Jasmine Curtis Smith on working with David Archuleta: "Lahat po kami na-enjoy yung vibes niya, yung pagkanta niya sa set, yung pagka-jolly niya."

Jasmine Curtis Smith (photo above) and Eula Caballero star with David Archuleta in the TV5 mini-serye, Nandito Ako. Jasmine reveals David’s family life.

"He loves his family. From the short time that we’ve been together, naramdaman ko how much he would give for his family, for his mom especially. And being a Mama’s girl, siyempre napa-wow ako. Wow, he loves his mom so much. At the same time, he still has room for h


Aminado ang TV5 princess na si Jasmine Curtis Smith na fan na siya ng international singer na si David Archuleta bago pa sila nagkatrabaho sa bagong primetime mini-series ng Kapatid Network, ang Nandito Ako, na mapapanood na simula Pebrero 20 sa direksyon ni Mac Alejandre.

"Yeah, I’m a fan of David. I didn’t get to follow American Idol when he was in it pero noong umuwi po ako dito sa Pilipinas, my Ate [Anne Curtis] has his album already.

"Lagi po kasi akong sumasama kay Ate, so nakita ko yung album niya sa iPad ni Ate.

"When I listened to it, sabi ko, ang galing niya," bulalas ni Jasmine.

Nakausap ng PEP.ph si Jasmine sa presscon ng Nandito Ako na ginanap kagabi, Pebrero 4, sa Meralco Fitness Center and Multi-Purpose Hall sa Pasig City.

Nakapanood na ba siya ng concert ni David?

"Hindi pa. Pero last night [Pebrero 3] when we taped the concert scene, kinilabutan kaming lahat.

"Ang galing niyang kumanta, talagang may puso. At makikita mo how he connects sa audience.

"No wonder mahal na mahal siya ng mga fans niya."

Ano ang paborito niya sa mga kanta ni David?

"’Touch My Hand’ and ’A Little Not Over You.’"

WORKING WITH DAVID. Ginagampanan ni Jasmine sa Nandito Ako ang role ni Anya, isa sa mga love interest ni David who plays the role of Josh.

Ka-love triangle nila si Eula Caballero as Holly.

Ano ang pakiramdam na mapili bilang isa sa leading ladies ni David?

"Siyempre thankful po ako. Overwhelmed pa rin po ako hanggang ngayon kasi every day parang hindi pa rin ako makapaniwala.

"Sinasabi ko, ’Totoo ba ito? Is this a dream?’ Kasi never ko talagang na-imagine na mangyayari ito sa akin especially because kaka-start pa lang ng career."

Paano niya ide-describe ang pakikipagtrabaho kay David?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Working with David is such a pleasure. I’m sure everyone agrees na he’s easy to work with.

"He’s willing to listen and to grow and to adjust to whatever needs to be done. Napaka-willing niya talaga to do anything e.

"Hindi talaga siya titigil sa isang eksena hangga’t hindi niya naibigay nang buong puso.

"Lahat po kami proud sa kanya kasi talaga pong nakita namin yung progress niya in these three weeks na nakasama namin siya."

Ano naman ang hindi niya makakalimutan kay David?

"Everything. Kasi lahat po kami na-enjoy yung vibes niya, yung pagkanta niya sa set, yung pagka-jolly niya.

"So, masaya po talaga siyang kasama. So, as a friend and co-actor, we will really not forget him."

Paano nila inalagaan sa set si David?

"Everyone in the set makes sure na lagi siyang nakakain.

"That he gives his best sa mga eksena niya. Yung mga acting coach namin nakatutok din sa kanya.

"And lahat kami nakita yung progress. Everyone is so proud of him.

"Kagabi [Pebrero 3] nga po nung natapos po siya sa last taping day, lahat kami hindi makatulog.

"Lahat kami nagti-tweet pa rin. We are all so overwhelmed, we still can’t believe that he actually did this show with us."

May iniwan bang promise si David sa kanya during their last taping day? Magkakaroon pa rin ba sila ng communication?

"Well, if ever there’s some communication, I’ll keep it healthy. Or whatever friendship we built throughout the three weeks.

"Kasi of course, mas inintindi namin ang work when we’re on the set. We have chika moments during break or pag hindi kami tine-take, pero it was more of work talaga.

"So, sana we can strengthen our friendship more."

ATTENDING ANNE’S CONCERT. Isa pa ngang patunay ng kabaitan ni David ay ang pagdalo nito sa nakaraang Annebisyosa concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum sa imbitasyon na rin ni Jasmine na isa sa mga guest sa concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya nakumbinsi si David na pumunta? Inasahan niya ba na dadating ito?

"No, not at all. Actually, noong first night niya po, I actually told him about my Ate... kung ano ang ginagawa niya.

"That she likes singing, yun nga po na magkaka-concert siya, pero it’s not really an official singing concert.

"And then we already invited David to go out. And we had dinner with him like all of us, sinabi sa akin ni Sir Perci [Intalan, TV5 executive] na yun nga, he inivited David to the concert.

"But yun nga, I didn’t expect him to come kasi nga because of his hectic schedule.

"Pero I’m so happy when he came to the concert. Of course, it’s a big thing for me and my Ate. Sana nag-enjoy siya."

Ano ang naging reaksyon ni Jasmine na panonoorin siya ni David?

"Sabi ko, ’David, don’t laugh. I’ll be singing at the concert.’

"Sinabi ko rin na hindi talaga singer ang Ate ko.

"Sabi niya, ’No, it’s fine.’ Sabi ko pa ipapakita ko na yung singing skills ko sa set para hindi na siya mabigla.

"So, yun ipinakita ko nga sa set, nakikikanta ako pag kumakanta siya, pag nagkakantahan lahat."

Bakit sa backstage lang daw pumuwesto si David during the concert?

"Actually, he wasn’t backstage. He’s at the side naman. But that’s because he didn’t want to make a scene.

"Of course, he still wanted to enjoy his privacy as a person. He’s a private person.

"I mean, he did this for the job. But then he wanted to have fun on a personal level.

"Siyempre, gusto niya hindi siya makakasagabal sa ibang tao and hindi siya makaka-distract.

"Especially, sabi niya nga, he knows this scene and it’s time for my Ate to shine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ayaw naman niya na yung atensyon ng mga tao mapunta sa kanya. He’s very respectful."

IS DAVID COURTING HER? Dahil nga naging close na sila ni David, nagpaparamdam na ba ito ng pagkagusto sa kanya o kay Eula?

"No, he’s just very friendly and caring to everyone on the set. He doesn’t favor anyone.

"He treats everyone equally. He’s really a pleasure to be around with. His vibes are really enjoyable for everyone."

Paano kung ligawan siya ni David?

"Naku, I don’t know. Well, one of my lines dito sa show, ’Believe and everything will be possible.’"

So, do you believe it will be possible?

"Well, if it happens, I’m not gonna say that it will, and I’m not expecting that it will.

"But if it happens, it happens. But of course, I respect what he’s doing.

"He has a mission and I respect that. I also admire his passion for music."

Kung liligawan ba siya, may pag-asa ba si David sa kanya?

"Choosy pa ba ako? Si David na yan no?

"But you know, right now what’s important is our friendship."

What makes David an ideal boyfriend?

"Siguro, if ever ha, he’s the greatest person I know from the international scene, basically because he’s grounded.

"He loves his family. From the short time that we’ve been together, naramdaman ko how much he would give for his family, for his mom especially.

"And being a Mama’s girl, siyempre napa-wow ako.

"Wow, he loves his mom so much. At the same time, he still has room for himself and that’s important."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN