Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati’s aunt

Jessa Zaragoza on "tent incident" with Sarah Lahbati’s aunt: "Ako naman po, hindi naman ako... kumbaga, I said my piece sa kanya [Sarah’s aunt], yung concern ko. Siyempre with respect kasi mas matanda sa akin, pero I was really firm. Alam naman ninyo ako, kapag gusto kong ipaglaban ang isang bagay, talagang sasabihin ko. Pero ako naman, kung hindi naman kinakailangan, bakit naman kailangang magkaroon ng negative na ganyan? Ayaw na


Kinumpirma ng actress-singer na si Jessa Zaragoza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang "tent incident" sa pagitan nila ng co-star niya sa Kokak na si Sarah Lahbati.

Nabalita kasi ang pagpapaalis ng tiyahin ni Sarah kay Jessa noong pumasok ang huli sa tent sa isang taping ng Kokak, kung saan gumaganap na mag-ina sina Jessa at Sarah sa afternoon soap ng GMA-7.

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Jessa sa taping ng Kokak sa San Juan kahapon, Lunes, February 6, ay tinanong namin siya tungkol sa isyu.

Aniya, "Nakita ko rin yun kasi nung nasa... basta somewhere may nagbigay sa akin nung...

"Ang nakita ko, yung sulat ni Nanay Cristy [Fermin], nasa Bulgar. In fairness, accurate naman."

Ano ba talaga ang nangyari?

"Accurate naman yung nakasulat," tila pag-iwas ni Jessa na pag-usapan ang pangyayari.

Pero ayon sa report na lumabas, nang pumasok daw si Jessa sa tent ay sinabi sa kanya ng tiyahin ni Sarah na para lamang daw sa kanyang pamangkin ang tent na iyon.

Inaksyunan naman daw agad ang reklamo ni Jessa at pinagbawalan na ang tiyahin ni Sarah sa taping ng Kokak.

Totoo bang banned na sa taping nila ang tiyahin ni Sarah pagkatapos ng insidente?

"Ayoko nang i-elaborate ’yan, tapos na kasi, e. Kasi okay na po kaya ayoko na ring masyadong... kasi inaksyunan rin naman ng GMA, so..." pag-iwas muli ni Jessa.

Pero nilinaw ng actress-singer na "okay" naman sila ni Sarah.

"Okay lang po kami. Pero siyempre pinagsabihan ko rin siya.

"Sinabi ko na ano, na sana walang ganun. Hindi dapat mangyari yung ganun."

PAKIKISAMA. Unang beses daw naranasan iyon ni Jessa.

"First time in my twenty-one years in this business.

"Basta sinabi ko sa kanya, kay Sarah, na isa ’yan sa mga pinag-aralan kong masterin sa aking twenty-one years.

"Na modesty aside naman, sa industriyang ito, yung pakikisama is very important, and yung kortesiya and yung kunsiderasyon, lalo na sa mga senior artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What’s due them, what’s due them. Kung ano yung dapat mong ibigay na respeto.

"It’s very important.

"Ni-remind ko lang naman siya, kasi siyempre kapamilya niya yun, e, di ba? Kapamilya niya yun, e.

"Pero inano ko rin naman yung tita. I put my foot down."

APOLOGY. Sabi pa ni Jessa, hindi siya lumabas sa dressing room nang pinapalabas siya ng tiyahin ni Sarah.

"Ay hindi, bakit naman ako aalis?

"Artista ako dito, I’m being paid sa araw na yun para umarte. Hindi naman ako ano...

"Kinausap ko yung tita. Kaharap naman yung... nakaharap yung executive producer namin nung nag-usap kaming tatlo.

"Sa bandang huli, nag-apologize.

"Pero at least, well, I think klaro naman yun."

Dagdag pa niya, "Ako naman po, hindi naman ako... kumbaga, I said my piece sa kanya [Sarah’s aunt], yung concern ko.

"Siyempre with respect kasi mas matanda sa akin, pero I was really firm.

"Alam naman ninyo ako, kapag gusto kong ipaglaban ang isang bagay, talagang sasabihin ko.

"Pero ako naman, kung hindi naman kinakailangan, bakit naman kailangang magkaroon ng negative na ganyan?

"Ayaw natin ng mga ganyan kasi nakakapagod yung ganun," saad ni Jessa.

BANNED? Hindi na raw sumasama sa taping ng Kokak ang tiyahin ni Sarah.

"Hindi ko na siya nakikita.

"Hindi po ako yun kung sakaling... hindi po ako yung [nagpa-ban].

"Kasi naman po dito, like iyan, dalawa po yung tents, minsan talaga isang tent, para kaming sardinas, lahat kami sama-sama.

"Ako, mas gusto ko po yun kasi bonding.

"’Tapos ’pag walang eksena yung isa, meron kang kausap, yung tipong pamilya talaga kayo.

"So, walang artistang eklusibo sa isang dressing room," pahayag ni Jessa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN