Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam

Ang mensahe ni Mosang sa taong nanloko sa kanya at sa mga kaibigan niya ng malaking pera:

"Sana bayaran niya yung lahat ng mga taong kinuhanan niya kasi hindi biro yung perang in-invest nila. Tsaka tama na yung panloloko, huwag nang manloko ng tao, kasi ’day, ang karma e, hindi na digital, viral na!" she says.


Naibulalas ng komedyanang si Mosang ang kanyang sama ng loob tungkol sa isang dating kaibigang niloko siya sangkot ang malaking pera.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mosang sa last taping day niya para sa Kokak ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati.

Umaabot pa sa mahigit isang daang libong piso ang hindi pa nababayaran sa kanya ng isang kaibigan niya.

"Noon pa itong October last year. Bale one hundred five thousand pa.

"Friend ko siya na bading tapos inaya niya ako...long time friend ko na siya, mga about a year na, tapos inaya niya ako sa isang investment. E, siyempre ako, nagtatrabaho ako, gusto kong kumita.

"Ang ikinuwento niya, parang merong financier sa casino.

"Actually marami kami, marami kaming magkakaibigan na nakuhanan niya.

"Una nakapagbigay ako, almost lahat-lahat, two hundred forty six thousand. Tapos napansin ko ng mga about a month walang tubo... yung bumabalik na tubo parang ang bagal.

"Ang usapan namin yung one hundred thousand, ang tubo mo is parang thirty-thirty, every 10th and 25th of the month, so sixty thousand supposedly.

"Tapos sabi ko, ’Bakit ang tagal?

"’Sabihin mo na sa akin yung totoo, maiintindihan naman kita.

"’Bakit ang tagal ng tubo, ang usapan, bank-to-bank.

"After a month, isang buwan after kong magbigay ng pera, nagtatanong na ako, ’Bakit parang ang hirap mong singilin ng tubo? Kinuhanan mo pa ako ng bank account, ng ID.’

"E, may sakit yung mother niya, parang may diabetes yata.

"Tapos sabi ko, ’Alam mo kung nagsisinungaling ka sa akin, maiintindihan naman kita.

"’Magulang kako yan, e. Ang ayoko lang yung magsisinungaling ka.’"

So ang ginawang rason sa delay ng pagbabayad kay Mosang noong una ay ang pagkakasakit ng nanay diumano ng kanyang dating kaibigan...

"Parang ganun. Yung nagda-dialysis, whatever yung ganun.

"Tapos, itong taong ito, nahuli ko, siya pala yung naglalaro ng poker!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos nag-research ako, kasi matagal ko na siyang kaibigan, yung iba ko pa palang kaibigan nga nakuhanan niya.

"At yung iba, sumulat sa akin, kasi mas close ako sa kanya, e.

"May mga sumulat na ’Baka nakuhanan ka rin ni Andy,’ ganun. Sabi ko, ’Magkano ang kinuha sa iyo?’

"Sabi, ’Two hundred forty thousand.’

"Sabi nung isa, ’Alam mo nagtatrabaho ako abroad, para sa mga anak ko sana yung pera.’

"Doon na ako lalong naano, sabi ko, ’Walang hiya itong baklang ito, ginagalit ako!’"

Marami raw siyang kaibigang naloko ng naturang tao.

"Marami talaga, mga kaibigan ko, mga kakilala ko, kaya na-hurt ako nang sobra.

"Ang name niya Leandro James Padua, isulat mo!

"Nakilala ko siya sa Loreland Farm, na ang drama niya dati e, may ari siya ng Loreland. Sa Antipolo yung resort.

"He was a good friend sa simula, he will give you everything, parang ganun. Tapos ayun na," sinabi pa ni Mosang.

Umaasa pa ba siyang matagpuan ang naturang nanloko sa kanya?

"Pinagdadasal ko na lang kasi unang-una, nasaktan na ako.

"Kasi pag nagmahal ako ng kaibigan tapos biglang...alam mo?

"Ang ginawa ko nga, sinulat ko lahat ng mga nangyari sa diary ko.

"Nilagay ko, ’I will get this back, God will find a way.’

"Sabi ko na lang, ’Lord, ipagdadasal ko na lang siya, tulungan mo na lang akong matanggap na magpatawad kasi ayoko ng stress.’

"Sabi ko, ’Bigyan Mo ako ng maraming trabaho, pagtatrabahuhan ko na lang po ito,’" pahayag pa ni Mosang.

May idea ba siya kung nasaan ang taong iyon?

"Ang alam ko nasa Cubao lang siya."

Nagsampa na ba siya ng kaso?

"Yung mga friends ko nagsampa, ako hindi pa.

"Ang nabigay lang niya sa akin, isang tseke lang na tumalbog. E post-dated e, na 55 thousand, na nai-deposit ko.

"Sa ngayon ay one hundred five thousand na lang ang natira, na kung hindi ko pa hinagel-haggle na, ’Huwag mo nang ibalik yung tubo, ibalik mo na lang yung pera ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Bale wala na kung nagastos mo yung tubo o whatsoever. Parang awa mo na!’ sabi ko."

Ang mensahe ni Mosang sa taong nanloko sa kanya at sa mga kaibigan niya...

"Sana bayaran niya yung lahat ng mga taong kinuhanan niya kasi hindi biro yung perang in-invest nila.

"Tsaka tama na yung panloloko, huwag nang manloko ng tao, kasi ’day, ang karma e, hindi na digital, viral na!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN