Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor

Comedian Betong Sumaya was declared winner at the grand finale of Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown held earlier tonight, February 10. Betong bested fellow castaways Mara Yokohama and Stef Prescott.


Si Albert "Betong" Sumaya ang itinanghal na Ultimate Sole Suvivor sa grand finale ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Ginanap ang live finale episode ng fourth season ng popular reality show na ito ngayong gabi, February 10, sa Studio 7 ng GMA Network.

Pagkatapos basahin ng host na si Richard Gutierrez ang huling boto at ianunsiyo na si Betong ang nanalo, hindi napigilan ng komedyante ang mapaluha.

Tinawag din niya ang ilang miyembro ng kanyang pamilya sa stage upang samahan siya sa kanyang tagumpay.



Sina GMA-7 Chairman and CEO Felipe Gozon at President and COO Gilberto Duavit, Jr ang nag-abot ng premyong P3 million kay Betong.

Apat na boto ang nakuha ni Betong mula sa pitong miyembro ng Jury. Ang mga bumoto sa kanya ay sina Maey Bautista, Chuckie Dreyfus, Arthur Solinap, at KC Montero.

Pumangalawa si Mara Yokohama na nakakuha naman ng dalawang boto—mula sa Volcanoes players na sina Arnold Aninion at John Odulio.

Isang boto lang ang nakuha ni Stef Prescott—mula sa kanyang partner at kasamahan sa GMA Artist Center na si Gino dela Peña.

BETONG’S HIGHLIGHTS. Noong November 14, 2011 nag-premiere sa primetime ng GMA-7 ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, na kinunan mula September 21 hanggang October 26 sa San Vicente, Palawan.

Isa si Betong sa 20 celebrity contestants na sumali sa season na ito, na nag-feature ng mga magkaka-partner na contestants.

Ka-partner niya ang kanyang kaibigan na si Maey Bautista, na ka-tandem niya rin sa paghu-host sa ilang mga programa sa GMA News TV.

Mahina ang katawan ni Betong at hindi siya nanalo ng kahit isang challenge.

Ang nakapagligtas lang sa kanya ay ang pagkaka-tandem niya kay Maey, dahil pareho silang itinuturing bilang pinaka-likable na castaways sa season na ito.

At dahil hindi siya threat pagdating sa physical challenges, hindi rin siya madalas ma-target para matanggal sa Tribal Council.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay nakarating si Betong sa merge noong Day 16 nang walang bumuboto para matanggal siya.

Pagdating ng merge ay naging mapanganib ang posisyon ni Betong dahil isa siya sa apat na miyembro ng Tala tribe, na outnumbered ng mga miyembro ng Bulan tribe.

Kasama ni Betong sa merge ang mga taga-Tala na sina Chuckie, Arthur, at Maey.

Samantala, anim naman ang taga-Bulan tribe na binubuo nina Mara, Arnold, John, KC, Gino, at Stef.

Nagplano ang anim na taga-Bulan na isa-isang tanggalin ang taga-Tala, at natupad nga ito hanggang Top 8 sa pagkakatanggal nina Chuckie at Arthur.

Sinuwerte sina Maey at Betong noong Day 23 sa pagkakasira ng Bulan tribe.

Nakipag-alyansa si Gino sa kanila at kay Stef, at bumoto ang apat para matanggal si John.

Naging mabuti pa rin kay Betong ang kanyang kahinaan dahil hindi pa rin siya tina-target para matanggal.

Noong Day 26 ay nakumbinsi sina Betong at Maey na iwanan ang alliance nila kina Gino at Stef nang bigyan sila ng immunity bracelet ni Mara.

Tinanggal ng bagong Mara-Arnold-Maey-Betong alliance si Gino.

Noong Day 28 ay hindi pa rin naging target para matanggal si Betong at Maey.

Minabuti rin nilang sirain ang bagong alyansa nila nina Mara at Arnold para tanggalin si Arnold, na itinuturing nilang pinakamalaking physical threat.

Pagbalik sa camp ay na-guilty sina Betong at Maey sa pagta-traydor nila kina Arnold at Mara. Dahil dito ay nakumbinsi sila ni Mara na ibalik ang immunity bracelet.

Noong Day 32 ay sina Maey at Betong na ang naging target dahil sa kanilang likability at malaking tsansang manalo.

Sa Tribal Council noong gabing iyon ay natanggal si Maey, sa pamamagitan ng boto nina Mara, Stef, at KC.

Noong Day 34 naman ay naging target si Betong na matanggal.

Kaya lamang ay nagdesisyon sina Stef at Mara na mas malaki ang tsansa ni KC na manalo, kaya’t si KC ang ibinoto ng mga ito para matanggal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa final Tribal Council noong Day 36 ay kinausap ni Betong ang jury na siya ang iboto sa pamamagitan ng pag-iyak habang sinasabing gusto niyang bigyan ang kanyang pamilya ng magandang buhay.

Tinira naman siya ng karamihan sa mga miyembro ng Jury dahil sa paggamit umano ng awa para makahingi ng boto.

Pero sa huli ay pinili pa rin si Betong ng karamihan sa Jury upang tanghaling Celebrity Sole Survivor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN