Carmi Martin attains gay-icon status for her catchy dialogue in No Other Woman; plans to stay in showbiz "forever"

"I have been in this business for the past 30 years and halos lahat na ng artista at direktor ay nakatrabaho ko na. And still, may mga bago pang dumarating. Natutuwa ako kapag may director na gusto akong katrabaho, or may artistang lalapit sa akin at sasabihin na natuwa siyang kaeksena ako. Those are just words pero masarap pakinggan," says Carmi Martin.


Kapansin-pansin na nananatili pa ring visible sa showbiz si Carmi Martin kahit na marami na ang nagsusulputang mga bagong mukha ngayon.

Nagpapasalamat na lang ang seksi pa ring aktres na kahit maraming puwedeng pagpilian ang TV networks at film producers, nabibigyan pa rin siya ng roles na nagmamarka sa mga manonood.

Sabi nga ni Carmi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), masuwerte lang siya dahil marami siyang naging kaibigan sa industriya na napamahal na sa kanya sa loob ng tatlong dekada.

Nakausap ng PEP si Carmi sa press launch ng bagong GMA-7 afternoon soap na Broken Vow sa GMA Annex Building.

"Mahal lang siguro ako ng Diyos kaya hanggang ngayon nandito pa ako.

"I said to myself nga na I have no plans of slowing down kasi sunud-sunod ang trabaho.

"I am happy and very thankful kay Lord na umabot ako sa edad na ito and I am still active in showbiz," saad ni Carmi.

MOTHER ROLES. Bago itong Broken Vow, ang huling shows na ginawa ni Carmi sa GMA-7 ay Beauty Queen at My Lover, My Wife.

Parehong mataray at palaban ang kanyang roles sa mga naturang palabas, katulad ng role niya sa Broken Vow bilang scheming mother ni Gabby Eigenmann.

Ayon kay Carmi, "Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit parating mataray na mother ang role ko, baka raw magkapare-pareho lang.

"Kasi nga, in the past projects I did, mataray akong mother ni Maggie Wilson at Katrina Halili sa Beauty Queen.

"’Tapos, mataray din akong mother ni Nadine Samonte sa My Lover, My Wife.

"Ngayon, mataray na naman daw.

"Sagot ko naman, hindi kasi bagay sa akin na inaapi ako. Hindi ako magmumukhang kawawa.

"Parang effort pa sa akin ang magmukha akong inaapi, di ba?

"E, ang role na mataray, parang second nature na sa akin!" tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng aktres, "Wala nang effort talaga kaya okey lang na gano’n ang mga roles ko.

"What’s important ay nakaka-deliver ako. At the same time, naaaliw sa akin ang televiewers."

TWO BIG MOVIES. Last year ay lumabas si Carmi sa dalawang malalaking pelikula ng Star Cinema: In The Name of Love bilang praning na politician’s wife at No Other Woman bilang girerang ina ni Cristine Reyes.

"Naku, maraming bakla ang natutuwa sa akin! Ginagaya ang mga lines ko sa No Other Woman.

"Naging gay icon tuloy ako bigla!" natatawang sabi niya.

"Naging pambansang linya na ng mga legal na asawa ang linya ko na, ’I-pack up mo na si Lucy Torres at ilabas mo na si Gretchen Barretto.’

"Ultimo sina Lucy at Gretchen natuwa sa dialogue na ’yan!

"Roles like that ay nagiging challenge pa rin sa akin. I give my best parati.

"Dala ko pa rin ang mga natutunan ko from my mentors, especially from the late Lino Brocka.

"Walang madaling role. Lagi mong isipin na may bago at doon ka matsa-challenge nang husto."

WORKING WITH NEW STARS AND DIRECTORS. Hindi raw isinasara ni Carmi ang kanyang sarili sa pakikipagtrabaho sa mga baguhang artista at direktor.

"I am constantly learning from new directors and new actors.

"Hindi naman kasi lahat pare-pareho. Kailangan open ka sa mga pagbabago.

"’Tulad ko nga, I have been in this business for the past 30 years and halos lahat na ng artista at direktor ay nakatrabaho ko na.

"And still, may mga bago pang dumarating.

"Natutuwa ako kapag may director na gusto akong katrabaho, or may artistang lalapit sa akin at sasabihin na natuwa siyang kaeksena ako.

"Those are just words pero masarap pakinggan.

"Siguro nga, iyon ang mga nagpapaengganyo pa sa akin to stay longer in this business.

"I can have a different career, pero itong pag-aartista, parang forever na ito sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN