Barbie Forteza walkout on the set not true, says mom; they were given permission to leave early because they had a plane to catch

Barbie Forteza had to leave the set of Ikaw Lang Ang Mamahalin early because she and her mom Amy had a plane to catch the following day.

"Kasi po, may flight po kami, kasi may out-of-town show kami," explains her mom. "Kaya bago pa po ang taping na yun, nagsabi na kami na kung puwede ay pakawalan kami ng 12 midnight. Nag-agree naman po ang production ng ILAM. Kaya lang po, ang nangyari, 12:30 na, hindi pa nakukunan yung natiti


Nagwalk-out daw si Barbie Forteza sa set ng Ikaw Lang Ang Mamahalin kamakailan.

Kung kailan pa mag-finale ang show mamayang gabi tsaka pa lumabas ang ganitong isyu tungkol sa teen star.

Sa pamamagitan ng phone interview ay tinanong namin sa ina ni Barbie na si Amy ang tungkol dito.

Totoo raw na umalis sila sa set na may eksenang hindi pa nakukunan.

Pero ayon sa kuwento ng ina ni Barbie, "Kasi po, may flight po kami, kasi may out-of-town show kami.

"Kaya bago pa po ang taping na yun, nagsabi na kami na kung puwede ay pakawalan kami ng 12 midnight. Nag-agree naman po ang production ng ILAM.

"Kaya lang po, ang nangyari, 12:30 na, hindi pa nakukunan yung natitira pa na eksena, kaya umalis na kami.

"Kahit naman po yung taga-production, sinabi sa amin na puwede na kaming umalis.

"Kasi nga po, kung mahuhuli kami sa airport, maiiwan kami ng eroplano, hindi naman kami hihintayin ng eroplano," ang kuwento ni Amy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, February 8.

Very early the following morning ang flight nina Barbie patungong Legaspi.

Kaya bago pa man ang araw ng taping na iyon ng tween star sa Subic ay nagpasabi na sila sa production na kung puwede ay 12 midnight ang cut-off ni Barbie sa taping ng ILAM, na pinayagan naman o inoohan ng production.

Ayon pa sa mommy ni Barbie, "Sa amin naman po, wala namang problema kung lumampas ng cut-off ang taping, kahit abutin ng umaga, okay lang po sa amin, kay Barbie.

"May mga pagkakataon naman po in the past na kahit may cut-off si Barbie at lumampas doon ang taping, hindi po kami nagrereklamo.

"Mababait naman po kasi ang mga nasa production ng ILAM, kaya kung medyo lumalampas kami sa cut-off na oras, wala pong problema sa amin.

"Nagkataon lang nga na may flight nga po papuntang Legaspi, na kung hindi po kami aalis sa set ng 12 midnight, mahuhuli na po si Barbie sa flight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po kasi kaya kung hihintayin pa namin na makunan yung [natitirang] eksena ni Barbie kasi nga po mahuhuli na [kami] sa flight.

"Medyo naghintay pa nga rin po kami, 12:30 na kami umalis sa set.

"Kaya kahit po labag sa loob ni Barbie na umalis sa set kasi nga may eksena pa siya, wala po kaming choice.

"Pero hindi naman po totoong nag-walk-out si Barbie, nagpaalam naman kami sa production, at pumayag naman sila, may permiso po nila yung pag-alis namin sa set."

Sumulpot din ang isyu na galit na galit kay Barbie ang direktor ng kanilang drama series na si Dick Lindayag, na sinigaw-sigawan diumano si Barbie nang makita sa sumunod na taping nila.

"Hindi po totoo iyon," mabilis na sinabi ng mommy ni Barbie.

"Hindi po totoo na sinigawan or pinagalitan siya ni direk. "Tinanong ko nga po si Barbie, kasi may tsismis ngang ganun, pero hindi naman po totoo.

"Noong nagkita na po ulit sila sa taping, maayos po ang pakikitungo ni direk sa kanya.

"Hindi niya po sinigawan o pinagalitan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN