Director Cathy Molina-Garcia says Filipinos ready for mature romantic comedies

Director Cathy Molina Garcia on her new movie, Unofficially Yours, which stars John Lloyd Cruz and Angel Locsin under Star Cinema.

"Well, iba yung tema. For the first time, gumawa ako ng isang rom-com na hindi about a regular kind of relationship. Medyo confused ang characters, so mahirap timplahin itong pelikula. Sana na-achieve naming magpakilig despite that," she says.




Karamihan sa mga blockbuster movies ng Star Cinema ay gawa ng itinuturing na blockbuster director na si Cathy Garcia Molina.

A Very Special Love, You Changed My Life, My Amnesia Girl—ilan lamang ito sa mga pelikula na dinirehe ni Direk Cathy na talaga namang tumabo sa takilya at naging tulay para maparangalan sila John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo at Toni Gonzaga as Box Office King and Queens.

Ngayon ay may bagong pelikula siyang hinahandog, ang Unofficially Yours, starring John Lloyd Cruz at Angel Locsin under Star Cinema.

Agad naming tinanong si Direk Cathy kung ano ang bagong makikita sa nasabing pelikula at kung ano ang dapat abangan dito ng publiko.

"Well iba yung tema. For the first time, gumawa ako ng isang rom-com na hindi about a regular kind of relationship.

"Medyo confused ang characters, so mahirap timplahin itong pelikula. Sana na-achieve naming magpakilig despite that."



Balita na daring at mature ang Unofficially Yours. Nasa plano ba ni Direk Cathy na paunti-unti, ay gumawa siya ng mga rom-com na mas malalim ang tema kaysa sa mga naunang pelikulang kanyang dinirek?

"Yes, siyempre you want to do something different.

"Sabi ko, gusto kong mag-level up ng kaunti.

"Dati dapat seryosong pelikula ito but then we thought, bago na nga yung tema mo tapos tatapangan mo pa?

"Baka ma-ano ang audience, so ni-lighten namin para matanggap.



Konserbatibo raw ang kulturang Filipino. Sa palagay ba niya ay tanggap na ng mga manonood ang ganitong tema ng pelikula?

"Ako, I think they have been ready.

"Mas takot lang tayong subukan kasi alam mo yung silent majority.

"I think they’ve been ready, especially after the success of No Other Woman. Parang naisip ko, kaya na nila.

"Saka wala naman kaming sinasabing bawal o mali sa pelikula.

"Nagkuwento lang naman kami ng isang love story between someone who believes in a traditional kind of relationship and na-in love sa isang babae na ayaw sa ganung klaseng setup. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SEXY SCENES. Magugulat ba ang manonood sa mga sexy scenes nila John Lloyd at Angel?

"Madaming [sexy scenes]. I think I’ve earned their trust na alam nila na kailangan ito sa pelikula...

"Saka si John Lloyd, gentleman na leading man. Si Angel naman will not allow na lalabas [siya] na bastos or anything.

"Ang lahat ng respeto at pag-aalaga na maibibigay ko sa dalawa para di nila ma- feel na nababastos sila, ginawa namin.

"But other than that, ine-explain ko sa kanila kung bakit kailangang gawin yun at nagko-comply naman," ang sabi ni Cathy.

"Sexy scenes talaga siya, hindi siya phantom love, it’s an actual act of making love.

"May mga plaster, protected si John at saka siyempre wala ka namang masyadong kayang ipakita.

"At the end of the day, may mga bagets kang manonood, the teenagers, at ayokong ma-misinterpret nila ang tingin nila sa pelikula."



LIVING UP TO HER NAME. Di naman tinago sa amin ni Direk Cathy na may pressure talaga ang titulo na blockbuster director na ibinigay sa kanya.

"Oo, lagi. Mayroon ka na tuloy obligasyon na kailangang lagi blockbuster, pero ayokong ilagay sa isip ko yun kasi di makakatulong sa akin.

"More than anything gawa ka muna ng matinong pelikula tapos kung matino ka, papanoorin ka, magiging blockbuster siya."

Hindi naging issue para ay Direk Cathy ang paggawa ng isang mainstream movie na komersyal at maganda ang quality.

"Lumaki kasi ako sa Star Cinema. Lumaki ako sa mainstream na paggawa ng pelikula, so nakuha ko na siguro yung puso ng ganyan.

"Lahat naman mahirap, nasanay na ako. Ang pinakamahirap lagi ay kung paano mo siya gagawing iba.

"Kung paano ka magbibigay ng bagong putahe sa audience mo, e, pareho naman ang genre mo, rom-com pero di pagsasawaan.

"At the end of the day, sincere lang ako. Na ang mga eksena ko alam ko, hindi imposible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I always make sure na sasabihin mo, ’Ay, totoo yan.’

"Yan ang laging pamantayan ko pag gumagawa ako ng eksena e, ’Posible ba ito?’

"Kasi ayoko sabihin ng audience, ’Di naman nangyayari yan e.’ Dapat relatable lagi."



JOHN LLOYD-SARAH PART 3. She confirmed that after Unofficially Yours, they will start filming the third installment of the John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movie.

"Yes, we’re doing it right now. We’re doing the conceptualization.

"We’re doing the scripting so first week of March, tatalon na kami dun ni John Lloyd.

"This is part 3 of the John Lloyd-Sarah movie. Part 4? we don’t know.

"Galing naman sa tao yan, saka depende sa management. As long as they want it, siguro, oo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN