Richard Gomez on his view about politics: "The real way for you to help people is you have to be in politics."

Richard Gomez on having a change of heart about politics: "Alam mo, ang problema kasi, as much as ayaw mong tumakbo, when the people come to you and they clamor for you to run, wala kang magawa, e. When they need help and you know that you can help them, and the way to help them is to be in a political position, then you just have to. But it takes a lot of courage, it takes a lot of thinking too, kaya ako tumakbo."


Sa isang interview noon kay Richard Gomez, sinabi niyang hindi siya tatakbo sa kahit na anong posisyon sa gobyerno.

Sabi pa niya noon, "I won’t waste my 20 or 50 million for me to run for a seat."

Pero gaya ng alam ng karamihan, dalawang beses tumakbo sa pulitika ang aktor na kilala rin sa bansag na Goma.

Noong 2007 ay tumakbo siya sa Senado bilang independent candidate ngunit natalo siya.

Noong 2010 elections naman ay tumakbo siya bilang Congressman ng Ormoc City, pero na-disqualify siya dahil sa residency issue. Pinalitan siya ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez na siyang nagwagi.

Ano nga ba ang dahilan at nagbago ang isip ni Goma tungkol sa pagtakbo sa pulitika?

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Alam mo, ang problema kasi, as much as ayaw mong tumakbo, when the people come to you and they clamor for you to run, wala kang magawa, e.

"When they need help and you know that you can help them, and the way to help them is to be in a political position, then you just have to.

"But it takes a lot of courage, it takes a lot of thinking too, kaya ako tumakbo.

"Kaya nakita mo naman yung difference ng district namin ngayon, we’re now number one in the region.

"Lucy was awarded by the DPWH [Department of Public Works and Highways] as the best-performing district in Region 8.

"Na-turn around namin ’yan after one and a half years, from number 12 ranking namin out of 16 districts."

Ano ang kanilang plano ni Lucy sa 2013 elections?

"Lucy is running for the election. I’ll be supporting her," sagot ng aktor.

Hindi na siya ang tatakbo?

"Si Lucy ang tatakbo. I’m there to help Lucy, I’m there to support Lucy. Kailangan may teammate, e."

Noong pumasok siya sa mundo ng pulitika, ano ang mga natuklasan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na-discover, alam ko talaga... the real way for you to help people is you have to be in politics.

"You have to use the resources of the government to be able to help a lot of people.

"Mabait kami bilang artista. I can help one hundred people but ako lang, alone in my position’s capacity as an artist, I cannot help hundreds and thousands of people.

"E, when you’re a politician, when you’re in power, you have government resources to help them. Meron kang way para makatulong."

FREELANCER. Pagdating naman sa showbiz career ni Goma, nilinaw niyang "freelancer" ang kanyang status ngayon.

Wala siyang network contract sa ABS-CBN, kahit na napapanood siya ngayon sa primetime series na Walang Hanggan.

May bago rin siyang show na ihu-host sa TV5, ang The Biggest Game Show in The World, na magsisimulang umere sa February 12.

Naniniwala ba siya na ang isang artista ay hindi dapat magkaron ng network contract para malaya silang makapagtrabaho sa iba’t ibang istasyon?

"Depende kung anong type gawin ng artista," tugon niya.

"Ako naman, I like doing things per project basis.

"Kasi aside from this, I’m also helping Lucy’s trabaho sa district.

"I cannot really put myself into just doing something, to just wanting.

"We have commitment sa mga taga-Ormoc.

"I need to free myself, give myself a little free time para sa mga activities namin sa province."

Ano naman ang kanyang opinyon sa mga artistang lumilipat ng network? Kagaya ng Megastar at dating kasintahan ni Goma na si Sharon Cuneta—23 years sa ABS-CBN pero ngayon ay nasa TV5 na.

"Gano’n naman talaga [sa showbiz]," sagot ni Goma.

"Ganun talaga, kanya-kanyang preference yun.

"Yung pagtalon ng isang artista sa isang network, I don’t think it’s a problem.

"It’s just a matter of preference. Privilege niya yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may posibilidad bang makatrabaho niya uli si Sharon sa TV5?

"Well, there’s still a possibility dahil gumagawa pa rin naman ako ng projects sa TV5," sabi niya.

May inquiry na ba for a possible Goma-Sharon project sa TV5?

"Actually, a different project, not with Sharon.

"Kasi, hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ni Sharon, e. I think she’s doing a reality show."

MAGSAYSAY BIOPIC. Matagal-tagal na ring walang pelikula si Richard. Ang huling pelikulang nagawa niya ay ang Bente na ipinalabas noon pang 2009.

Noong kalagitnaan ng 2011 ay nabalitang gagawin ni Goma ang film biography ni dating Presidente Ramon Magsaysay. Ididirek daw ito ni Gil Portes at si Goma ang gaganap bilang Magsaysay.

Ano na ang balita tungkol dito?

"Hindi pa kami nagsisimula, e.

"Pero nag-usap na kami [ni Direk Gil], sabi ko sa kanya, ’If you find the producer, just let me know, and I’ll make time for that.’

"Kasi, the Ramon Magsaysay story is a wonderful story."

Dagdag pa niya, "I’m looking forward to it. Ang ganda ng script, ang ganda ng paggawa nila. Ang ganda ng version nila."

Sabi pa ng aktor, una pa lang niyang narinig ang offer ay na-impress na siya sa kuwento ng buhay ng yumaong Pangulo ng bansa.

"I like him [Magsaysay], masang-masa mga ginawa niya. I wanted to bring change for the politics."

Ano kaya ang naghahadlang para umusad ang proyekto?

"Ay, hindi ko alam..." sagot niya.

Hindi ba siya ina-update?

"Hinda pa... Siguro, hopefully by summer, meron na akong update," sabi ni Goma.

Si Goma at ang misis niyang si Lucy ay mina-manage na ngayon ni Pia Campos ng W Talent Management.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN