Filipino boxing champ Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr. captures fifth title in fourth weight division

Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr. wins the World Boxing Organization (WBO) Super Bantamweight Championship title against Puerto Rican boxer Wilfredo Vasquez, Jr. at the Alamodome in San Antonio, Texas, today February 5 (February 4 in the U.S.).


Nakuha ni Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr. ang kanyang unang panalo sa 122-pound division ng World Boxing Organization (WBO) kaninang tanghali (gabi sa U.S.A.) sa Alamodome, San Antonio, Texas.

Si Donaire na ngayon ang WBO Super Bantamweight World Champion nang talunin niya para sa bakanteng WBO title ang Puerto Rican na si Wilfredo Vasquez Jr.

Ang WBO Super Bantamweight title ay binakante ng Mehikanong si Jorge "Traviesco" Arce, para bumaba ng timbang at makipaglaban sa WBO Bantamweight Championship title (118 pounds).

Sa simula pa lang ng kanilang 12-round title fight ay ipinakita na agad ni Nonito ang kanyang bilis at pagiging asintado.

Naging masyadong maingat ang kalaban ni Nonito na laging nasa depensa ngunit nakakalusot din naman ng mga matitinding paisa-isang suntok.

May mga rounds na ibinababa ni Donaire ang kanyang mga kamay para lang imbitahin si Vasquez na sumuntok at maging agresibo naman.

Kahit na may rounds na kumukunekta ng malalakas na suntok ang Puerto Rican boxer na anak ng legendary boxing champion na si Wilfredo Vasquez, mas marami namang mga pagkakataon na natataranta ito sa bilis at lakas ng mga suntok ni Donaire.

Naging agresibo lang si Vasquez bandang Round 6 at 7, ngunit bumalik sa pagiging defensive nito nung ika-walong round.

Bumagsak naman sa unang pagkakataon si Vasquez sa Round 9, nang gulatin ito ng kaliwang upper cut at patumbahin ng kaliwa ring hook punch ni Donaire.

Mabilis na tumayo si Vasquez at binilangan ng standing 8-count ng referee.

Sa Round 10 ay ipinakita naman ni Donaire ang kanyang "trademark move" na "Flash Step" na sariling bersyon niya ng pinasikat na "Dempsey Roll" ng legendary 1920’s boxer na si Jack Dempsey.

Sa Dempsey Roll ay yumuyuko para makailag sa suntok ang boxer pagkatapos ay kukunekta ng kaliwa o kanang hook punch sa ulo o sa katawan, habang ang Flash Step naman ay ang palipat-lipat na fight stance o tayo ng boxer habang nagpapakawala ng kaliwa o kanang uppercut punch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating ng Round 12 ay nagba-backpedal o panay na lang ang atras at iwas ni Donaire habang paminsan-minsang sumusuntok. Alam na kasi ng boxer na tubong-Bohol na lamang siya sa puntos kay Vasquez.

Bago matapos ang round ay sumandal pa uli sa lubid ng ring si Donaire para makipagpalitan muli ng suntok kay Vasquez na nalamangan naman ni Nonito sa paramihan ng kumukunektang suntok.

Nang matapos ang round at hubarin ang boxing glove ni Donaire, ipinakita nito sa audience ang pagdurugo ng kanyang kaliwang kamay na gamit na gamit sa lahat ng rounds sa laban niyang ito.

Si Nonito ay kaliweteng na-train na makipaglaban gamit ang orthodox stance o right stance, ngunit nakakalaban din sa southpaw stance o left stance. Isa siya sa mga kakaunting boxer na may istilong "switch hitter" o papalit-palit ng stance.

SURPRISING DECISION. Sa pagdinig naman ng desisyon ng mga judge para sa announcement ng nanalo sa labang ito, kitang-kita sa mukha ni Donaire ang pagkagulat nang ang isang judge ay nagbigay ng puntos na 115-112, pabor kay Vasquez.

Dalawa namang judges ang nagbigay ng puntos na 117-110, pabor kay Donaire na may lima nang belt na hawak mula sa apat na magkakaibang weight divisions sa boxing.

Dating undefeated WBC at WBO Bantamweight Champion si Donaire at naging WBA Super Flyweight at IBF Flyweight Champion din siya.

Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat si Donaire sa kanyang fans na nanood ng kanyang laban.

"I wanna thank the fans for all the support. I was really looking for a knockout bc he disrespected my country, my people, my guys, n my wife. I did the best I could with what my hand could dish out. But again I wanna thank you guys again for all the support. This isnt just my victory, but all of yours too. 4 x divisional champion from the #PHILIPPINESRULES."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN