Kyla still adjusting to her role as wife to basketball star Rich Alvarez

Kyla on her adjustment period as a wife: "Siyempre minsan hinahanap mo ’yong mommy mo o ’yong daddy mo. ’Tapos may times na naiiyak ako. Hindi ko alam kung gano’n din sa iba [na bagong kasal]. Kasi parang nami-miss ko sometimes ’yong company ng parents ko. ’Tapos ’yong mga pamangkin ko at mga kapatid ko. ’Yon. Iyon siguro ’yong mahirap lang for me. Do’n ako nag-a-adjust."<


Nagtataka ang binansagang RnB Princess na si Kyla kung bakit may balitang buntis na raw siya.

Tungkol nga rito ang kaagad niyang nilinaw nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainmanet Portal) sa set ng Party Pilipinas noong Linggo, February 5.

"Hindi pa!" natatawang sabi ni Kyla.

"Siyempre hindi naman ’yan agad-agad. Grabe naman!

"Huwag muna."

Ikinasal si Kyla sa PBA player na si Rich Alvarez noong November 28, 2011 sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City.

Choice ba nila ni Rich na hindi muna magkaanak?

"Hindi. Hindi naman. Ano lang... well, kung ano ang ibigay ni Lord talaga.

"Kung ibigay Niya kaagad, okey lang naman. Nasa right age na naman ako.

"Pero okey din na after na lang ng honeymoon. Mas okey yata ’yon."

May plano kasi silang mag-tour bilang honeymoon nila.

"Di ba, kasi mahirap kapag pregnant ka... nagtu-tour ka?

"Tuloy pa rin ’yong plano naming pagtu-tour. Pipilitin ko!

"Gagawin ko lahat para matuloy siya!" sabay tawa ng singer.

Kailan ba naka-schedule ang pagtu-tour nila ni Rich?

"Sa June pa. Iyon kasi ang long break nila [sa PBA], e.

"Hindi pa sure kung June. Baka rin maging August iyon o September. Basta may long break sila.

"At pipilitin ko talagang matuloy ’yong tour namin!" tawa niya.

"After no’n, puwede na. Oo.

"Europe tour ang plano namin."

FIRST VALENTINE AS MARRIED COUPLE. Malapit na ang Valentine’s day. First time nila itong ipagdiriwang bilang mag-asawa.

Ano ang plano nila?

"Boring kami, e," sagot ni Kyla.

"Kasi may show ako parati kapag Valentine’s day.

"Like for this year, guest ako sa Valentine’s concert nina Ogie [Alcasid] at Regine [Velasquez]. So, manonood siya [Rich].

"After no’n, magdi-dinner lang kami. ’Yon lang.

"At saka sa amin naman kasi, every day is Valentine’s day!" medyo kinikilig na sabi ni Kyla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ba ’yong every day na Valentine sa kanilang dalawa?

"O, naku, araw-araw nililigawan niya ako! Kala n’yo ba?

"’Yong ipinagluluto niya ako minsan. ’Yong mga gano’n.

"Kanina nga, nauna pa siyang gumising sa akin. So, nag-prepare na siya ng food for me.

"Siya talaga ang naghanda ng pagkain. Para raw may energy ako the whole day.

"Yiiiii! Ano ba ’yon?!" kinikilig na tawa ulit ni Kyla.

"Talagang kinikilig ako. Ha-ha-ha! Oo.

"Uhm, minsan, ipinagluluto ko rin siya na hindi ko ginagawa dati sa buong buhay ko. Ngayon lang talaga ako nagluluto.

"At okey naman ’yong mga niluluto ko, ha! Gaya ng adobo, afritada... ’yon."

May nakahanda na ba siyang Valentine gift para sa kanyang mister?

"Hindi ako kasi masyadong nagreregalo!" tawa ni Kyla.

"Kasi tuwing Pasko lang ako nagreregalo sa kanya at saka sa birthday niya.

"Kasi sunod-sunod, di ba?

"Birthday niya malapit sa Pasko, ’tapos Pasko.

"Kaya kapag Valentine’s, siya na lang [ang nagreregalo]!" tawa niya ulit.

May wish pa ba siyang regalo na gusto niyang matanggap mula kay Rich?

"Ngayon kasi ’yong mga regalo namin for each other, para sa bahay namin.

"Kunyari, ’Sige regalo ko sa ’yo, ako na lang ang magpapagawa ng curtains.’ ’Yong mga gano’n?

"Na, ’Sige, ikaw naman do’n sa may utility area. Iyon na ang gift mo sa akin.’

"Bahay-bahayan nga kami! Ha-ha-ha!

"Para kaming nagbabahay-bahayan. And masaya naman"

PERIOD OF ADJUSTMENT. Dalawang buwan pa lang kasal sina Kyla at Rich kaya nasa period of adjustment pa rin daw sila bilang mag-asawa, lalo na sa parte ng Party Pilipinas mainstay.

"Sa akin kasi, nasanay ako na ako ’yong inaasikaso.

"And ngayon naman, inaasikaso naman ako ni Rich.

"Sobra-sobra nga, e. Sobrang sweet niya.

"Pero like ’yong before... na siyempre minsan hinahanap mo ’yong mommy mo o ’yong daddy mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos may times na naiiyak ako. Hindi ko alam kung gano’n din sa iba [na bagong kasal].

"Kasi parang nami-miss ko sometimes ’yong company ng parents ko. ’Tapos ’yong mga pamangkin ko at mga kapatid ko. ’Yon.

"Iyon siguro ’yong mahirap lang for me. Do’n ako nag-a-adjust.

"Pero everything else, masaya naman sa bahay. Very free.

"’Tapos, para kaming nagbabahay-bahayan, sa totoo lang.

"Pero ang sarap no’ng inaayos namin ang bahay, nag-iikot kami for furnitures, gano’n... mga kurtina at kung anu-ano.

"Tapos ang bait ng parents-in-law ko.

"So, okey, okey siya," saad ni Kyla tungkol sa pagsasama nila ni Rich bilang mag-asawa.

DISCOVERIES. May mga nadidiskubre ba siya kay Rich na hindi pa niya alam dati?

"Si Rich kasi minsan may pagka-childlike siya, which I like.

"At least hindi mo napi-feel na matanda ka. Like, a... may ways siya na parang baby.

"Pero cute naman, oo."

May mga maliliit na bagay rin daw silang hindi pinagkakasunduan minsan.

"Usually kung ano ’yong nasa bathroom.

"Totoo ’yon, may mga differences.

"Pero okey lang. Okey naman.

"At kapag sinabi ko once kung ano ang ayaw ko, natatandaan niya."

May mga pagkakataon din ba na nagkakaroon sila ng pagtatalo?

"Minsan," pag-amin ni Kyla.

"Alam mo, like kung toxic ’yong schedule in a day, hindi mo maiiwasan na nagiging moody ka.

"No’ng una, dati ang nakakakita lang no’n, ’yong mommy ko, kapag nagiging moody na ako.

"Ngayon, medyo nakikita niya [Rich] ’yon sometimes.

"And siyempre, kailangan lang... siguro ngayon, uhm, we just have to learn parang how to talk to each other.

"In times na kapag may mga gano’ng schedule na medyo toxic at parang nai-stress out ka, gano’n.

"So, kailangan lang na... especially ako, kailangan kong matutunan kung paano siya kausapin.

"Pero okay naman so far."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Kyla, "Alam mo, masuwerte naman ako kasi mabait naman siya at very patient.

"E, hindi rin naman ako ’yong tipo na parang girera kapag wala sa mood. Hindi naman.

"Pasimple lang naman akong maging moody! Ha-ha-ha!

"’Yong don’t touch me yet!’ Gano’n lang.

"Like kagabi, nagmi-makeup ako, naglalagay ako ng false eyelashes.

"Siyempre huwag mo akong gagalawin kapag naglalagay ako ng false eyelashes! Ha-ha-ha!

"E, siya naman, ginaganyan-ganyan niya ako," na parang kinukilt siya ang ibig niyang sabihin.

"Sabi ko, ’No!’

"Gano’n lang. Simple lang. Very petty."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN