Jericho Rosales on his "secret girlfriend": "She’s in the business din but not an artista. She’s a host."

"Well, not for anything, but I don’t have a reason to introduce her sa press na parang... or call for a presscon to introduce my girlfriend. But I’m not hiding it na, ’Di ba, may girlfriend ako?’" says Jericho Rosales when asked about the identity of his secret girlfriend.


Nangako si Jericho Rosales na sasali siya XTerra Offroad Thriatlon series, kung saan major sponsor ang ine-endorse niyang Vaseline Men, sa presscon mismo ng nasabing sports event kahapon, February 8, sa Dusit Thani Hotel, Makati.

Ayon kay Echo (palayaw ni Jericho), gusto niyang makilahok sa Pang Rave Run na gaganapin sa Timberland Heights, San Mateo, Rizal sa February 26.

Para sa aktor, medyo malabong makasali siya sa March 17 to 18 na gaganapin naman sa Liloan, Cebu City, kung saan ang mananalo ay magiging representante sa XTerra World Championships na gaganapin sa Maui, Hawaii.

Dahil ang triathlon ay kumpetisyon sa pagtakbo, pagbisikleta, at paglangoy, nagbiro pa ang Kapamilya actor na, "Puwedeng may surfboard sa swimming?"

Kilala kasi si Echo sa pagiging mahilig sa surfing. Kung wala siyang showbiz commitment ay malamang nasa La Union siya at nagse-surfing.


TELESERYE WITH PIOLO? Napadako naman ang usapan sa teleseryeng pinagsasamahan nila ni Piolo Pascual sa ABS-CBN, ang Nang Dahil sa Pag-ibig.

Tinatanong ng kanilang mga tagahanga kung kailan ito magsisimulang umere.

"March?" hindi siguradong sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Sabi nila March daw," dugtong niya.

Nakailang taping days na ba sila?

"Honestly ako one day," sagot niya na ikinabigla namin dahil noong nakaraang taon pa sila nagsimulang mag-taping.

"Sila marami na... Only because yung character ko comes out later pa," paliwanag ni Echo.

"Hindi siya yung... yung character ni Piolo comes out in the beginning, e.

"Ako, yung beginning ng story namin, bata ako, e."

Kuya ba niya si Piolo sa kanilang serye?

"Hmmm, sino bang mas matanda sa amin? Hindi naman," nangingiti niyang sabi .

Dalawa raw ang leading ladies niya sa Nang Dahil sa Pag-ibig. Parehong Reyes na biro pa niya ay magpinsan daw kasi.

"Cristine Reyes and Maricar Reyes," pagtukoy niya sa dalawang aktres na katambal niya.

"Mai-involve sila sa akin pareho, e. Yun ang nasa story, e. So parang gano’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIS FIRST INDIE. Kapag ang pagsabak naman ni Echo sa indie movies ang pag-uusapan, kakaibang sigla sa pagkukuwento ang mapapansin sa aktor tungkol sa pelikula niyang Alagwa.

"Advocacy siya, e. Tungkol sa human trafficking.

"A couple of months ago in-invite nila ko.

"Pinadalhan ako ng script and I was offered to also be a part of the production. Co-producing."

Mas nakadagdag-interes daw ito sa kanya upang gawin anng Alagwa.

"So, ginawa ko tong Alagwa kasi we wanna help the Visayan Forum.

"The Visayan Forum is an NGO [non-government organization] that fights human trafficking.

"Human trafficking is the ugliest... meanest... walang kaluluwa na negosyo.

"They’ve rescued around 79,000 Filipinos in the past four years. I’m not so sure about the numbers, pero parang gano’n kadami.

"Sometimes one rescue is 200 [people]. Ito yung biktima ng... alam mo yung illegal recruiting?

"Sasabihin nila minsan sa pamilya, ’O ’eto po yung pera.’

"They actually have money. Parang this is fixed and organized deception. Na pagdating do’n... sex slavery.

"Ang human trafficking, from babies to old people. What they do to babies, binebenta nila.

"What they do to young ladies... sex slaves or prostitution, di ba?

"Yung iba binubulag. The old people they get the organs.

"Sorry... but this is what they do.

"So, I’m like, ’Oh, my God.’

"The script is so good. The cause is so good, I’m helping out."

Ang Alagwa ay sa direksiyon ni Ian Loreños. Wala raw siyang masasabing katambal sa naturang indie film.

"Wala, e. But Carmen Soo has a cameo role. Kasi Chinese yung ano niya, medyo base [ng human trafficking].

"Pero anak ko kasama ko kunyari, si Bugoy Cariño."

Balak daw nilang isali ang Alagwa sa international filmfests.

"Yes, ang target talaga nila is international release... for mga film festivals but we all wanna focus also sa Pilipinas kasi dito nangyayari talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang Pilipinas ay nagra-rank siya [bilang isa sa pinakamataas] sa human trafficking. It’s ugly... really ugly."

STILL A KAPAMILYA. Matitigil naman ang mga espekulasyon tungkol sa usaping paglipat ni Jericho sa ibang network dahil kapipirma lang niya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.

"Kapipirma ko lang. Pretty good.

"ASAP is there, soaps, reality shows.

"Movie... medyo freelance ako sa movie, so I can do movies outside ABS-CBN.

"But I think they called for a meeting or something, so baka. Baka pag-usapan namin.

"But at the moment, I’m enjoying... kasi this is my first indie film, e.

"Nag-e-enjoy talaga ako. Live sound, ambilis naming matapos. Yung mga gano’n.

"We’re on our fourth day na, so konti na lang.

"Mabilis lang naman ang indie, e, di ba? Ten to 15 days shooting. But it’s really good."

VALENTINE DATE? Ilang tulog na lang at Valentine’s day na. Saan niya balak dalhin ang kanyang girlfriend sa Martes?

"I don’t know. Just something simple lang. Really simple. Maybe just drive around.

"Set-up ng... do something really romantic. It’s a surprise so I can’t spill the beans."

Bakit parang ipinagkakait niyang makilala ng mga tao ang kanyang bagong girlfriend?

"Well, not for anything, but I don’t have a reason to introduce her sa press na parang... or call for a presscon to introduce my girlfriend.

"But I’m not hiding it na, ’Di ba, may girlfriend ako?’" nakangiti niyang esplika.

"I’ll ask her if it’s okay with her. I’ll ask her first.

"Kasi siyempre it’s also her privacy, di ba?

"But she’s ano... I’ll give you a little clue. She’s in the business din but not an artista. She’s a host."

So, pareho sila ni President Noynoy Aquino na host ang dine-date? At least si PNoy inamin niyang si Grace Lee ang kanyang dine-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ha? Si Grace Lee ba? No way, Grace Lee of Magic [89.9]?" nagtatakang sabi ni Jericho.

Biro ng PEP, puro kasi siya surfing kaya nahuhuli sa balita.

"Oo, puro ano ako, e, surfing, surfing!" natatawa niyang sabi.

"Mahilig siya [PNoy] sa Chinese, ’no? Mukhang Chinese-looking, ’no?

"Oo, Korean siya [Grace], pero singkit.

"Si ano before, he dated, what’s her name... John Lloyd’s ex, Liz Uy," natutuwang sagot ni Echo sa kanyang tanong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN