Part 2 Janelle Manahan talks about her relationship with Ramgen Revilla’s family in showbiz talk show

Janelle Manahan recalled that when she and her boyfriend Ramgen Revilla would have disgreements, she would turn to the latter’s mother, Genelyn Magsaysay for help.

"Yung mommy niya talaga super-bait sa akin. Trinato niya talaga ako na parang anak niya. Pag may problems kami ni Ramgen, sa kanya ako tumatakbo. Kapag nagkakasigawan na kami, kumakatok siya sa room. And then nandun lang siya, kinakausap niya kami kung ano yung problem. Pag kailangan ko ng ka


Sa paglalahad ni Janelle Manahan ng love story nila ng yumaong aktor na si Ramgen Revilla sa pilot episode ng Showbiz Inside Report, inamin niyang buong puso niyang tinanggap ang pagkatao ng kasintahan.

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Carmina Villarroel kay Janelle, isinalaysay ng huli ang naging relasyon niya sa ina at mga kapatid ni Ramgen.

"Winelcome nila ako na parang part of the family. Kasi only child ako, so parang yung set up nila di ba marami silang magkakapatid?

"So, parang ang saya lang nung feeling. Kaya siguro isa ito sa mga factors."

Sa mga kapatid ni Ramgen kanino siya pinaka-close?

"Kaming dalawa, both dun sa pinakabunso, kay Ramlyn."

RAMONA & RJ. Close din ba siya kina Ramona at Ramon Joseph Revilla?

"Before. Noong high school pa si RJ. And then with Ramona naman, before pa siya magpakasal.

"Kasi yung school namin, La Salle siya [College of Saint] Benilde ako, so magkatapat lang.

"So, usually, papasok kami and uuwi together. Close friends kami like sine-share ko rin sa kanya lahat."

Sina Ramona at RJ ay kabilang sa mga akusado ngayon sa pagkamatay ni Ramgen at pagkabaril ni Janelle.

Si Ramona ay nakalipad na patungo sa ibang bansa. Noong una ay sa Hong Kong tapos ay tumuloy ito sa Turkey kung saan nakatira ang kanyang asawa. Pero ngayon ay hindi na alam ang kinaroroonan nito.

Si RJ naman ay nakakulong ngayon sa Parañaque City jail.

Kailan nagsimula ang pagkakaroon nila ng gap?

"With RJ, nangyari siya like 2011 lang or late 2010. With Ramona, before siya pumunta ng Turkey.

"Bigla na lang kaming hindi nag-usap kasi nagkatampuhan sila ni Ramgen. Kasi siyempre ako ang girlfriend."

Nagkatampuhan din ba sina Ramgen at RJ kaya nagka-gap din sila?

"Siguro."

VIOLENT BROTHER? Bukod sa inilahad ni Janelle na pananakit sa kanya ni Ramgen noon, nasaksihan din daw ni Janelle ang pisikalan sa pagitan ng nobyo at mga kapatid nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ba ang naging relationship ng magkakapatid?

"Merong bonding. Pero meron ding awayan."

Paano sila mag-away lalo na si Ramgen ang eldest sa magkakapatid?

"Kasi para siyang disciplinarian, parang daddy na nagpapangaral.

"Minsan mag-a-argue lang sila, magsisigawan. Pero siyempre minsan kapag nagkakapikunan, nagkakainitan, nagiging pisikal din."

Na-witness niya ang pisikilan na ito. Ano ang ginawa niya noong time na yun?

"I talked to him after. Kasi yun din ang sinabi niya na huwag ko siyang papakialaman kapag mainit ang ulo niya.

"Kasi baka mamaya sa akin niya mabaling or baka may mas malala pa siyang magawa."

HER RELATIONSHIP WITH GENELYN. Ayon pa kay Janelle, kapag sila naman ni Ramgen ang nagkakaproblema, ang ina naman nitong si Genelyn Magsaysay ang kanyang natatakbuhan.

Naging maganda naman daw ang relasyon nila ni Genelyn noon.

"Yung mommy niya talaga super-bait sa akin. Trinato niya talaga ako na parang anak niya.

"Pag may problems kami ni Ramgen, sa kanya ako tumatakbo. Kapag nagkakasigawan na kami, kumakatok siya sa room.

"And then nandun lang siya, kinakausap niya kami kung ano yung problem. Pag kailangan ko ng kasama or pag kailangan kong mag-unwind lalabas kami together.

"Iha-hug ka niya. Malambing siya."

Parang may pagkakapareho raw kasi ang nangyari sa buhay nila lalo na at pareho silang maagang na-in love. Bata pa rin kasi si Genelyn noong makipagrelasyon ito kay Ramon Revilla Sr.

"Marami kaming napag-usapan like yung relationship niya and yung relationship ko.

"Siyempre kinu-compare niya. Alam nila sa bahay nila na medyo martir ako.

"Kasi parang nag-joke pa nga yung mom niya before na patatayuan nga niya ako ng statue kasi martir nga raw ako."

Hindi niya ba na-feel na parang may jealousy sa magkakapatid?

"Hindi. Kasi pag lumalabas kami kasama rin namin yung mom niya.

"Alam ko kasi talagang ’Mama’s boy’ siya [Ramgen]."

May time na ba na nasaktan ni Ramgen si Genelyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yung times na gusto niyang makasama si Ramgen like pag may family gathering, ganyan.

"Mas pipiliin ni Ramgen mag-stay with me."

Ano ba ang personality ng ina ni Ramgen?

"Ayokong sabihin kasi baka may masabi na naman siya. She’s trying to be a mother."

Ayaw nang magsalita pa ni Janelle tungkol kay Genelyn makaraang magkaroon ng problema sa pagitan nila pagkatapos ng pagkamatay ni Ramgen.

Hindi na nga naging maayos ang relasyon nila pagkatapos nito.

Sa mga naunang interviews kasi ni Janelle ay inihayag niya ang posibilidad na may kinalaman ang pamilya ni Ramgen sa nangyaring krimen.

Isiniwalat rin niya ang pagkakaroon diumano ng sakit na schizophrenia o mental disorder si Genelyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN