Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it’s a cause for optimism."

Kris Aquino on falling in love again: "I am grateful for the chance to be single, and to have the chance to love again. But if you’re going to ask if I want to love again, not really."


"Yes, we’re annulled."

Ito ang maikli pero diretsong tugon ni Kris Aquino sa tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Boy Abunda kung annulled na nga ba ang kasal niya sa basketbolistang si James Yap.

Ipinalabas ang taped interview ni Boy kay Kris sa The Buzz kahapon, Linggo, February 5.

Ikinasal sina Kris at James sa isang pribadong seremonya noong July 10, 2005.

Noong August 9, 2010 naman naghain ng petition for declaration of nullity of marriage si Kris ng kasal nila ni James.

At pagkatapos ng mahigit sa isang taon ay ibinaba na ng korte ang desisyon sa pagpapawalang-bisa ng kasal ng dalawa.

Sa bagong segment ng The Buzz na "The Big Truth," diretsahang tinanong ni Boy si Kris kung ano ang totoo sa pagkaka-annul ng kasal niya kay James.

"As we speak right now, it is with finality already that yes, we are annulled," pagkumpirma ng TV host-actress.

Kuwento pa ni Kris, "Five o’clock talaga. Noong dumating ang five o’clock, ang una kong tinawagan, lawyers ko, nagpasalamat ako.

"Sila ang nag-advice sa akin ng paraan para everybody can come out of this with a chance for happiness.

"The second call I [made] was to James.

"Sinabi ko, ’Congratulations to both of us. We now have the chance to really be happy.’"

Ano naman ang sinabi ni James?

"Sabi niya, ’O, e, di liligaya ka na. Good luck sa lovelife mo.’

"Sabi ko, ’Mas good luck sa ’yo.’

"’Pag apihin niya si Bimby, lagot siya sa akin!’"

REASON FOR NULLITY OF MARRIAGE. Tinumbok na rin ni Boy ang totoong isyu o mga espekulasyon na kumakalat kaugnay ng pagpapawalang-bisa sa kasal nina Kris at James.

Marami kasi ang nagtataka kung bakit maagang napawalang-bisa ang kasal nila.

Ano ba ang talagang naging basehan ng pagkaka-annul ng kanilang kasal?

Ayon kay Kris, "Article 35 [of the Family Code], Boy, which states na there was a lack of authority for the solemnizing officer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko na to go into details about that. But siguro kasi, when we went into this, we always have the intention of getting married in the Catholic Church.

"Siguro kasi, ang technicality rito, our marriage license stated that we were Roman Catholic.

"But we were married by somebody who belonged to a different church and is a minister there.

"And doon nanggaling Boy yung decision ng korte.

"So, kung tutuusin talaga, because wala yung authority from the start, then we were never really married."

SEPARATION OF PROPERTY. Tinanong din ni Boy si Kris tungkol sa isyu na bago pa man dumating ang desisyon ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal, nagkaroon na sila ni James ng separation of property.

Ano nga ba ang totoo rito?

"Yes, we did. That’s the truth," sabi ni Kris.

"You’re advised to do that by your lawyer and you’re advised to do that by the judge.

"It happened almost a year ago.

"Actually, pinirmahan yun around the time of my birthday and James’s birthday last year."

Si Kris ay February 14 ang birthday, samantalang si James ay February 15 naman.

Iba’t ibang espekulasyon pa rin ang naglabasan pagdating sa paghahatian ng kanilang mga ari-arian. Pero ano nga ba ang mga napunta kay James?

"Hindi, I just want to say na kung nilaban namin to the end ang kaso, actually, there [were] no conjugal properties because there was no marriage from the beginning.

"Pero siguro, Boy, ang puwede kong ipagmalaki sa lahat, hindi ako greedy na tao.

"And I would like to give credit to James also kahit na marami ang nanunulsol sa kanya, he didn’t listen.

"I think it was fair.

"Kung anuman ang napaghatian namin, nangyari yun because we both earned during our marriage.

"And he got what I think was fair... and given to him I also got what’s fair [and] given to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para wala nang gulo. Wala na kaming puwedeng habulin pa sa isa’t isa."

Hindi na rin daw humingi si Kris ng fraternal support mula kay James.

"And I’d also like to say, I’ve waived [my] right to ask for fraternal support kasi sinabi ko na kumikita ako, and it would be voluntary on James’s part if he would want to share.

"Pero hindi ko siya inoobliga."

BIMBY’S CUSTODY. Sa pagitan nina Kris at James ay ang kanilang anak na si Baby James.

Pagdating sa custody ng kanilang anak, ano ang katotohanan dito?

Sabi ni Kris, "He’s below seven years old and any child below seven years old, sa custody yun ng mother.

"But it doesn’t mean na hindi siya puwedeng dalawin ni James because I’m very lenient.

"Kung kailan kaya ng schedule ni James, he comes to the house. Bimby goes to see him.

"They go to Time Zone, they go to kung saan-saan.

"So, wala sa akin yun."

Pagdating sa apelyido ni Baby James, ano ang gagamitin nito?

"James signed the birth certificate so Bimby is a Yap.

"But there are legal steps that I must take to protect both Josh and Bimby.

"Ang next step kasi rito, I need to adopt my children."

Si Josh, ang panganay ni Kris, ay anak ng TV host-actress sa aktor na si Phillip Salvador.

Patuloy ni Kris, "That is very complicated at mawi-weird-an ang mga tao.

"Pero under Philippine Law kasi, if a child is born na hindi kasal ang nanay, illegitimate siya.

"Because of the grounds for an annulment, Bimby is illegitimate.

"So, kailangan for me to legitimize my own children, kahit na biologically niluwal ko sila.

"Parang lesson in law talaga itong nangyari sa akin.

"I need to adopt them para no question of inheritance later on."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating sa apelyido ni Baby James, may request daw si Kris.

Sabi niya, "I am requesting that legally, Baby James will be using Aquino Yap.

"Pinakiusap ko kay James yun at sinabi niya, wala namang problema."

Tanong ni Boy, sa kanilang pag-uusap ng mga oras na yun, ano naman ang official at legal na pangalan ni Kris?

"Kristina Bernadette Cojuangco Aquino," nakangiting sabi ni Kris.

RELATIONSHIP WITH JAMES. Masasabi ba ni Kris na magkaibigan sila ni James ngayon?

"Yes. Kasi we can joke already. We can laugh," sagot niya.

"Of course, we still fight. Kasi sinasabihan niya ako na masyadong spoiled daw [si Bimby].

"I said, ’Of course not, he’s not spoiled. He’s exactly like you kaya spoiled siya.’

"So, ’O, e, di ang suwerte na kagaya ko?’

"Gano’n!"

Dagdag pa ni Kris, "Nagkakasagutan kami ng ganoon.

"Pero ngayon, magkaibigan na talaga kami kasi parang mas madali nang magkuwentuhan."

FALLING IN LOVE AGAIN. Nasaan si Kris ngayon?

"Natanggal talaga—and I can say with all honesty—yung desire to be in a relationship."

Natatawa pang sabi ni Kris, "Na-weird-an kayong lahat sa akin: ’Ano na ang nangyari sa kanya?’

"Totoo. Ito yung from somebody na for the past 20 years, sinubaybayan n’yo ang makulay na buhay at pag-ibig.

"Alam n’yo, Boy, kung tatanungin mo ako at this particular moment talaga, I am grateful for the chance to be single, and to have the chance to love again.

"But if you’re going to ask if I want to love again, not really."

Sabi naman ni Boy, natatakot siya dahil ayaw daw niyang magsalita ng patapos si Kris.

Natatawang sabi ni Kris, "Kaya ko. Kaya ko naman talagang magsalita ng patapos na baka hindi ko tadhanang ikasal.

"Baka hindi talaga para sa akin to be in a relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, okay ako on my own ngayon.

"Kanina nga, noong mine-makeup-an ako to come here, aliw na aliw ako.

"Pinapakinggan ko si Basil Valdez singing with The Company ng ’Pagdating ng Panahon’: Hindi pa siguro bukas. Hindi pa rin ngayon. Malay mo, balang-araw, darating din yun...

"So, hindi talaga.

"Kung hindi ngayon, kung hindi bukas, maybe 10 years from now.

"The truth talaga, what I’ve learned about myself is that I’m an excellent mother.

"I think that even James would give me credit for that.

"Pero as far as being a wife or even being a girlfriend is concerned, ang hirap. Kasi talagang ano, ang dami ko pang gustong gawin.

"Bago ako pumunta dito, nagtanong ako kay Bimby, ’Can Mama have a boyfriend?’

"’No.’

"Sabi ko, ’Why?’

"’Because Mama I’m just gonna cry and cry and cry and I’m gonna die and I’ll be dead. And you know Mama if you have a boyfriend, I’m gonna punch him on the nose and I’m gonna kick his butt.’

"So, habang hindi keri ni Bimby, hindi rin ako handa."

Dagdag pa niya na nakangiti, "So, kung a year from now, in love na ako, at i-a-announce ko sa ’yo na ikakasal na ako, then I’ll eat my words.

"But for now, sinasabi ko po talaga na nakikita ko and I don’t...I’m no longer afraid of growing old alone."

BIRTHDAY GIRL. Sa February 14 ang 41st birthday ni Kris. Saan ba niya pinaplanong ipagdiwang ang kanyang kaarawan?

"Sa Tokyo Disneyland. Kasama ang mga bata and some of my closest friends.

"Kasi Boy, hindi ko maibabalik ang childhood ni Bimby.

"Bago ako magsimula ng aking serye at magalit na siya sa akin dahil nga, ’Mama you keep working and working. I’m nothing. You’re never here.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ano, gagawin ko na talaga na para sa kanila ni Josh ito."

Ang seryeng tinutukoy ni Kris ay ang Kailangan Ko’y Ikaw, kunsaan makakasama niya sina Robin Padilla at Anne Curtis.

Her wish for her birthday?

"I always pray for my sisters and my brother.

"Gusto ko talaga that they all stay healthy and that palagi kaming nakaapak sa lupa.

"I don’t want any of us to be jaded. And I don’t want any of us to lose optimism.

"Ang bait-bait ni God talaga sa akin talaga na ibinigay niya yung opportunity to have the job that I love.

"So, I’m excited to be an actress na at sinabi ko ’yan ng ilang beses.

"And true na ito, ayan na talaga.

"May teleserye, may movie with Chito Roño coming this end of March, April...I’m so excited about that."

REACTION OF THE AQUINOS. Ano ang naging reaksiyon ng mga kapatid niya sa resulta ng annulment case nila ni James?

Ayon kay Kris, "Nag-text ako sa kanilang lahat. ’Tapos sinabi ko, I promise to be good.

"And then, sinabi ni Ate [Ballsy] sa akin, ’I’m keeping that [text message]. So, pag meron ka nang gustong ipakilala sa amin, I’m gonna show you the text.’

"’Tapos, sinabi ko lang sa mga kapatid ko na, ’Thank you because you tried your best to understand me.’

"I think yun lang, e. Kasi, madaling magmahal pero mahirap makaintindi. Pero sinusubukan nilang talaga na intindihin ako.

"At yung mga kapatid ko, ang puwede kong sabihin is that when you reach a certain level of fame, or when you have the certain level of power that Noy has, it’s hard to keep things real.

"Pero they really keep it real for me. So, ang suwerte ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PNOY AND GRACE. Ano naman ang reaksiyon ni Kris sa napapabalitang panliligaw diumano ng kapatid niyang si President Noynoy Aquino sa radio DJ at TV host na si Grace Lee?

"I’m looking forward to meeting her," nakangiting sagot niya.

"Kasi, kung sinuman ang magpapangiti sa kapatid ko, then we all... not just our family ha, but the entire Philippines, should be grateful to that girl because an inspired President would be an inspired leader."

Ayon pa kay Kris, "Nakilala na siya [Grace] ni Ate.

"Sinabi ni Ate, masarap daw kakuwentuhan, maganda ang kutis at mabait.

"At kung si Ate ganoon ang opinyon, you know naman she’s a good judge of character, I’m also excited to meet her."

KRIS’S LAST WORDS. Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Kris para sa kaibigan niyang si Boy.

Aniya, "The big truth, as far as I’m concerned is, you know who your friend is kapag nandiyan with you through the ups and down.

"Well, you’re the additional brother that God gave to me and yun ang the big truth.

"Na kung naging lalaki ka lang talaga in every sense of the word, sana tayo na lang dalawa ang nagkatuluyan.

"At least magkasundo talaga tayo."

Saad pa ni Kris, "Puwede ko rin sabihin that annulment is not a cause for joy.

"The truth is, it was a marriage that failed but it’s a cause for optimism.

"Gusto ko lang klaruhin yun sa lahat ng tao that James is only going to be 30 years old.

"Sa akin, end of the road na ’to. Pero sa ’yo, it’s really just the beginning.

"Kung tutuusin, Boy, seven years of my life, naging malaking bahagi kami ng isa’t isa. Pero for the rest of Bimby’s life, bahagi kami.

"Ngayon, magaan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And if there’s one thing I discovered about myself, and ngayon siguro I’m most excited about talaga is that l love being a mom. I love being an actress. I love my career. And I love where I am right now.

"And God is good. If nobody loves me, it’s really okay kasi may magla-love pa rin sa akin.

"Kasi, inisip ko ’to, kagabi, inisip ko ’to... Ang life expectancy ng tao is 72 years old.

"Siguro naman in the next 31 years naman siguro, meron naman sigurong darating.

"I think he’s coming."

At biro pa niya na natatawa, "I think, he’ll buy me my own network!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN