Maxene Magalona defends herself against Twitter critics: "Actually, aaminin ko, hindi po ako singer, I never said I was a singer."

"Kung yung iba hindi nag-enjoy, yung iba natuwa, yung iba natawa, yung iba natuwa, basta lahat napasaya ko. Pero yung mga hindi naman natuwa, sorry, I’ll do better next time. Pero ayun, talagang mula ulo hanggang paa, nilait nila ako at sabi nila huwag ko na daw uulitin. Pero no! Uulitin ko at kakanta ulit ako sa Party Pilipinas! Iyan yun, fighting spirit!" says Maxene Magolana about the criticisms she got for her performanc


Naging trending topic sa Twitter si Maxene Magalona noong January 29.

Ito ay dahil sa pagpiyok niya habang kumakanta sa isang production number nila ng kapatid niyang si Frank Magalona sa Party Pilipinas. Kinanta ng magkapatid ang "Pare Ko" ng Eraserheads.

Pinag-usapan sa Twitter ang naging performance ni Maxene at karamihan sa mga ito ay negatibo ang mga naging komento.

MAXENE’S SINGING ABILITY. Nag-guest nang live si Maxene sa Startalk TX noong Sabado, February 4, upang "ipagtanggol" ang kanyang sarili sa pambabatikos na natanggap niya sa social networking site.

Birong tanong ng Startalk TX host na si Joey de Leon kay Maxene kung may plano ba siyang gumawa ng recording album.

Tumatawang sagot ni Maxene: "Actually, natatawa ako sa buong issue na ito, talagang ginawang big issue siya!

"Pero ayun, wala akong planong gumawa ng recording album!

"Pero ayun, siyempre, di ba, yung tatay ko, talagang isa sa mga music legends of the Philippines?"

Ang ama ni Maxene ay ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Sa palagay ni Maxene, kung napanood ng yumaong ama niya ang song number nila ni Frank, ano kaya ang magiging reaksiyon nito sa nangyari?

Sagot ni Maxene, "Well, alam kong pagtatawanan niya ako. But at the same time, sasabihin lang niya is...

"You know, ang nakuha ko talaga sa daddy ko is no matter what happens, the show must go on!

"Hindi puwedeng... Kasi nung kumanta ako, alam kong nagkamali ako, e. E, tinuluy-tuloy ko na lang. Alam ko na.

"Ganun talaga dapat yun, go, go, go! The show must go on."

TRENDING TOPIC. In-expect ba niyang magiging worldwide trending sa Twitter ang "pagpiyok" niya?

"Hindi! ’Tapos ang dami pang tao na nagsasabing gusto ko lang daw sumikat, sinadya ko daw yun.

"Sabi ko, ’Grabe naman!’

"Actually, kumakanta na ako before, live, hindi ako nagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkamali lang ako, pinansin naman ng mga tao.

"Kaya ayun, natutuwa naman ako na pinansin nila ako.

"At tama ang spelling ng pangalan ko dun sa trending topics.

"Kasi usually ’I’ [Maxine], ’E’ [Maxene] ang nandun."

Nag-practice ba sila ni Frank ng kanilang song number?

"Aaminin ko po, I was complacent, hindi ako nakapag-rehearse nang maayos.

"Pero si Frank, talagang proud na proud ako sa kanya kasi siya, magaling talaga siyang kumanta.

"Ako naman talaga yung hindi marunong kumanta sa amin, e.

"Si Elmo marunong, si Frank, si Clara, si Arkin, si Saab.

"Ako po talaga, actress po ako," at muling tumawa si Maxene.

WILL SHE SING AGAIN? Biniro ni Joey si Maxene kung totoong banned na siya sa Party Pilipinas dahil sa nangyari.

Sabi naman ng young actress, "Ay naku, well, kung banned ako sa Party Pilipinas, I wouldn’t blame them!"

Kakanta ba siya ulit sa Party Pilipinas?

"Of course! Why not?" mabilis na sagot ni Maxene.

"Actually, aaminin ko, hindi po ako singer, I never said I was a singer.

"Pero for the love of singing, kumakanta talaga ako, para you know, para buhayin talaga ang music sa Pilipinas.

"Kaya ayan, kung papakantahin ako ulit sa Party Pilipinas, why not?

"Pero magaling talaga akong mag-rap, iyan, aaminin ko."

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Maxene sa mga bumatikos sa kanya.

Aniya, "Oo naman, marami talaga nilait ako mula ulo hanggang paa.

"Nine hours po ako nag-trend. Salamat!

"Siyempre, there were also good comments but mostly maraming bad. But at the same time, you know..."

Ano ang halimbawa ng good comments sa kanya?

"Sabi nila tuwang-tuwa sila, ang cute-cute ko daw.

"Totoo, nagmukha lang akong tanga!" sabay tawa muli ni Maxene.

"Hindi, pero tuwang-tuwa sila na I really had fun, I enjoyed.

"Aaminin ko, nag-enjoy ako.

"Kung yung iba hindi nag-enjoy, yung iba natuwa, yung iba natawa, yung iba natuwa, basta lahat napasaya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung mga hindi naman natuwa, sorry, I’ll do better next time.

"Pero ayun, talagang mula ulo hanggang paa, nilait nila ako at sabi nila huwag ko na daw uulitin.

"Pero no! Uulitin ko at kakanta ulit ako sa Party Pilipinas! Iyan yun, fighting spirit!"

Dagdag pang kuwento ni Maxene, "Kumanta na ako before nang live ng ’Kaleidoscope World.’

"And kapag sa mga mall shows, pumipiyok ako pag ’Kaleidoscope World.’

"For some reason, sa Party Pilipinas, siguro tinulungan ako ni Papa, hindi ako nagkamali nung ’Kaleidoscope World’ yung kinanta ko.

"Siyempre, hindi nila napansin yun. Pero nung nagkamali ako, pinansin nila.

"So, at least now, puwede kong i-redeem yung sarili ko at ipakita sa inyo na kaya ko. Yes!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN