Gelli de Belen describes best friend Aiko Melendez as "luka-luka" when it comes to relationships

Gelli de Belen (right) on best friend Aiko Melendez (left): "Sinasabi ko na nga sa kanya na parang, ’Bago ka magsimula ng isa pang relationship, yung sarili mo muna ang asikasuhin mo.’ May mga babae kasi na kailangan... may mga tao kasi na ang feeling nila na the other person will make them happy... our relationship will make them happy. And they need that. E, hindi ganun, e. Dapat kumpleto ka na pag may pumasok na ibang tao. Dapat maligaya ka


Natupad at nagkaroon na ng kasagutan ang pagnanais na makabalik sa pag-arte si Gelli de Belen sa Nandito Ako, ang kauna-unahang niyang teleserye sa TV5.

Patunay lang na kahit isang taon na mula nang magwakas ang huling seryeng ginawa niya sa GMA-7, ang Bantatay, hindi talaga maiiwan ng award-winning actress ang pag-arte.

Ang unang show na ibinigay sa kanya ng Kapatid network ay isang cooking show—ang Gellicious na wala na sa ere.

Sabi nga ni Gelli sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa press launch ng Nandito Ako noong Sabado, February 4, nasabik din siyang umarte.

"Oo, nanabik din ako, na-excite din ako. Actually, maganda yung role ko, natsa-challenge ako nang bonggang-bongga," pahayag niya.

Wala pang maibigay na career plan niya sa TV5 si Gelli, gaya ng panibagong hosting job kayat sa serye muna raw siya magku-concentrate.

Gusto ni Gelli na gumawa ng pelikula, pero wala pa raw nag-o-offer sa kanyang movie project.

WORKING WITH AIKO. Masayang-masaya naman si Gelli sa pagsasama nila ng best friend niyang si Aiko Melendez sa Nandito Ako.

Kuwento ni Gelli, "Ang tagal-tagal naming hindi nagtatrabaho together.

"The last movie I made with Aiko like... 20 years ago?

"Ay, hindi naman 20 years ago, OA naman ako, 13 years [old] pa lang ang anak ko.

"Siguro 14 to 15 years ago?"

Ang tinutukoy ni Gelli ay ang Mahal Kita Walang Iwanan na ginawa ng Regal Films na pinagbidahan ng ex-husband ni Aiko na si Jomari Yllana at ipinalabas noong 2000.

Sa Nandito Ako, wala pang masyadong highlights sa kanilang dalawa ni Aiko dahil inuna muna raw ang mga eksena ng bidang si David Archuleta.

Ayon kay Gelli, "Konti pa lang naman yung eksena namin together ni Aiko dahil inuna muna si David.

"Eto na, pag-alis ni David, diyan na kukunan yung confrontation namin or away... stuff like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually exciting, wala pa lang kasi sa tape kasi hindi pa nakukunan.

"Hay, dyusko, sa script pa lang... Oh, my God!"

Matindi raw ang magiging away nila ni Aiko sa eksena kaya talagang isasantabi muna raw nila ang kanilang pagkakaibigan para gampanan ang kani-kanilang roles.

"’Pag sinabi nang ’Action!,’ tapos na, walang friendship.

"Siyempre, you’re into your character na. I’m not Gelli, I am Teresa."

Sa tunay na buhay, wala raw natatandaan si Gelli na naging samaan nila ng loob ni Aiko na puwede niyang gamiting motivation para maramdaman niya nang husto ang galit sa kaibigan.

Pero aniya, "Hahanap ako kahit wala, hahanap ako ng paraan.

"Pero nasa story, e. Nandoon ka naman sa sentro na nangyayari sa amin.

"Nagkaroon na kami ng medyo away-away, pero hindi pa yun ang mga highlights namin na medyo kakaiba."

FRIENDSHIP. Ganun din sa pagsasamahan nilang tatlo nina Aiko at Carmina Villarroel. Wala raw natatandaan si Gelli na nagtampo o nagkatarayan silang tatlo.

Ani Gelli, "Whatever I feel at the moment, sinasabi ko na agad. So, hindi na umaabot sa tampu-tampuhan.

"Masyado na kaming matagal na magkakakilala na parating pa lang, alam mo na.

"Tanggap ko kung ano siya [Aiko], tanggap niya kung ano ako.

"Actually, siya ang mas umiiwas pa sa akin pag nakakarinig siya ng mga award [sermon] from me.

"Pero hindi, kilala na niya ako, e. Saka kilala ko na siya.

"So, wala nang gano’n [tampuhan]."

Aminado si Gelli na sa kanilang magkakaibigan, siya ang prangka at opinionated kumpara kina Aiko at Carmina.

"I think that’s what she would tell and Carmina would also tell na ako.

"Pero depende sa kanila kung sino ang kausap ko.

"Kasi kay Carmina, ibabagay ko ang mga salita ko sa personality at ugali niya.

"’Pag si Aiko naman ang kausap ko, ibabagay ko yung sasabihin ko sa personality niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even Carmina is like that with me and Aiko.

"Iba yung sasabihin niya sa akin at iba rin yung kay Aiko, even if we’re in the same situation."

Tinanong ng PEP si Gelli kung sila bang magkakaibigan ay sarado na kung sinuman ang kaaway ng isa sa kanila ay kaaway na rin nila?

"Okey, hindi ko naman siya aawayin. Pero hindi ko rin naman siya masyadong iku-close," sagot niya.

LOVE AND MONEY. Magkakaibigan na raw silang tatlo mula noong teenagers sila kaya kilala na nila ang isa’t isa sa lahat ng bagay, maging sa kani-kanilang mga itinatagong sikreto.

"Parang gano’n... lalo na kay Carmina.

"Kasi si Aiko, nagtatago pa sa akin ’yan, e.

"Nalalaman ko na lang ’pag tapos na. ’Tapos, saka siya magsusumbong sa akin."

Hindi raw itinago ni Aiko sa kanila ang itinakbo ng pakikipagrelasyon nito sa nakasamaang loob na ex-boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan.

"Medyo sinasabi niya sa akin ’yan during pa lang," sabi ni Gelli.

"Pag kalokohan, medyo hindi ’yan nagsasabi sa akin. ’Pag may kasalanan ’yan, hindi ’yan nagsasabi.

"’Pag tapos na, saka na lang siya, ’Ay, kasi ganito ang nangyari.’

"Hindi ko na siya maa-award-an," sabi ni Gelli.

Kung kaperahan ang pag-uusapan, may pagkakataon na bang naghiraman sila ng pera dahil gipit o dahil sa pangangailangan?

"Ay, hindi pa nangyayari sa amin yun. Thank God!" bulalas ni Gelli.

"Not any of us, not Carmina nor Aiko ever needed me to help them that way. Or I had to ask them that way.

"Ibig sabihin, maayos.

"Kasi parang mahirap pag may ganung levels. So, mabuti yung walang gano’n."

Pagdating sa kung sino ang generous o mahilig magbigay ng kung anu-ano, walang ma-single out si Gelli sa kanilang tatlo.

"Alam mo, patas-patas lang.

"Every time I leave or Carmina leaves or Aiko leaves, or kapag nagsabi ako na, ’Uy, kailangan ko ng ganito,’ andiyan ’yan. Walang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would like to think na I’m the same for them. Walang nakakalamang."

RELATIONSHIPS. Matagal nang tanong ng marami kung bakit sa kanilang tatlo ni Gelli at Carmina, si Aiko ang hindi naging successful ang marriage life at walang permanenteng lovelife.

Ano ang masasabi ni Gelli tungkol dito?

"Hindi pa siya nakakahanap talaga ng lalakeng nababagay sa kanya.

"I think, in time, makakahanap rin siya.

"Baka nandiyan lang siya, hindi niya alam.

"Baka yung mga ini-entertain niya, yun yung mga... basta!

"Kasi you always want to think na kung sino ang kasama mo, yun na. Feeling ko baka natiyempo lang talaga din na hindi talaga."

Pero nakakailang lovelife na rin si Aiko matapos siyang makipaghiwalay kay Jomari Yllana.

Ikinasal siya uli sa model turned chef na si Martin Jickain, pero hindi pa rin sila nagtagal. Ilang taon matapos siyang manganak ay nagkahiwalay sila at umabot pa sa pagpapa-annul ng kanilang kasal.

Ang pinakahuli nga ay ang masalimuot na pagwawakas ng relasyon nila ni Mayor Meneses. Hindi lang pina-ban sa maraming lugar sa Bulacan si Aiko kundi idinemanda pa siya ng libel.

(CLICK HERE to read related story.)

Ang payo ni Gelli kay Aiko: "Sinasabi ko na nga sa kanya na parang, ’Bago ka magsimula ng isa pang relationship, yung sarili mo muna ang asikasuhin mo.’

"May mga babae kasi na kailangan... may mga tao kasi na ang feeling nila na the other person will make them happy... our relationship will make them happy. And they need that.

"E, hindi ganun, e. Dapat kumpleto ka na pag may pumasok na ibang tao.

"Dapat maliagaya ka. Hindi ka lang happy, dapat you’re joyful!

"That’s the only time that you can really find someone who’s worthy of your joy, of your happiness, di ba?"

Marami ang nagsasabing posibleng ang problema ay kay Aiko na mismo at wala sa mga lalakeng minahal niya, lalo na’t matibay ang pagsasama nina Gelli at Ariel Rivera at nina Carmina at Zoren Legaspi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, luka-luka ’yan, e!" nangingiting sabi ni Gelli tungkol kay Aiko.

Pero kinontra ni Gelli ang opinyon ng iba na tama naman ang mga lalakeng nagdaanan sa buhay ni Aiko, pero parang nagmukhang mali ang mga ito sa kanya.

Sabi niya, "Ang lalakeng tama para sa akin may not be tama para kay Aiko or kay Carmina.

"He can be the best guy, mabait, matalino, mayaman, maalaga, maayos na pamilya.

"Pero that guy, puwedeng bagay siya sa akin, pero hindi siya bagay kay Aiko.

"Kasi kanya-kanya tayong personality. Iba-iba ang pag-uugali natin.

"Puwedeng swak siya sa ugali ko, hindi siya sa swak sa ugali ni Aiko.

"Alam mo yung gano’n?

"Si Ariel for me, he’s perfect. I’m not sure if he’s somebody right for Carmina?

"Kanya-kanya kaming mga topak, mga ugali."

Baka naman hindi kayang palagpasin o pagpasensiyahan ni Aiko yung mga kasalanan ng mga lalakeng nakarelasyon niya?

"Actually, kaya ko nga siya tinutulungan na ano... kasi impulsive, very impulsive si Aiko.

"As she’s getting older, medyo bumi-behave na siya ng konti. Kailangan mo lang i-guide.

"Mahirap rin kasi she started early in the business.

"Siyempre, may sarili rin siyang problems with her dad [the late actor Jimi Melendez] and stuff like that.

"Medyo marami rin siyang kailangang asikasuhin sa sarili niya, di ba? Yun, yun!

"Siyempre, dala-dala mo yun sa paglaki mo.

"Saka alam mo si Aiko, she’s the sweetest-sweetest friend ever, you can really count on her," pagtatanggol pa ni Gelli sa kaibigan.

Bakit nga ba "luka-luka" si Aiko?

"E, luka-luka yun, e. Yun nga, biglang... impulsive siya, e."

Dapat bang hindi maging impulsive?

"Oo," mabilis na tugon ni Gelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN