MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares on former President Gloria Macapagal-Arroyo’s hospital arrest: "Dahil ba sa babae siya, binibigyan siya ng konting kunsiderasyon?"

MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzarez on former President Gloria Macapagal-Arroyo: "Kahit nasa hospital man [si GMA]... nagdudusa ’yan, e. Kahit naman sinong tao, sabihin pang naka-hotel ka, nakakulong ka [pa rin]. Kahit na pinakamagandang hotel, nakakulong ka pa rin, di ba?"


Sa isang bihirang interview, naging panauhin si MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares sa programang Get It Straight With Daniel Razon ng UNTV-37 kaninang umaga, February 6.

Isa sa mga tinalakay ay ang umano’y dayaan noong 2004 national elections, na ang naging pangunahing biktima diumano ay ang yumaong ama ni Mary Grace—ang King of Philippine Movies at National Artist na si Fernando Poe. Jr.

Ano nga ba ang damdamin ni Mary Grace ukol sa ginagawang pag-iimbestiga sa mga pangyayari at sa pinaniniwalaang dapat ay nanalo si FPJ bilang Pangulo ng bansa, imbes ang naluklok na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo?

Ano rin ang gusto niyang mangyari sakaling maging klaro at opisyal ang mga tala na si FPJ ang totoong nahalal na Pangulo sa eleksiyon noong 2004?

Ayon kay Mary Grace, "Well, siyempre para sa akin, ikinatutuwa ko na rin yung mga nangyari nung mga nakalipas na araw."

Ang tinutukoy ng MTRCB chairman ay ang hindi pagkatuloy ni GMA na makalabas ng bansa upang magpagamot at ang pagkakakulong kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na may kaugnaya lahat sa naganap na 2007 elections.

Dagdag pa ni Mary Grace, "Kahit papa’no ay nandito para managot ang kung sino mang nagkasala.

"Marami pa ring lulutang sa aking isip, kasi 2007 ang pinagtutuunan ng pansin, e.

"2004 [ang elections], parang napakahirap ng sitwasyon."

Noong 2004 presidential elections nagharap sina FPJ at GMA.

"Ganito lang po yun. Siguro, kahit mahirap ay dapat gawan natin ng paraan na kahit isang lugar lang ay mapatunayan na nandaya sila.

"Kasi kung hindi natin gagawin yun, imagine, sa lawak no’n, wala man lang isang mananagot?

"Maaaring maging discouraging ’yan na baka ulit-ulitin pa sa susunod."

FPJ AS PRESIDENT. Kasama sa isipan at pansin ni Mary Grace ang isang lumabas na dokumento ukol sa iniimbestigahang kaso ng dayaan.

Aniya, "Nakalagay doon sa isang premise na, ’Therefore, it was found out that there was cheating in this particular area and in this particular [turn of events].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even if you don’t count every single vote, by deducing all those premises, you can make your own conclusions, di ba?

"Maybe the law prevents us from making a direct proclamation.

"But I think that a recognition, even if let’s say a recognition by lawmakers or let’s say a non-government organization or something, that would really mean a lot."

Sabi pa ni Mary Grace, "For me, ang habol lang namin ay ang malagay lang sa ating mga libro na nagkaroon ng ganitong sitwasyon noong 2004."

Nagbanggit si Mary Grace ng isang insidente sa ating kasaysayan na kumukuwestiyon sa ilang historical facts.

"Kasi nga... sinong pumatay kay [Andres] Bonifacio? Di ba, hanggang ngayon, parang hindi malinaw?

"Bakit nangyari ’yon? Merong side yung kabila, merong side yung kabila.

"Pero kung magkakaroon ng linaw o resolusyon dahil kakaibang sitwasyon ito..."

Nais daw ng mga kapanalig ng yumaong FPJ na sabihin man lang na "Dapat talaga ang Presidente ay si Fernando Poe, Jr." ayon sa naging resulta ng 2004 elections.

"Sana. Sana nga. Sabi nung iba, sana ay may litrato [si FPJ] sa Malacañang," saad ni Mary Grace.

Ukol dito ay may naging panukala na raw si Senador Francis "Chiz" Escudero.

"Ang alam ko talaga ay napapag-usapan ’yan.

"Pero ang mahirap kasi ngayon, siyempre marami din silang iniisip, tulad nitong impeachment [ni Chief Justice Renato Corona]."

"Pero ang alam ko, ibabalik din. Dinig ko, pinapatawag din ang ibang witnesses upang mag-explain na sa Senado tungkol sa 2004 [elections].

"Pero naano lang ng konti dahil pinag-uusapan natin itong mahalagang issue ng impeachment muna."

ON GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. Nagsalita rin si Mary Grace tungkol sa estado ngayon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na under house arrest dahil sa marami nitong nililitis na kaso ng katiwalian.

"I guess the inevitable cannot be changed eventually," sabi ng MTRCB Chairperson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kahit nasa hospital man [si GMA] o sabihin na nating si Abalos, nagdudusa ’yan, e.

"Kahit naman sinong tao, sabihin pang naka-hotel ka, nakakulong ka [pa rin]. Kahit na pinakamagandang hotel, nakakulong ka pa rin, di ba?

"So, I guess nagpapasalamat na rin ako sa Chief Justice, kay Secretary [Leila] De Lima, at sa resolve ng ating Pangulo [Noynoy Aquino] na hindi talaga nakatakas."

Mas nanaisin ba ni Mary Garce na nasa regular na kulungan si GMA sa panahong ito?

"Siyempre," sagot niya.

"Tingnan mo, ha... siyempre pagkakasala ay pagkakasala.

"Kung anuman yung ipinaratang nila kay President Erap [Joseph Estrada], parang wala yata sa kalingkingan nito.

"Pero si President Erap ay... actually, nakulong siya!

"Dahil ba sa babae siya [GMA], binibigyan siya ng konting kunsiderasyon?

"Di ba, meron tayong gender equality?

"Kahit naman sa batas, sinasabi ng ano, Presidential Commission on the Status of Women [PCSW], dapat talaga pare-pareho lang."

Bilang panghuling tanong ni Daniel Razon kay Mary Grace: Kung siya ay uupo sa harapan ni Gloria Macapagal-Arroyo at may isang bagay na nais siyang sabihin nang diretso sa mukha nito, ano ang gusto niyang sabihin?

"Huwag na... SPG yun, e!" iwas ni Mary Grace.

Ang SPG o Strong Parental Guidance ay bagong ipinatutupad na classification rating ng MTRCB, simula noong February 2, pursuant to its Memoramdum Circular 12-2011 para sa mga programang pantelebisyon.

Under the SPG Classification, parents are warned "to exercise greater parental responsibility in their children’s viewing of the program."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN