kapwa niya castaways.

Aware nga si Mara na may mga galit sa kanya, lalo nga raw sa Twitter na kung anu-ano ang tawag sa kanya.

Pero natutuwa siya dahil meron din siyang mga supporters. Sila na lang daw ang kanyang nagiging inspirasyon para pagbutihin pa ang kanyang pakikipaglaban sa isla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aside from my mom, my dad is also a strong supporter.

"Masyadong bilib sa akin ang dad ko kaya ako naman, I want to really prove that I am worthy of his support.

"When he joined me nga sa island para sa mga challenges, doon ko nakita how much he loves me and how much he supports my dream.

"My dad is already at that age na hindi na siya dapat napapagod pero he still made a sacrifice para lang makita at makasama niya ako.

"That I will remember for the rest of my life.

"Nandiyan din ang mga true friends ko. Sila ang mga nagpapalakas din ng loob ko," ngiti niya.

Grabe nga raw ang paratang sa kanya ng kanyang mga haters sa Twitter at Facebook.

"Halos sirain na raw ang kanyang pagkatao.

"Pero cool lang daw si Mara dahil normal lang daw ang ganyang mga reaction mula sa mga manonood.

"When the show started airing nga, marami na akong haters kasi ganito raw ako, bad girl ako, klepto, flirt and anything na masasabi mong negative about, nai-tweet na nila.

"But I don’t mind. Ayokong makipag-away sa ganyan.

"I am just glad na nanonood sila at inaabangan nila ang mga ginagawa namin doon.

"I just want to say na naglalaro lang kami. It’s all a game. It’s a game of survival. Sabi nga nila, in the wilds, eat or be eaten, ’di ba?

"Ganito rin sa larong Survivor. If you don’t have a plan, hindi ka tatagal.

"If you don’t know how to play the game, you will go home.

"Sana maintindihan ng mga haters na hanggang sa isla lang ang pagiging gano’n ko.

"In real life, sweet ako! I can be your best friend. Kilalanin muna nila ako at magiging BFF tayo!" sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ELLEN ADARNA. Isa nga sa maituturing na hater ni Mara ay ang castaway din na si Ellen Adarna.

Marami nga raw na paninira ang sinabi ni Ellen tungkol sa kanya at sa kanyang inang si Maribel noong magpa-interview ito sa press kamakailan.

Para kay Mara, hindi na lang daw niya papatulan ang tulad ni Ellen dahil alam ng lahat na isa itong quitter kaya walang saysay ang mga pinagsasabi nito.

"What’s funny is that kung magsalita siya, as if nakilala niya ako or naging close kami.

"Sa totoo lang, hindi ko siya nakilala or naging close noong nasa island kami.

"Magkaiba kami ng tribo. Si mommy lang ang na-encounter niya and sila ang may issue sa isa’t isa.

"Nagtataka lang ako bakit niya ako sinasali sa problema niya sa mommy ko?

"Noong mag-merge na ang dalawang tribes, wala na si Ellen at nag-quit na sila ng boyfriend niya. So, hindi ko siya nakilala or nakausap man lang.

"So paano niya masasabi na I smell bad or kleptomaniac ako?

"Parang ang galing-galing naman niya makaimbento ng kuwento, ’di ba?

"If she wants to be the star, huwag siyang manira ng ibang tao.

"Never use anybody else for your publicity. Nakakahiya kasi, e.

"Si mommy, hindi siya papatulan. Masyadong busy ang mommy ko para lang pansinin siya.

"Or sana magpaka-busy na lang si Ellen para hindi siya nakakapagsalita ng masama sa ibang tao ’di ba?" diin pa ni Mara.

CASTAWAY FRIEND. Sa personal life naman ni Mara, na-link nga siya sa castaway na si Arnold Aninion ng Philippine Volcanoes.

Masyado nga silang naging close sa isla at marami ang nagsasabi na may namuong pag-ibig sa kanila habang nasa island sila.

"Kami ni Arnold, we’re okay. Good friend kami until now," ngiti ni Mara.

"Yung closeness namin should not be taken na may relasyon na kami. Sobra lang na magka-vibes kaming dalawa when we were there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasasakyan ko ang mga hilig niya. We have so much in common talaga.

"Kaya up to now, close pa rin kami. We go out with our common friends. Gano’n lang ’yon."

SURFING BUDDY. Pero may nakapagsabi na nakita sila ng aktor na si Rafael Rosell na nagsu-surfing na magkasama. Madalas nga raw na ito ang nakakasama ni Mara.

"Si Rafael, matagal ko na siyang kaibigan. Nasa ABS-CBN pa ako, we know each other na.

"Pareho namin passion ang surfing. Nagkasundo kaming dalawa because of that sport.

"Kaya kapag magsu-surfing ako, I would ask him if he wants to join me.

"Gano’n din siya. Kaya parang nagkaroon na kami ng bonding.

"Hindi lang naman si Rafael ang nakakasama ko. I go with other people who enjoy surfing."

Dahil nalalapit na nga ang pagtatapos ng Survivor Philippines, sa palagay ba ni Mara na malaki ang chance niya na manalo bilang ultimate sole survivor at maiuwi ang P3 million?

"I don’t know... sana nga gano’n lang kadali ang manalo.

"But may dalawa pa akong makakalaban. It’s top 3 kaya anything goes... anybody can win.

"It depends on the jury. Kilala ko na kung sino ang mga magiging kakampi ko sa jury based on my interaction with them noong nasa island pa sila.

"But it really all depends on what’s going to happen talaga.

"Nobody knows. But I am keeping my fingers crossed and praying.

"The experience I had with Survivor Philippines is something na hindi ko malilimutan.

"It made me stronger and nabigyan ng mas malalim na meaning ang life sa akin.

"Kaya more than the big prize, the experience is priceless!

"Nobody can put a price tag on what we all experienced in Survivor Philippines," pagtatapos pa ni Mara Lopez Yokohama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN