After 15 years, KC Concepcion renews bonds with half-sister Cloie Syquia Skarne

KC Concepcion on meeting Cloie for the first time after 15 years: "Finally noong nagkita kami, nandoon daw sila sa hotel. Pagdating ko sa Makati Shang, nagtinginan kami. Parang nag-freeze yung time. Nag-freeze talaga yung time. Nagtinginan kami, then parang movie talaga na slowmotion, nagtakbuhan kami. Then yakap, iyak. Tinitingnan ko lang siya. Ang saya lang namin, tawa kami nang tawa. Yung maramdaman mo talaga na parang kulang na lang we grew up with the sa


Hindi lahat ng half-siblings ay maayos at maganda agad ang relasyon sa unang nilang paghaharap o kaya’y muling pagkikita pagkatapos ng pagkahaba-habang panahon at matagal-tagal na walang komunikasyon.

Kaya maituturing na inspirasyon si KC Concepcion lalo na sa pagkakataong nagkita at nagka-ugnayang muli ang mga kapatid niya sa ama na sina Garrie Concepcion at si Cloie Syquia Skarne.

Si Gabby Concepcion ang ama ng tatlong magkakapatid sa iba’t ibang nakarelasyon ng aktor.

Si KC ay anak ni Gabby kay Megastar Sharon Cuneta; si Garrie ay anak ng aktor kay businesswoman Grace Ibuna; at si Cloie ay anak niya sa dating artistang Jenny Syquia.

Sa bagong segment ng The Buzz na "Celebrity True Stories," ikinuwento ni KC kung paano niya nakilala at kung paano sila nagkatagpo ng kanyang half-sister na si Cloie.

Sinimulan ni KC ang segment sa pagpapakilala sa kanyang sarili at sa kanyang kapatid na si Cloie.

Pagkatapos nito ay ipinakita ang isang video clip na kuha noong January 1996 mula sa dating variety show ng Megastar na The Sharon Cuneta Show, kunsaan nag-guest si Jenny kasama ang anak niya kay Gabby na si Cloie.

Mag-iisang taon pa lang noon si Cloie, samantalang si KC naman ay 10 years old.

Kitang-kita sa video nang kargahin ni KC ang kanyang baby sister.

Pero labinlimang taon ang lumipas bago nagkaroon ng pagkakataon na magkatagpo silang muli ng magkapatid.

Ito ay nang umuwi sa Pilipinas si Jenny, ang kanyang asawa at ang kanilang anak, at si Cloie.

Kuwento ni KC tungkol kay Cloie: "Ang sarap ng feeling na nakilala ko siya noong baby pa siya.

"Kasi, one year old, two years old pa lang siya noon, feel na feel ko ang maging ate.

"She was the first sister I had talaga na nakalaro ko noong baby.

"Noong time na hindi na kami nagkita ng Papa [Gabby] ko, hindi na rin kami nagkita ni Cloie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala ko meron na akong kapatid noong time na yun na makakalaro ko lagi, makakasama ko lagi, nawala na rin siya sa buhay ko.

"Growing up, I remember pinadalhan niya ako ng card with her picture and then, siya ang nagse-send sa akin ng ’Hi Ate KC, this is your sister Cloie. My mom tells me a lot about you.’

"So, ang laki ng pasasalamat ko kay Tita Jenny.

"Dahil sa kanya, nagkaroon kami kahit papaano ng relationship ni Cloie through the years, kahit hindi kami nagkikita.

"Hanggang sa meron akong picture... kumakain si Cloie sa picture.

"May ube siya sa bunganga niya. ’Tapos, hawak-hawak niya yung ube na nasa cone.

COMMUNICATION SA FACEBOOK. "Yun, pina-frame ko yun hanggang finally, nahanap ko siya sa Facebook.

"Nakita ko siya sa Facebook ni Garrie. In-add ko si Cloie.

"Hanggang sa nagsulat na siya. Nagsulat na rin ako sa Facebook. High-tech na.

"Parang alam lang namin na nandiyan siya, nandiyan ako.

"Finally, nakausap siya ni Garrie.

"Si Garrie, isang hatinggabi, tumawag siya sa akin, ’Ate! Nakausap ko si Cloie! She’s here, she’s here in Manila!’

"Hanggang sa yun, nagtawagan.

"Kami muna ni Tita Jenny ang nag-usap, then she passed the phone to Cloie."

Pareho raw silang masaya sa unang pagkakataon pa lang na nagkausap sila ni Cloie.

Patuloy na kuwento KC, "Sabi ko, ’Hello?’

"Sabi niya, ’Hello! Oh my god! Oh my god!’

"Wala na kaming ibang ginawa kung hindi sumigaw nang sumigaw sa phone.

FACE TO FACE."And then, finally noong nagkita kami, nandoon daw sila sa hotel.

"Pagdating ko sa Makati Shang, nagtinginan kami.

"Parang nag-freeze yung time. Nag-freeze talaga yung time.

"Nagtinginan kami, then parang movie talaga na slowmotion, nagtakbuhan kami. Then yakap, iyak.

"Tinitingnan ko lang siya.

"Ang saya lang namin, tawa kami nang tawa.

"Yung maramdaman mo talaga na parang kulang na lang we grew up with the same mom, yung parang ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe rin si KC kay Cloie:

"And I really, really want her to be as confident as she can be getting into something like this."

Ano naman ang matinding bilin niya para sa nakababatang kapatid?

"As your big sis, you know that I will always be true to you.

"Just have fun. You’re on the right track. Baby, you’re born that way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN