Sarah Lahbati apologizes to Kokak co-star Jessa Zaragoza about the "tent incident" with her aunt

"After the incident happened, talagang nahiya ako sa kanya. So, wala pong nag-utos na mag-apologize, ako na po ang naunang lumapit sa kanya dahil hiyang-hiya ako," says Sarah Lahbati about apologizing to Jessa Zaragoza after the "tent incident" involving the young actress’ aunt.


Nagsalita na rin si Sarah Lahbati sa insidenteng nangyari sa pagitan ng kanyang tiyahin at ang gumaganap na ina niya sa Kokak na si Jessa Zaragoza.

Sa isang taping kasi nila ay pinaalis daw ng tiyahin ni Sarah si Jessa sa tent dahil eksklusibo lamang daw iyon para sa young actress.

Pahayag ni Sarah tungkol sa insidente: "I got upset!

"Kasi ayoko na nakikita na may gulo or ayoko ring makita na affected yung family ko.

"So, all I can say is that nagkaroon ng misunderstanding, natapos na, naka-move on na lahat ng tao.

"And ang importante ngayon, maayos na lahat, wala nang isyu and masaya na lahat ng tao."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa taping ng Kokak kahapon, February 6, sa San Juan City.

Ayon kay Sarah, nahiya raw talaga siya kay Jessa dahil sa nangari.

"Well, after the incident happened, talagang nahiya ako sa kanya.

"So, wala pong nag-utos na mag-apologize, ako na po ang naunang lumapit sa kanya dahil hiyang-hiya ako."

Ipinaliwanag din ng StarStruck V winner ang nangyari sa kanyang tiyahin at kay Jessa.

"Kasi yung tita ko is may pagka-bingi po siya—as in bingi talaga.

"So, yung tipong pag nagsasalita, yung parang mami-misinterpret ng mga tao talaga, na parang masungit. So, ganun.

"So, nag-apologize ako.

"Hindi ko na in-explain yun kasi I’m sure na-hurt siya [Jessa], na-offend siya, so nag-apologize ako para sa tita ko, sa nangyari.

"And I told her na hindi na mauulit," lahad ni Sarah.

MISINTERPRETED. Paglilinaw rin ng young actress, hindi naman daw talaga pinaaalis ng tiyahin niya si Jessa.

"Actually, hindi siya pinaalis ni Tita!" ang natatawang sabi ni Sarah.

"First of all, my tita would never do that, kasi sino ba naman kami para magpaalis ng artista?

"Actually, para sa akin, sikat man o hindi na artista, walang karapatan na magpaalis ng [kapwa] artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s wrong, who would do that?

"So, kinausap ko yung tita ko.

"Actually, in-explain niya sa akin, parang sinabi niya lang na... kasi masikip yung kuwarto no’n, pero maraming kama.

"So, nagtaka ako kung bakit ginawa niya yun.

"Yun pala, tinanong niya, kasi baka gusto ni Ate Jessa na mas maluwag na room, na siya lang, para may privacy siya.

"Pero na-misinterpret yata, so..."

Ano ba ang sinabi ng tita niya kay Jessa?

"I don’t know what she exactly said, pero sa narinig ko sa staff and sa explanation ng tita ko, parang she asked Ate Jessa if kung gusto niya... yung PA yata or hindi ko alam, e.

"Basta may tinanong po siya na, ’Kung gusto ninyo po sa kabila para mas may space po kayo?’ Parang ganun.

"Pero sinabi ko sa kanya na that’s wrong, talagang mami-misinterpret niya yun.

"Kasi tama ba naman yun, na magsabi kung gusto niya sa kabila?

"So, pinagalitan ko yung tita ko, sabi ko mali talaga. Ano ba naman yun?

"Sabi ko, sino ba naman ang gagawa ng ganun?

"So, talagang nahilo ako nung araw na yun.

"Talagang I got upset kasi parang... hello! Napakamali ng gumawa ng ganun.

"So, kinausap ko siya and I told her muna to go back muna sa bahay nila, para maiwasan na maulit yun.

"Kasi naawa rin ako sa kanya kasi since bingi siya, yung parang maraming puwede pang mangyari, so mas mabuting iwasan na lang, so..."

Hindi na isinasama ni Sarah ang tita niya sa taping ng Kokak mula nang mangyari ang insidenteng iyon.

MAARTE ISSUE. Nilinaw naman ni Sarah ang usap-usapang maarte raw siya sa taping.

"Hindi po! Ngayon pa ba ako aarte?" bulalas niya.

Ayon sa ilan ay sikat na daw kasi siya?

"Hindi po siya excuse," sagot ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sikat man o hindi, walang karapatang umarte o umasta na parang diva or negastar, walang karapatang umasta.

"So, hindi po totoo ’yan.

"Ako, I’m doing my best, lahat nirerespeto ko, wala akong hinihiling na yung malaki.

"Gusto ko simple lang, trabaho lang, maging professional lang.

"Nagko-concentrate ako, lahat ginagawa ko para maging okay yung trabaho ko, so bakit ako mag-aarte?

"So, that’s not true," diin ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN