Stef Prescott says the P3M prize in Survivor Philippines will be a big help for a breadwinner like her

"Bago ako makabili ng gusto kong mga gamit ’tulad ng bag at sapatos, iniisip ko muna kung may babayaran ba akong mga bills sa bahay. Or baka may kailangan na bayaran sila Mommy at Daddy. Kaya anumang talent fee ko na pumapasok, tinatago ko iyon at kung may extra man akong pera, ini-stretch ko iyon para hindi mabilis maubos. Kaya malaking tulong kung manalo man ako bilang Celebrity Sole Survivor. The money will really be a big help sa family ko para


Natupad ang ipinagdarasal ni Stef Prescott na ma-survive niya ang 36 days sa isla nang sumali siya sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Isa kasi si Stef sa mga hinuhulaang hindi tatagal sa naturang reality show, lalo na nang matuklaw siya ng isang makamandag na Philippine cobra.

Pero pinatunayan ni Stef na hindi iyon ang makakapagpatigil sa kanya na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa Survivor Philippines.

"Since day one on the island, ang matapos ko ang 36 days sa island ang ipinagdarasal ko.

"I know that it’s hard but I know what I’ve gotten myself into.

"Kakayanin ko ito because I am doing this for my mom and my dad," pahayag ni Stef sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Lunes, February 6, sa GMA Network Center.

Dagdag pa ng StarStruck alumna, "Kaya noong mangyari nga yung cobra incident, akala ko nga na wala na. It’s over for me.

"Pero lagi pa ring nasa isip ko ang lumaban.

"So I really prayed to God for strength. Kung ito ay isang pagsubok lang para sa akin ni God, then I will accept it, pero ipaglalaban ko iyon.

"I survived that snake bite and I was given a clearance by the doctors na puwede ako ulit bumalik sa isla.

"That for me was a sign from God.

"Siguro nga gusto Niya akong ipagpatuloy pa ang laban ko.

"That incident made me a stronger person. Kaya I fought my way hanggang sa kahuli-huliang araw ng Survivor Philippines."

Kasama si Stef sa Top 3 ng Survivor Philippines. May pagkakataon siyang mapanalunan ang premyo na P3 million at ang titulong Celebrity Sole Survivor.

Makakalaban ni Stef sa mga premyong nabanggit sina Mara Yokohama at Albert "Betong" Sumaya, Jr.

BREADWINNER. Hindi ikinakahiya ni Stef na siya ang breadwinner ng kanyang pamilya.

Kaya naman importante para sa dalaga ang mabigyan ng pagkakataon para sa premyong P3 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Stef, 72 years old na ang kanyang ama at matagal na itong retired sa kanyang trabaho sa Amerika.

Sakitin na rin daw ito kaya si Stef na lang ang nagtatrabaho para sa kanyang pamilya.

Ayon sa Kapuso young actress, "Marami na akong naging sakriprisyo para lang maging maayos ang buhay namin

"Praktikal kaming mamuhay ng pamilya ko. Mas inuuna ko ang mga pangangailangan namin bago ang sarili ko.

"Bago ako makabili ng gusto kong mga gamit, ’tulad ng bag at sapatos, iniisip ko muna kung may babayaran ba akong mga bills sa bahay.

"Or baka may kailangan na bayaran sina Mommy at Daddy.

"Kaya anumang talent fee ko na pumapasok, itinatago ko iyon.

"At kung may extra man akong pera, ini-stretch ko iyon para hindi mabilis maubos.

"Kaya malaking tulong kung manalo man ako bilang Celebrity Sole Survivor.

"The money will really be a big help sa family ko para mabawas-bawasan na ang mga intindihin namin buwan-buwan."

FOR THE FAMILY. Kabilang sa mga paglalaanan ni Stef ng tatlong milyong piso, kung sakaling manalo siya, ay ang mabayaran na ang kotse na kanyang hinuhulugan buwan-buwan at ang makakuha ng mas malaki-laking bahay para sa magulang niya.

"Right now kasi, we are renting a house for P8,000 a month.

"Mas maganda siguro kung sariling bahay na namin ang binabayaran namin every month kesa sa umuupa kami, di ba?

"Also, yung health ng dad and mom ko is one of my main concerns din.

"I want them to live comfortably at wala na silang worries sa mga gastusin.

"Ako na ang bahala doon. Basta ang gusto ko ay happy sila na buhay nila," sabi ni Stef.

Napag-alaman din namin na pangalawang pamilya pala si Stef ng kanyang ama.

Yung unang asawa raw ng kanyang ama at half-siblings ni Stef ay nasa Amerika at may kanya-kanya nang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey ang relasyon namin ni Mommy sa first family ni Daddy.

Ayon pa kay Stef, "Noong magkasakit nga before si Daddy noong nasa States kami, yung ex-wife pa ni Dad ang tumulong sa mommy ko na mag-alaga.

"Yung mga half-siblings ko, mababait silang lahat sa akin. Noong sumali nga ako sa Starstruck, sinuportahan nila ako.

"Kaya okey sila sa amin at paminsan-minsan, tumutulong sila sa amin financially.

"Pero hangga’t maaari ay ayaw naming abalahin pa sila.

"Kung magpadala man sila ng tulong, it’s all for my dad, para sa pagpapa-doktor niya at sa mga gamot niya."

GOD’S WILL. Kung sakali namang hindi palarin si Stef, at mapunta kay Mara o Betong ang premyo, tatanggapin raw niya iyon nang buung-buo.

"Kung iyon ang gusto ni God, tatanggapin ko iyon.

"Pero hindi matatanggal sa akin yung ma-disappoint ako.

"Kasi nga I made it this far at konti na lang, di ba?

"But I am not giving my hopes up. Sa Friday [February 10] pa naman ang live voting.

"And I am praying that the Tribal Jury makes a good decision kung sino sa amin nina Betong at Mara ang deserving sa prize.

"Lahat kami deserve to be where we are now. Kaya ngayon pa lang, we are congratulating ourselves for a job well done."

Manalo man o matalo, dasal din ni Stef na mas gumanda pa ang career niya sa showbiz. Na magpatuloy ang pagdating ng trabaho para sa kanya.

"Work is very important sa akin. At sana nga, more work comes my way after Survivor Philippines.

"The last show I did pa was Captain Barbell. Na-miss ko na ang mag-taping.

"At dasal ko rin na magkaroon ako ng mga endorsements.

"Maging way sana ang Survivor Philippines para mas maging productive pa ang career ko sa showbiz," asam ni Stef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN