Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7

Direk Mac Alejandre on Marian Rivera’s surprise visit to the set of Nandito Ako: "Naglaan siya ng oras, dinala niya yung paborito kong pastry, niyakap niya ako, marami siyang binulong sa akin na ikinataba ng puso ko... In this industry, if you have a friendship na may ganung klaseng maturity and level-headedness, na may love and respect, may compassion and affection, of course nakakatuwa yun."



Marami ang nagulat na pagkatapos ng Amaya ay ginagawa na agad ni Direk Mac Alejandre ang mini-seryeng Nandito Ako ng TV5 na pinagbibidahan nila David Archuleta, Jasmine Curtis Smith at Eula Caballero.

Identified na direktor ng GMA-7, malaking palaisipan sa lahat ang naging paglipat ni Direk Mac sa Kapatid network.

Sa interview ng PEP.ph sa mahusay na director kagabi, presscon ng Nandito Ako, kinumpirma ni Direk Mac na pumirma siya ng four-year exclusive directorial contract sa TV5.

He also revealed his reason for leaving GMA-7.

"I signed a four-year exclusive contract with TV5. Dalawang bagay ang naging batayan ko: Una, security, at pangalawa, growth.

"I felt that both networks offered security pero pagdating sa growth factor, ang feeling ko, mas malaki ang chance ko to do more things and newer things here [TV5]," aniya.

"Gusto ko lang i-clarify, di sila dapat magtaka kasi I never had an exclusive contract with GMA.

"I never had a network contract with them throughout my 12 years with them.

"All I had was a program contract. Ganun ang relationship namin.

"[Nuong] umalis ako, lahat pinaliwanag ko sa kanila. I went through the proper process, diretsong-diresto."



We asked Direk Mac kung may pagpipigil ba na ginawa ang GMA at kung nag-counter offer ba ang mga ito na kadalasang nangyayari pag may isang artista o director na gustong lumipat sa ibang istasyon.

"Nag-counter offer sila; the offer was extremely good.

"They covered the aspect of security, pero yung growth e, yun yun e."



Inamin ni Direk Mac na sa loob pala ng 12 years niya sa GMA ay hindi siya inalok ng director’s contract, kung saan mayroon naman ang ibang mga director sa nasabing istasyon.

"Ang Channel 7 mayroon, may mga directors sila na inalok ng network contract but I was not offered a network contract.

"They only offered me, mga last year. That time, di ko na kino-consider yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang linawin sa lahat, I was never offered a network contract by GMA except last year.

"No, di ako offended, pero naging consideration yun when I had to make a decision."



Isa sa pinagpapasalamat at ikinatutuwa ni Direk Mac sa TV5 ay malinaw sa kanya kung ano ang mga gagawin at mangayayari sa kanya sa loob ng apat na taon sa nasabing istasyon.

"Yun ang maganda sa TV5, when they talked to me, they have plans, malinaw ang latag.

"Although I am not at liberty to talk about [them], I’ll say, Nandito Ako is a special project that they gave and alam ko marami kaming gagawin."



He also assured us na kung anuman ang nagawa niya sa GMA ay ipagpapatuloy niya iyon sa Kapatid network.

"It’s OK. Management objective person ako, e. Malinaw sa akin kung ano ang dahilan ng pagpunta ko sa Tv5 at kung ano ang mga kailangan kong gawin.

"Walang problema. Kung ano ang ginagawa ko sa kabilang network para mabigyan sila ng mga programang makakatulong sa network objective, yun din ang gagawin ko dito.

"It’s all management by objective."



MARIAN VISIT. Balita na dumalaw daw si Marian Rivera, isa sa malapit na kaibigan ni Direk Mac from GMA sa taping ng Nandito ako.

Masayang ikinuwento naman sa amin ng direktor ang ginawang pagbisita sa kanya ng aktres.


"Si Marian ay matalik kong kaibigan at para kong anak, we worked together on so many projects.

"Nakatrabaho ko sa film, sa TV and even sa commercials. Ang relationship namin ay matagal na at ito ang naging basehan para magkaroon kami ng malalim na relasyon bilang magkaibigan.

"She’s very supportive of me, ano lang ’yan e, home lang ang nabago, di ang pagkakaibigan, walang kuneksyon ang network sa friendship, wala talaga.

"Nung pumirma ako ng kontrata dito, nagte-textan kami at lagi niyang sinasabi na, ’Direk, kikitain kita.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ko naman alam kung matutupad agad-agad. Busy ako at busy din siya, so ang gulat ko kahapon.

"Naglaan siya ng oras, dinala niya yung paborito kong pastry, niyakap niya ako, marami siyang binulong sa akin na ikinataba ng puso ko.

"... In this industry, if you have a friendship na may ganung klaseng maturity and level- headedness, na may love and respect, may compassion and affection, of course nakakatuwa yun."



Sa kabila ng lahat ng nangyari, is he still open to working with GMA?

"Of course I’m open to working with anybody in this field.

"We are all here to do good work whatever the situation. I’ve never closed my doors to anybody.

"I don’t think I will burn bridges, mali yun. This industry has a bigger objective, I always think of it on a big-picture level.

"Nothing personal, trabaho lang. I have relationships with other networks.

"I have very, very good friends there. Mahirap iwanan but then again you will realize magkaibigan pa rin kayo, nagbago lang ng address," aniya.

REASONS TO WATCH NANDITO AKO. Ano sa palagay niya ang kaabang-abang at dapat panoorin ng tao sa mini-seryeng Nandito Ako.

"Ang pinakabago na di kayang tapatan, ito ang pinaka-unang pagganap ni David Archuleta sa isang drama show.

"Yun ang bago, kasama yung dalawa, sila Jasmine Curtis Smith and Eula Caballero, and the entire cast.

"What I’m happy about... and why I accepted [the mini-serye] is because it’s about a journey of life.

"It’s a very, very simple story—ang quest for happiness, looking for something you think is not there.

"Yan ang role ni David. Mayaman, sikat, pero mayroon siyang nakaraan na kailangan niyang balikan.

"He has to go through that journey to complete himself.

"Yung character ni Eula Caballero, mayaman din siya, ngunit kailangan niyang hanapin ang sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganundin si Jasmine. Pero ang istorya nito ay di lang tungkol sa tatlong indibidwal.

"When you talk about life, you don’t talk about yourself alone.

"Because no matter how simple life is, it’s all very complicated. Yung ganitong dynamics ang nagustuhan ko.

"... Tapos may family values ng Pinoy. Saka romantic ako, basta pag-ibig, it’s always worth fighting for, even if it means doing something that will cause so much pain," ang sabi ni Direk Mac.



Kamusta naman working with David, Eula, Jasmine and the other cast members of Nandito Ako?

"Lovely. Talent management director ako at heart. It really thrills and excites me to be working with fresh talents.

"Mahuhulma mo yan, marami kang puwedeng gawin, mabibigyan mo ng direksyon," ang sabi ni Direk Mac.

"Nung sinabi niya [David] na wala siyang karanasan, totoo yun pero di niya sinabi na handa siya.

"Before coming here, nag-workshop siya sa L.A. Kailangan bigyan nyo siya ng credit na naghanda siya, na seryoso siya at marami ang nagsasabi na mabait siya.

"Pagkatapos namin i-tape yung last sequence niya kagabi, sabi ko sa kanyam ’Alam mo when [you] said God created man from his likeness, ang feeling ko, ang example ni God ikaw.’

"Iba siya, ang quest niya for excellence ay nakasentro sa pananampalataya niya kay Kristo, yun ang pagkakaiba.

"Kila Jasmine and Eula, wonderful. Malaking bagay pag nagsisimula kang artista at maliwanag sa iyo kung ano ang gusto mo at handa kang gawin ang lahat para makuha ang gusto mo.

"Sa mga ibang artista like sila Aiko [Melendez], Gelli [de Belen], G Tongi], and other cast members, lovely, walang problema, magagaling silang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN