Brazilian model Barbara Barretto willing to try acting: "Give me a few months to learn your language so I can deliver better."

Brazilian model Barbara Barretto bears a striking resemblance to local actresses Iza Calzado and Bianca King, as well as British actress and Oscar winner, Rachel Weisz.




May models division na ang Viva Artist Agency (VAA) kaya hindi lang para sa mga singers at actors ang serbisyo na binibigay nila.

Last February 2 ay nagkaroon ng contract signing sa Viva office ang Brazilian model na si Barbara Barretto. Co-managed si Barbara ng VAA at ng manager nitong si Jake Joson.

Si Jake ay nakilala dahil isa ito sa mga tauhan ng Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao. Pinasok na rin niya ang pagma-manage ng talents.

Commercial and print model ang 23-year old na si Barbara na pinanganak at lumaki sa Rio de Janeiro, Brazil.

Fluent siya sa English at gusto rin niyang matutunan ang magsalita ng Tagalog.

May hawig si Barbara sa mga local actresses natin na sila Iza Calzado at Bianca King.

May anggulo rin siya na kahawig ang British actress at Oscar winner na si Rachel Weisz.

Kuwento niya na marami siyang nababalitaan na magandang opportunities para sa mga modelo rito sa Pilipinas kaya sinubukan niya ang kanyang suwerte rito.

Nakuha si Barbara para sa campaign ng Bench Body at nakilala na niya ang ibang model celebrities dito tulad nila Georgina Wilson, Borgy Manotoc at ang team ng Philippine Volcanoes.

May nagawa na ring TV commercial si Barbara at ito ay ang Close-Up Fire Freeze.

Na-feature na rin siya sa FHM Philippines noong buwan ng May 2011. Nasa inside pages lang ang kanyang pictorial.

Willing din naman daw siyang maging cover ng naturang men’s magazine.

Nagsimulang mag-model si Barbara noong 15 years old pa lang siya. She had to quit school para ma-pursue niya ang kanyang dream na maging isang supermodel.

"I was studying in Brazil when I started modeling. Many are always telling me that I should try my luck in Europe because there are lots of opportunities there.

"So I wasn’t able to finish my college studies because I chose to have a career in modeling. I was based in Germany because I signed up with a modeling agency there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I did many campaigns in Europe. My biggest one was the Pantene shampoo. The commercial was aired all over Europe and the U.S.

"I was also able to model in Asia, particularly in Bangkok, Singapore and Hong Kong.

"Then somebody suggested that I try the Manila because there are a lot of Brazilians models making it here. So why not?" ngiti pa niya.

Nagkaroon ng invasion ng mga Brazilian models ang Pilipinas. Kabilang na rito ay ang mga Brazilian-Japanese male models na sila Akihiro Sato, Daniel Matsunaga, Fabio Ide at Hideo Muraoka.

Sa mga babae naman ay nandiyan sila Daiana Menezes at ang sister ni Daniel na si Vanessa Matsunaga-Sunga.

Ilan sa kanila ay hindi lang modeling ang ginawa kundi sumubok din sa pag-arte sa TV at pelikula. Yun din ba ang gustong gawin ni Barbara?

"Let’s see what happens," ngiti niya.

"I am here just modelling. But if opportunity knocks, why not give it a try?

"Just give me time to learn the many things about acting. I don’t want to make a fool of myself.

"Give me a few months to learn your language so I can deliver better.

"It’s not my dream to be in the acting business but if it’s also good for my career, then I see nothing wrong in trying."

Wala raw boyfriend si Barbara kaya malaya siyang pumunta at magtrabaho sa kung anong bansa na gusto niya.

Inamin niya na nagkaroon na siya ng iba’t ibang boyfriends na mula sa mga bansang napuntahan na niya para sa kanyang trabaho.

Ready kaya siya na magkaroon ng isang Filipino boyfriend?

"I don’t see why I shouldn’t," sabay tawa niya.

"I hear stories about Filipino men and how respectful they are. They say that they are gentlemen.

"So far, the Filipino men that I have met are very nice and kind. I am looking forward to meet more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I cannot compare them to European men. Men there are very aggressive. They just go for it without asking.

"I’m not the type who would go for men like that. I am still quite conservative.

"I want a man who is kind and loving. Somebody that you can talk to about anything under the sun.

"Hopefully, I meet the right guy here in the Philippines," pagtatapos pa ni Barbara Barretto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN