Rocco Nacino unleashes his dark side for The Good Daughter; bags lead role in indie film The Lam-Ang Experiment

"It’s an honor, honor for me to be part of that [indie movie, The Lam-Ang Experiment]," masayang balita ni Rocco Nacino.


Ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino ang leading man ni Kylie Padilla sa pinakabagong afternoon soap ng GMA-7, ang The Good Daughter.

Gagampanan ni Rocco ang papel ni Darwin Alejandro, isang binata na tatalikuran ang kanyang pamilya dahil sa kasakiman ng ina (Alicia Mayer). Kalaunan ay iibig siya sa karakter ni Kylie at magiging kakampi nito laban sa kanyang sariling pamilya.

"The Good Daughter is gonna be big! It’s gonna be a hit! It’s gonna capture the audience’s heart," excited na sabi ni Rocco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Good Daughter kahapon, February 7.

Dagdag pa niya, "Kasi unang-una, the character of Kylie, people can relate to her—losing a love one at a...alam mo yun, being the good daughter.

"And also sa character ko, kung gaano ako kasalbahe.

"At ano, magiging interested sila sa ano... anong klaseng Rocco yung ipapakita ko sa kanila."

Anong klaseng Rocco ba ang kanyang ipapakita sa The Good Daughter?

"Salbahe. Salbahe na... salbahe na pasaway, palaban—the dark side of Rocco lalabas diyan."

Paano lumabas ang dark side ng isang Rocco Nacino?

"I have to give props to Direk Mike Tuviera dahil siya yung nakapag... dahil siya yung naka-trigger sa ’kin.

"We talked for awhile kung paano ilalabas yun and... isang random dinner namin, bigla naming nahanap yun.

"At ayun, I’m really happy na tutok na tutok siya sa mga artista niya.

"That’s one trait of Sir Mike na gusto ko, tutok na tutok siya sa mga artista niya.

"He’s really concerned about his artists. He wants them to bloom, he wants them to evolve, to improve, kaya tutok na tutok siya.

"He never lets go of us, kaya ano, kumbaga, acting coach mo siya, director, friend, at ano, e, he’s bringing out the best in us, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ako, I’m happy with my role right now—how I’m portraying my role right now," mahabang saad ng young actor.

THE LAM-ANG EXPERIMENT. Sa gitna ng pakikipag-usap ng PEP kay Rocco ay nabanggit niya na nagda-diet siya ngayon bilang paghahanda para sa isang indie film na kanyang gagawin.

Ang tinutukoy niya ay ang The Lam-Ang Experiment.

Ang The Lam-Ang Experiment ay base sa epic poem na Biag ni Lam-ang o Buhay ni Lam-ang. Isinulat ito ni Pedro Bucaneg noong 1640.

Si Lam-ang ay isang pambihirang tao. Ipinanganak siyang nakakapagsalita at nakakalakad kaya siya na rin ang pumili ng kanyang sariling pangalan.

Ang The Lam-Ang Experiment ang kasunod na proyektong ipo-produce ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos pagkatapos ng Pinta*Kasi.

(CLICK HERE to see related article.)

Masayang ikinuwento ni Rocco sa PEP kung paano niya nakuha ang lead role sa The Lam-Ang Experiment.

Aniya, "I auditioned for it.

"It was offered, the audition was offered. I went to the audition.

"I didn’t think na makukuha ko yun, kasi it was more like playing around.

"Kasi I didn’t really know kung paano yung audition.

"At ayun, I just did what the director just told me to do.

"At thank God, nagustuhan niya."

Paano ang naging proseso ng audition? Ano ang ipinagawa sa kanya?

"I was just myself, e. I was just open...

"Natawa ako sa mga pinapagawa, kasi parang [sa isip ko], ’Ganito ba yung ginagawa sa audition?’

"It was really funny, it was really nice!

"Pero ang laking bagay pala niya, so it turned out to be great!

"I was really happy with the audition."

Kailan niya nalaman na siya ang gaganap bilang Lam-Ang?

"Binalita na lang po sa ’kin no’ng manager ko.

"I was really happy, kaya ngayon pa lang nagdye-diyeta na ’ko, e, nagwo-workout na ’ko, e!" nangingiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga preparasyon na dapat gawin maliban sa pagda-diet?

"Working out, ahm... ayun, dieting.

"Looking forward with my training, with my arnis training, soon."

Kailan ang start ng shooting nila?

"Maybe April, Holy Week definitely I’ll be there [Ilocos]. I’ll be shooting there.

"Ahm... ano pa? ’Tapos I have to have, 20 days yung shoot ko, e, kailangan diretso siya.

"So, 10 days I’ll be shooting straight.

"Ahm... 10 days din sa Manila, straight din," excited niyang kuwento.

Ano ang pakiramdam na siya ang gaganap sa The Lam-Ang Experiment, na ayon kay Governor Imee Marcos ay isang "big project"?

"I read the article, na-fascinate ako sa gusto nilang gawin.

"It’s gonna be a first in Philippine film.

"Ang nakikita kong peg is parang Beowoulf, gano’n yung dating.

"So, it’s an honor, honor for me to be part of that," sabi niya.

Sino ang leading lady niya rito?

"Si Isabelle Daza," sagot niya.

"Wala pa akong masyadong alam, e.

"Gusto ko ngang makipag-meet sa directors namin... sa director namin at saka producer.

"Para malaman kung ano yung character ko at saka gusto kong makakuha ng script para mapag-aralan na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN