Jay-R on settling down with Krista Kleiner: "Kapag ready ka na, e, di gagawin mo na, di ba? I’m not putting a time limit."

Magtatatlong taon na ang relasyon ni Jay-R sa nobyang si Krista Kleiner. Bagamat lalong lumalalim ang kanilang pagsasama ay wala pa naman daw silang balak na magpakasal. Ani Jay-R, "You know, sana in the future for sure. Pero ngayon, ano lang, I just really wanna put out her album, take care of her career, take care of my career, and you know, when it’s stable na, then maybe we can settle down, hopefully. I’m praying for that."


Setyembre noong nakaraang taon nang ianunsiyo ng RnB [Rythm and Blues] singer na si Jay-R ang paglipat niya sa Stages Talent Group, na pinamumunuan ng stage actor turned talent manager na si Carlo Orosa.

Ito ay matapos mapaso ang kontrata niya sa ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria, na siyang nagsilbing manager niya sa loob ng pitong taon.

Nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Skin party ng Talent Agents’ Organization (TAO) noong Pebrero 7, itinanggi ni Jay-R na may hidwaan umano sila ni Arnold kung kaya napilitan siyang lumipat sa ibang management group.

"Hindi naman, wala. Bakit may tsismis ba na gano’n? Wala, wala naman, wala," pilit na paglilinaw niya.

Ayon sa OPM "Prince of Soul," isang hakbang lamang ito upang mapagbuti ang kanyang career, at sa ngayon, tila maganda at maayos naman ang nagiging resulta ng kanyang desisyon.

"Oh, it’s been great!

"Ang daming projects na pumapasok and we’re cooking up a lot of collaborations and a lot of new music for this year—dito at sa ibang bansa—so excited na ’ko."

INTERNATIONAL CAREER. Ang Stages ang nagbigay-daan sa ilang singers, tulad ni Christian Bautista, na nakilala sa ibang bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia, at Singapore.

Umaasa ba si Jay-R na maabot niya rin ang international success tulad ng kay Christian?

"You know, ever since naman, e, ever since I came to the Philippines, I’ve always wanted to and I’m still working on it.

"It’s been a long, long process, you know. Pero I feel like I’m getting there, konting-konti, you know, slowly but surely.

"I’m just gonna keep going for it, and I hope Stages is gonna help me with that and everything, so we’ll see what happens in the future."

Sa mga bansa sa Asya, mayroon ba siyang partikular na target na nais niyang makagawa ng pangalan doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not really. Really my focus is changing the music industry dito sa Pilipinas, especially for RnB because, you know, it’s so underrated here.

"I want to make a difference sa music scene dito sa Philippines."


HIS NEXT ALBUM. Sa ngayon ay nakatutok si Jay-R sa pagtapos sa kanyang album na nakatakdang lumabas ngayong taon.

"Me, for sure second quarter of this year I’m coming out with my new album.

"I’ve been so busy with my other acts lately that I haven’t focused on my own music."

Maliban kasi sa sarili niyang career, abala rin si Jay-R ang pagpo-produce ng album ng ibang singers, gaya ng para sa nobyang Krista Kleiner.

Kuwento niya, "Yeah, we’re releasing her album next month na. I’m producing her album under my record label Homeworkz.

"Lahat—her music is original Filipino music so it’s a very exciting project for me."

Matatandaang nag-collaborate ang magkasintahan upang isulat ang kantang "Beauty Queen" na siyang inawit ni Krista sa Miss International 2010 pageant sa China at siyang nagpanalo sa kanya ng Best in Talent award.


KRISTA KLEINER. Halos tatlong taon na rin ang itinagal ng relasyon nina Jay-R at ng dating Bb. Pilipinas-International. Wala pa ba silang balak na magpakasal?

"You know, sana in the future for sure. Pero ngayon, ano lang, I just really wanna put out her album, take care of her career, take care of my career, and, you know, when it’s stable na, then maybe we can settle down, hopefully.

"I’m praying for that," sambit niya.

Kailan naman nila target magpakasal kung sakali?

"You know what, wala naman, parang feeling ko darating na lang sa ’yo.

"Kapag ready ka na, e, di gagawin mo na, di ba? I’m not putting a time limit."

May plano na ba sila para sa darating na Araw ng mga Puso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually we’ve been so busy so we made sure na walang trabaho sa Valentine’s.

"We’re just gonna have a nice dinner somewhere kasi ang daming ginagawa, ang daming tinatapos, e.

"So we’re just gonna have a nice quiet dinner, watch a movie lang, you know, typical Valentine’s night," nakangiting sabi ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN