JC Tiuseco denies rumors he’s courting Sarah Lahbati

While shooting a scene for Kokak, JC Tiuseco says a van almost ran over his left foot.

"Muntik daw, kasi nakatalikod ako, nakadapa ako tapos dadaan yung van, tapos medyo iniurong ko yung paa ko kasi konti lang yung space, e. Ayun muntik nang masagasaan. Kakatapos lang ng kanang [binti], yung kaliwa naman ang muntik na madisgrasya," he recounts.

Last year, JC had surgery on his right knee due to a torn ligament o


"Ha? Hindi, hindi," ang mabilis at natatawang sagot sa amin ni JC Tiuseco nang tanungin namin kung totoong nanliligaw siya kay Sarah Lahbati.

Dahil huminto na si Derrick Monasterio ng panunuyo sa Kokak star, balitang si JC (na co-star ni Sarah sa Kokak) ang masugid na nanliligaw ngayon sa young female star.

"Hindi, hindi totoo. Ni hindi ko nga alam na may ganun, na huminto na [si Derrick] sa panliligaw sa kanya, na nag-give up na."

Wala raw nililigawan ngayon si JC.

"Kasi medyo busy sa trabaho, kaya wala pang oras na manligaw. Hindi naman ako nagmamadaling magka-girlfriend, e," sinabi pa ng hunky actor.

Ang nararamdaman ni JC ay lungkot pagkat tapos na ang taping nila for Kokak; hanggang Marso pa naman ito ipapalabas.

"Malungkot. Kasi naging masaya kami dito sa serye, kaya ayun, sayang nga na matatapos na kami."

Ang hindi niya makakalimutang eksena sa nabanggit na Afternoon Prime drama series ng GMA...

"Yung fight scene namin nung mga goons na kumidnap kay Kara [played by Sarah], nung nakaraang taping."

Hindi iyon makakalimutan ni JC dahil...

"Kasi muntik nang magulungan yung paa ko nung sasakyan!

"Muntik daw, kasi nakatalikod ako, nakadapa ako tapos dadaan yung van, tapos medyo iniurong ko yung paa ko kasi konti lang yung space, e. Ayun muntik nang masagasaan."

Natatawa nga si JC habang ikinukuwento sa amin ang nangyari.

"Kakatapos lang ng kanang [binti], yung kaliwa naman ang muntik na madisgrasya."

Last year kasi ay inoperahan si JC sa right knee dahil sa torn ligament sa tuhod niya or ACL (Acute Cruciate Ligament) injury dahil sa isang aksidente noon sa paglalaro ng basketball.

Ang next project ni JC after Kokak...

"Hindi ko pa alam kay Jonas [Gaffud, head ng Mercator Management Agency na humahawak ng career ni JC].

"Pero meron kami sa Mercator TV, may show ako dun na parang puro health and fitness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Online siya sa Mercator TV, nag-shoot na ako ng teaser, pero gagawa pa kami ng mga episodes. Hindi ko pa rin alam ang title."

NEWS OF AKIHIRO. Tinanong namin si JC kung totoo bang umalis na sa naturang artist and model management ang Brazilian/Japanese hunk na si Akihiro Sato.

Umalis last year si Akihiro para umuwi sa Brazil at alagaan at bantayan ang ama nitong may sakit na cancer.

And ayon sa bali-balita, hindi na diumano babalik sa Pilipinas si Akihiro at tuluyan nang tatalikuran ang showbiz...

"Hindi ko alam. Ang alam ko, yun nga pumunta siya sa Brazil kasi may sakit nga yung dad niya.

"Pero yung hindi na siya babalik, wala akong alam."

Ang inaasahan ni JC na mga mangyayari pa sa career niya this year...

"Sana more projects, at movies, sana meron din.

"’Tapos, excited na akong mag-basketball!

"Actually maglalaro ako sa March 19, sa Araneta [Smart Araneta Coliseum] daw, e.

"Parang may charity event sila Kuya Phillip [Salvador], sila Kier Legaspi, tapos ayun in-invite nila akong maglaro doon, so excited na ako.

"Iyon bale ang first game ko na talagang ano, game na, after two years."

Matagal nga siyang hindi nakakapag-basketball after ng ACL injury niya.

"Yung recovery nung operation, six months lang, pero two years na akong may ACL, tapos hindi lang ako nagpa-surgery agad.

"Last year lang ako nagpa-surgery. So September ako nagpa-surgery, end of February, puwede na akong maglaro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN