Michael V. composes poem for Rodrigo Duterte

May 16, 2016
<p>Michael V. and his sketch of presumptive President Rodrigo Duterte</p>

Isang tribute ang ginawa ng Kapuso actor-host na si Michael V. para sa presumptive president na si Rodrigo Duterte.

Ngayong Lunes, May 16, ipinost ni Bitoy ang sketch niya kay Duterte, kalakip ang isang tula, bilang pagpupugay sa pagkapanalo ng outgoing Davao City Mayor sa katatapos lang na presidential election.

Sa nasabing tula, ipinahayag ng komedyante na ang majority na ang nagdesisyon sa pagkakaluklok ni Duterte.

Sinabi rin niyang makakamit lang ang tunay na pagbabago kung makikipagtulungan sa bagong halal na pangulo.comp

Narito ang kabuuan ng tula ni Bitoy:

Mabuhay ang pangulo! Walang iba... s'ya na nga!

Wala ka nang magagawa, bayan na ang nagsalita.

Sa bawa't bagong araw, mayro'ng bagong simula.

"DAPAT TAMA" isa-puso sa isip at sa salita.

Kahit sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan

'Di kakayanin ang bigat kundi natin tutulungan.

Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan

Tayo ang magpapatuloy hanggang sa katapusan.

Awatin na ang dilang masakit magsalita.

Continue reading below ↓

Pakawalan ang pusong makatao ang gawa.

Manalig kang alam ng Diyos ang mabuti at masama.

WALANG DAPAT IKATAKOT KUNG ANG GINAGAWA AY TAMA.

Read Next
Read More Stories About
2016
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Michael V. and his sketch of presumptive President Rodrigo Duterte</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results