Kylie Padilla denies rumored breakup with Aljur Abrenica; insists they never had a relationship

"Tanungin n’yo na lang po si Aljur. Hindi ko po alam na ganoon pala ang lumalabas," replies Kylie Padilla when asked if it’s true that she and Aljur Abrenica have broken up.


Matagal-tagal din bago nasundan ang pinagbidahang afternoon soap ni Kylie Padilla na Blusang Itim noong isang taon.

Sa kabila nito, masasabing sulit naman ang paghihintay niya dahil ipinagmamalaki ni Kylie ang bago niyang teleserye sa GMA-7—ang The Good Daughter, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, February 13.

Ayon kay Kylie, "best gift" sa kanyang 19th birthday noong January 25 ang show na ito.

CRYING LADY. Base sa ipinalabas na trailer sa presscon ng The Good Daughter noong Martes, February 7, marami ang nakapansing mas magaling na siyang umiyak ngayon kumpara sa Blusang Itim noon.

Ayon kay Kylie, espesyal ang teleseryeng ito para sa kanya.

"Sabi ko nga kanina, this is very personal.

"Si Bea [her character’s name], malapit talaga kay Kylie. Masyado siyang mapagmahal sa pamilya.

"I think they really made the show for me.

"Kakaiba po ang pagmamahal ko sa show na ’to."

Sa kuwento ng The Good Daughter ay may stepmother si Kylie, na ginagampanan ni Alicia Mayer.

Parang may hawig sa totoong buhay ni Kylie ang bagong teleserye niya dahil tunay na may stepmother din siya—si Mariel Rodriguez.

Pero ayon kay Kylie, "Mabait naman po si Tita Mariel."

Sa teleserye kasi ay malupit sa kanya ang stepmother niya.

KYLIE "HATES" ROCCO. Nang kamustahin naman si Kylie tungkol sa working relationship nila ng leading man niya sa The Good Daughter na si Rocco Nacino, natatawang humirit ito ng: "Ay, I hate him!"

Yun pala, ang roles nila sa kanilang soap ang tinutukoy niya.

Dagdag na kuwento ni Kylie tungkol sa role ni Rocco, "Bad boy siya dito na may dating pa rin. Yung gusto mo nang sapakin."

Para bang tatay ni Kylie na si Robin Padilla, na kilala bilang "Bad Boy of the Philippine Cinema?"

"Puwede! Gusto mo yun?" baling naman ni Kylie kay Rocco.

Masarap bang katrabaho si Rocco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Palagi siyang masaya. ’O, halika na, take na, take na tayo!’ Ganoon siya.

"Hindi ka mabo-bore. Hindi ka rin mapapagod."

"WALA NAMAN TALAGA." Natawa naman si Kylie nang tanungin kung wala na bang magseselos sa team-up nila ngayon ni Rocco.

Balita kasing break na sila ni Aljur Abrenica, bagamat hindi sila umamin kailanman.

"Bakit wala na? Wala namang talaga, e," giit ni Kylie.

Balita kasi na break na raw sila ni Aljur?

"Kung ganun naman ang lumalabas, kasi we’re both working. Masaya naman kaming magtrabaho."

May balita rin kasi na umiyak daw si Kylie noong nag-celebrate siya ng kanyang 19th birthday. Ito ay sa dahilang hindi raw kasi nagpunta si Aljur na may rehearsal lang daw noon.

Mabilis naman ang naging pagtanggi ni Kylie sa isyu.

Aniya, "Hindi po totoo yun! Hindi po ako umiyak sa 19th birthday party ko.

"Umiyak po ako sa taping.

"Akala ko, galit na si Direk kasi inuulit-ulit ang take. E, yun pala, may surprise kaya naiyak ako."

Itinanggi rin ni Kylie ang balitang nalaman daw ng ama niya ang kanyang pag-iyak kaya nagalit ito kay Aljur.

"Hindi ko po alam. Hindi ko po alam. Sinong may gawa no’n?" sabi ng young actress.

Sa panayam kay Kylie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press, itinanggi nitong may breakup na naganap sa pagitan nila ni Aljur. Sinabi pa niyang hindi naging sila kailanman.

Pero sa ibang entertainment press na nag-interview sa kanya, sinabi raw ng dalaga na "time" at hindi third party ang dahilan ng biglang panlalamig ng anumang namamagitan sa kanila ni Aljur.

Isang source na malapit kay Aljur ang nagsabing break na raw talaga ang dalawa.

Sabi naman ni Kylie tungkol dito, "Tanungin n’yo na lang po si Aljur. Hindi ko po alam na ganoon pala ang lumalabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero naging sila nga ba ni Aljur?

"Super close, ganoon lang," pagtanggi pa rin niya.

Pero nanligaw sa kanya si Aljur?

"Hindi ko alam, e. Paano ba manligaw ang lalaki?" balik-tanong ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN