Part 1 Dingdong Dantes’s look as angel of death in My Beloved reminds Marian Rivera of Orlando Bloom’s Legolas role

Dingdong Dantes on his role as angel of death in My Beloved: "The role, yung pagiging sundo, ay isang karakter na hindi mo madalas nakikita. To the point na iisipin mo nga kung meron ba talagang sundo—if there’s such a thing as angels of death. So, for me, parang first time na gaganap sa Philippine TV ng ganito, so very challenging ang role. And anything that is challenging for me is exciting. The fact that it is not eas


Ang role ng British actor na si Orlando Bloom bilang Legolas sa epic trilogy movie na The Lord of the Rings ang unang maiisip sa hitsura ni Dingdong Dantes sa primetime series na My Beloved.

Gaya kasi ni Legolas ay mahaba rin ang buhok ni Dingdong sa bagong teleserye ng GMA-7 na pinagtatambalan nila ni Marian Rivera.

Ito rin daw ang naiisip ni Marian tungkol sa hitsura ng aktor.

Napangiti ang aktor nang biruin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng My Beloved last February 7, na siya ang "Orlando Bloom of the Philippines" dahil sa look niyang ito.

(CLICK HERE to read related story.)

"Hindi, ano lang... si Arlan, Arlan ang pangalan ko," sabi ng Kapuso actor.

Ayon kay Dingdong, maraming pinagpiliang style ng buhok bago nakuha ang look niyang ito sa My Beloved.

"Well, noong umpisa, we were thinking of a hairdo that would fit the bone... siguro the structure of the face.

"Marami pong sinubukan, ’eto yung nagwagi," sabi niya.

SKIMPY COSTUME. Bukod sa mahaba niyang buhok, isa pang kapansin-pansin sa role ni Dingdong sa My Beloved ay ang kakarampot na suot niya bilang isang "sundo" o angel of death.

Isang kapirasong tela lang kasi ang bumabalot sa ibabang bahagi ng katawan ni Dingdong.

Natatawang sabi nga niya, "Wala nga, e. Wala akong costume. Katawan lang!"

Kumportable ba siya habang ginagawa yung mga eksenang yun?

"Hindi parati!" natatawa niyang pag-amin.

"Pero masaya siya dahil at least hindi ako nag-iisa dahil may mga karamay rin ako."

Ang mga "karamay" ni Dingdong ay ang hunky model-actors na sina Jon Hall, Fabio Ide, at Jay Gonzaga, na gumaganap din bilang mga "sundo."

"Seriously, ano siya, e, you wouldn’t think about that anymore dahil it’s really more of so many things.

"The fact that the role, yung pagiging sundo, ay isang karakter na hindi mo madalas nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To the point na iisipin mo nga kung meron ba talagang sundo—if there’s such a thing as angels of death.

"So, for me, parang first time na gaganap sa Philippine TV ng ganito, so very challenging ang role.

"And anything that is challenging for me is exciting.

"The fact that it is not easy, it means that it’s exciting."

CHALLENGE OF BEING A "SUNDO." May ilang nagtataka kung bakit balik na naman sa paggawa ng fantaserye si Dingdong, samantalang kawawagi niya lang ng Best Actor award para sa pagganap niya sa suspense-horror movie na Segunda Mano.

Anong challenge ang meron dito sa My Beloved pagdating sa kakayahan niya bilang aktor?

Sagot ni Dingdong: "Para sa akin, mas matindi kasi yung challenge of having a dual role, e, and depende rin naman sa objective.

"Hindi ko rin naman siguro pineg na let’s say after this, e, expected ko na magkaroon ng...

"Para sa akin lang, ang pinaka-main goal ko is to present the character of a sundo the best way that I can.

"Dahil hindi naman talaga natin alam ano ba talaga ang sundo, wala talaga tayong exact or concrete definition of what it is, of who they are.

"So, it is our responsibility to give a creative input or creative image of how we envisioned it. So, it’s really worth it.

"So, kung maitawid naming nang maayos ’yon at maintindihan ng tao, para sa akin, enough na ’yon."

Ipinaliwanag din ni Dingdong sa PEP kung ano ang "sundo."

"They are called angels of death, but only task nila is maghatid ng kaluluwa sa pintuan ng langit.

"And pag makita mo ako, most likely mabait ka. Dahil kapag hindi, itim na sundo ang makikita mo."

Binanggit ng PEP kay Dingdong ang obserbasyon ng ilan na tila may pagkakahawig ang istorya ng My Beloved sa Hollywood films na City of Angels at Meet Joe Black, na incidentally ay parehong ipinalabas noong 1998.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parehong Hollywood films kasi ay umibig ang anghel (Nicolas Cage)/kamatayan (Brad Pitt) sa isang mortal na babae (Meg Ryan/Claire Forlani).

Dito naman sa My Beloved ay mapapaibig ang sundo na si Arlan (Dingdong) sa mortal na si Sharina (Marian), na naatasan niyang sunduin.

Dahil sa pagkabigo niya sa tungkulin, mapaparusahan si Arlan na maging mortal sa katauhan ng kriminal na si Benjie.

Sabi ng aktor tungkol dito, "Yes, it may be similar but this is a totally different interpretation.

"It is more complex. It is more now. Mas modern. It deals with Filipino values.

"More importantly, it deals with struggle ng isang human being.

"Kung papaano naku-corrupt ang utak ng isang tao na fresh from start, na walang kabahid-bahid ng kasamaan.

"Kung papaano siya magku-cope up sa society, sa temptation, sa kahirapan, sa sakit...

"Kung paapaano magbabago ang pananaw niya... it’s really more of that.

"Of course, on top of having a very strong love story."

MARIAN-SID RUMORED CONFRONTATION. Naitanong din kay Dingdong ang tungkol sa napabalitang kumprontasyon sa pagitan ng kasintahan niyang si Marian Rivera at sa aktor na si Sid Lucero.

Ayon sa lumabas na reports, nagkasagutan sina Marian at Sid sa isa sa mga huling taping ng kanilang pinagtambalang epic-serye sa GMA-7, ang Amaya.

Pero walang kumpirmasyong nanggaling mula sa magkabilang kampo tungkol sa naturang insidente.

Maging si Dingdong ay alanganing sumagot nang tanungin tungkol dito.

Paliwanag ng aktor, "Actually, I don’t wanna comment about it kasi nung nakuwento sa akin ni Marian, medyo... yung istorya about it, hindi ko na pinatulan.

"Tinanong ko lang, ’May problema ba?’

"Sabi naman niya, wala.

"So I don’t want to get into details na kasi baka... Siya ang nagkuwento. Sabi naman niya, wala.

"So I really don’t wanna say anything ’coz I really don’t know what happened."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matalik na kaibigan ni Dingdong ang half-brother ni Sid na si Gabby Eigenmann. Hindi ba nila napag-usapan ni Gabby ang tungkol dito?

"No, we haven’t talked about it. Siguro the fact na walang ganung usapan is because wala talagang nangyari.

"Ako, I will trust Marian’s word and what she says," sagot ni Dingdong.

Ayon pa sa aktor, hindi pa sila nagkikita ni Sid magmula nang pumutok ang balita.

CLICK HERE to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN