Part 1 Jean Garcia returns to playing kontrabida: "Ngayon, ready na ulit ako na magtaray at gumawa ng gulo sa buhay ng mga bida!"

Jean Garcia on being a Kapuso: "Magmula nang nag-start akong magtrabaho with GMA-7, never akong nakaramdam na pinabayaan nila ako. Magaganda ang mga projects na binibigay nila sa akin. Maganda ang samahan namin ng Kapuso Network and I am proud na nandito pa rin ako sa kanila."


Marami na ang naka-miss kay Jean Garcia sa kanyang pagganap bilang kontrabida sa mga teleserye, kaya sa bagong early primetime series ng GMA-7 na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis ay balik siya sa kanyang signature kontrabida role.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Esmeralda, ang babaeng magpapahirap sa bidang si Bea Binene.

Huling gumanap na kontrabida si Jean sa telefantasya na Ilumina noong 2010.

Sa dalawang teleserye na ginawa niya noong 2011—ang Alakdana at Time of My Life—ay parehong mabait ang kanyang roles.

"Medyo nagpahinga nga muna tayo sa pagganap na kontrabida, di ba? Kaya I’m back at humanda sila!" sabay tawa ni Jean nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

"Sa totoo lang, na-miss ko rin ang maging kontrabida.

"Sa dalawang ginawa ko last year na Alakdana at Time of My Life, drama-dramahan ako na mabait, di ba?

"Ni-request ko rin naman ’yon kasi in the past, magkakasunod ang mga pagiging mataray natin.

"Naku, masakit sa dibdib! Kaya hinay-hinay muna tayo at nagbait-baitan role muna tayo.

"Ngayon, ready na ulit ako na magtaray at gumawa ng gulo sa buhay ng mga bida!

"Kaya watch out for Esmeralda! May gano’n talaga, di ba?"

BEA BINENE. Nakatrabaho na ni Jean si Bea Binene sa Ilumina noong 2010.

Natutuwa nga si Jean na nagbibida na ang tween star na "latest victim" niya sa kanyang pagbabalik-kontrabida.

Saad ni Jean, "Natuwa naman ako sa batang ’yan kasi noong ginagawa pa lang namin ang Ilumina, sobrang bagets pa sila ni Jhake [Vargas].

"Ngayon, dalagita na pala siya at si Jake ay binatang-binata na.

"Ang bilis ng panahon, di ba?

"Yung mga dating bata ay mga teenagers na. Lalo tuloy ako nakakaramdam ng edad!

"Aminin, tumatanda na tayo dahil sa mga batang ’yan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kailangan young at heart pa rin tayo, di ba?

"At kailangan alaga ang hitsura para hindi tayo nalalayo sa mga bagets! Kaya salamat sa mga sponsors na nagpapaganda at nagpapabata sa atin.

"At siyempre, ayokong ma-stress nang husto. Kaya after each project naman ay nagbabakasyon ako.

"Kailangan makapag-recharge para ready na ulit tayo for the next ngaragan."

HAPPY WITH KAPUSO. Sobrang kuntento si Jean sa mga proyektong natatanggap niya sa GMA-7. Kaya nga napapirma siya ng two-year exclusive contract sa naturang network dahil hindi siya napapabayaan in terms of projects.

"Wala akong reklamo talaga.

"Magmula nang nag-start akong magtrabaho with GMA-7, never akong nakaramdam na pinabayaan nila ako.

"Magaganda ang mga projects na binibigay nila sa akin.

"Maganda ang samahan namin ng Kapuso Network and I am proud na nandito pa rin ako sa kanila," sabi ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN