Jon Hall on his new romance: "I’ve had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."

Sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved ay gaganap si Jon Hall bilang isang sundo or angel of death. Sila ang sumusundo sa mga kaluluwa na handa nang iwan ang katawang lupa nila. Bahag lang ang suot ni Jon kaya exposed ang magagandang abs niya tulad ng ibang gumaganap din na sundo na sila Fabio Ide at Jay Gonzaga.


Maaliwalas at maganda ang ngiti ng model-turned-actor na si Jon Hall nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Beloved sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Naikuwento nga ni Jon na naka-move on na siya pagkatapos niyang makipaghiwalay sa ex-girlfriend na si Michelle Madrigal.

May bago na raw siyang dine-date—isa ring modelo na ang pangalan ay Maria.

"Maria is half-Swiss and half-Filipino. She’s from Cebu like me," ngiti ni Jon.

"I met her through a common friend. We started going out ang it’s been six months now.

"I’m happy with what’s happening and I am hoping that we stay this way for a long time. It’s nice that you have an inspiration sa trabaho."

Matagal na raw na hindi nakikita or nakakausap ni Jon si Michelle Madrigal. Huli pa raw niyang nakita ito ay October 2011.

"The last time I saw Michelle was sa birthday pa ni Tita Annabelle [Rama].

"Hindi naman kami nag-usap. I try to say hello but she was avoiding me the whole time.

"So I said to myself, maybe she just needs more time. Ako kasi, okey na ako. I can be friends with her na.

"But it seems that Michelle doesn’t want to yet. So what can I do?" diin pa niya.

Pero umaasa si Jon na balang araw ay maging okey ulit sila ni Michelle bilang magkaibigan.

"Everybody wants that to happen, right? Ayoko rin na may tao na galit sa akin.

"Siguro someday, we will be okay. Kahit na maging civil kami with one another.

"Kahit na hindi friends, basta civil na lang," sabi niya.

Sa bagong relasyon nga ni Jon, umaasa siyang maging maganda ang takbo nito. Ayaw na raw niya ng anumang drama na sumisingit sa isang relasyon.

"I’ve had enough drama in my life. I mean, tama na, I’ve been through that already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you can’t help it. It will happen eventually.

"I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan.

"Right now, my relationship is okay. Smooth-sailing. Wala pa namang drama.

"Maybe because we’re not in the same profession. She’s just modelling and ako nasa showbiz.

"We don’t clash and that’s okay."

DRESSED LIKE AN ANGEL. Sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved ay gaganap si Jon bilang isang sundo or angel of death.

Sila ang sumusundo sa mga kaluluwa na handa nang iwan ang katawang lupa nila.

Bahag lang ang suot ni Jon kaya exposed ang magagandang abs niya tulad ng ibang gumaganap din na sundo na sila Fabio Ide at Jay Gonzaga.

Tinanong nga si Jon kung nag-uusap sila ni Fabio at Jay tungkol sa kanilang katawan.

"Actually, we don’t talk about our bodies at all. Para kasing nakakahiya!" malakas na tawa niya.

"We’re men and we don’t really want to compare anything. Quiet lang kami sa taping nila Fabio at Jay. We just do our job right."

Hindi naman daw naiilang si Jon sa kanyang pagiging half-naked sa My Beloved.

Mas may takip nga raw siya kesa noong ginawa niyang mag-model para sa underwear brand na Bench.

"I’m comfortable with the bahag," tawa niya.

"It covers what it should cover!

"This is a lot more fabric than what I wore before with Bench.

"I modelled Bench underwear for six years and every year, it gets skimpier and sexier.

"But I’m a professional and I do my job well. I wouldn’t last six years with Bench if [I were doing something wrong]."

Sa edad nga ni Jon na 33, kaya pa rin daw niya na mag-model ng underwear. Kung kukunin pa rin daw siya, wala raw problema sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As long as they want me in their show, it’s fine with me.

"Matagal ko na ring hindi ginagawa iyon. But Bench is still using my old photos in their catalogues and in their website.

"It makes me proud that they are still using it. It means that I can still help sell their product.

"If Bench asked me to model for them again, I wouldn’t say no," pagtatapos pa ni Jon Hall.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN