StarStruck alumna Jade Lopez returns to showbiz with a bang—via a sexy FHM cover

Jade Lopez on her sexy pictorial for FHM: "It’s worth it! It’s really worth it. Alam niyo kasi, ang ano ’ko ngayon, if you have it, flaunt it, di ba? Minsan ka lang bata. Kapag tumanda ka, at least mapagmamalaki mo na ’Nag-FHM ako!’ Sa buong buhay ko, ngayon ko lang masasabi na ang hot ko pala!"


Matagal ding nawala sa sirkulasyon si Jade Lopez, isa sa Avengers ng unang batch ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Pero may "pasabog" si Jade sa kanyang pagbabalik sa showbiz—ang sexy cover pictorial niya para sa February 2012 issue ng FHM Magazine.

Kasama niya rito ang beauty queen na si Danielle Castaño.

Pinatotohanan ni Jade ang sinasabi naming "pasabog" nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva office noong Huwebes, February 9.

"You can say that, oo, ’yan ang pasabog ko," sabi ni Jade.

"It’s my first time to do sexy.

"First time kong mag-cover at ang first time na ma-cover na yun, sexy pa!"

Tatlong taon din daw siyang nawala sa showbiz dahil bumalik siya sa pag-aaral.

Ngayon nga ay graduate na siya ng B.S. Psychology mula sa San Beda, pero hindi pa raw niya napa-practice ang tinapos niya dahil mas pinili niyang magbalik-showbiz.

Kuwento ni Jade, "Nag-try rin akong mag-apply ng work.

"Pero ito nga, an offer came from Viva. Why not grab it? Kasi ito naman talaga ang mahal ko—showbiz."

VIVA TALENT. Nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency si Jade ngayon.

Hindi itinanggi ni Jade na malaki ang kinalaman ng ka-batch niya sa StarStruck na si Cristine Reyes kaya siya nakapasok sa Viva.

"Actually, kami ni Christian [Esteban], ipinasok niya kami dito. At co-management ko kasi si Tita Shirley Kuan.

"Sabi niya [Cristine], ’Gusto mo, doon ka na lang din sa manager ko?’

"Noong time na yun, graduating na rin ako.

"Sabi ko, ’Sige, try natin, malay mo, di ba? Let’s take the risk.’"

Dagdag pa niya, "Ganoon talaga, e. Babalik at babalik ka talaga sa first love mo.

"First love ko ang showbiz, at may opportunity nga."

Sa kanyang pagbabalik, mukhang sa TV5 mas mapapanood si Jade dahil nakapag-guest na siya sa ilang shows ng Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ngayong nag-cover girl na siya ng FHM, pagpapaseksi na ba talaga ang tatahakin niyang image?

"I would say mature roles," sagot ng comebacking actress.

"Kasi, di ba, parang sa mga batchmate ko, ako yung na-stuck sa... ’Si Jade, StarStruck ’yan.’

"I guess I’m doing comeback now and to show na rin that I can do mature roles."

TYRON PEREZ. Ayon pa kay Jade, may communication pa naman sila ng mga kasamahan niya sa StarStruck.

"Sa Twitter kami usually nakakapag-communicate.

"With Cristine and Christian naman, sila kasi ang closest ko kaya sila ang nakakasama. At saka si Tyron."

Ang yumaong si Tyron Perez ang tinutukoy ni Jade.

Kuwento pa ng comebacking actress, "Noong namatay si Tyron, do’n kami nagka-kontakan ulit [ng ibang batchmates].

"Hindi kami nagkaabot-abot, pero nagka-text-an kami."

Bilang isa sa malapit kay Tyron, ano ang naging reaksiyon niya nang mabalitaan ang pagkamatay ng aktor?

Ayon kay Jade, "Kasama ko siya a week before. Bago nangyari, kasama ko siya sa Vigan. May event kami sa Ilocos.

"Actually, nag-try siyang mag-open sa akin.

"Sabi niya, ’Kapatid, may problema ako.’

"E, si Tyron, never na nag-o-open nang ganoon. Hindi ko talaga naseryoso. Alam mo yun?

"Pero sabi niya lang, may problema.

"Nag-joke pa ako na, ’Ano, may babae ka?’

"Sabi niya, ’Hindi ’no! Basta, basta, basta...’

"So, hindi rin kasi siya nag-open up."

Kuwento pa ni Jade, "Nasa mall ako noong malaman ko. Pero hindi kasi ako makapaniwala.

"Tinawagan ko lahat ng nasa contact ko, mga stars ng StarStruck. Tinawagan ko sina Cristine, sina Nadine [Samonte].

"’Tapos yun, tumawag si Nadine.

"Yung wife kasi niya [Tyron], hindi ko natawagan kasi alam ko nasa Dubai.

"Yun... nakaka-sad."

VOYEURISM. Sa unang tingin sa cover ng FHM kung saan sina Jade at Daniella ang cover, tila may may lesbianism na peg ang pictorial nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pagtatama ni Jade, "No, voyeurism daw yung peg.

"Pero gusto ko siya kasi medyo Lady Gaga ang issue.

"Pero voyeurism talaga ang peg. May pagka-feel ni Lady Gaga.

"And the whole time na nagpi-pictorial kami, ’Alejandro’ ang tinutugtog."

Sa isang abandoned warehouse daw ang naging location ng pictorial nila na sobrang dumi.

Kaya pagkatapos ng pictorial ay pareho raw silang marumi ni Danielle.

Pero kapag tinitingnan niya ang ginawang photo shoot, masasabi ba niyang walang pagsisi at sulit naman?

"It’s worth it! It’s really worth it," sagot ni Jade.

"Alam n’yo kasi, ang ano ko ngayon, if you have it, flaunt it, di ba?

"Minsan ka lang bata. Kapag tumanda ka, at least, mapagmamalaki mo na ’Nag-FHM ako!’

"Sa buong buhay ko, ngayon ko lang masasabi na ang hot ko pala!" natawang sabi ni Jade, sabay sabi ng, "Joke lang."

Sabi pa ni Jade, wala raw siyang papasalamatan na doktor para sa kung anuman ang katawang makikita sa mga larawan niya sa FHM.

Pero bago raw ang shoot ay nag-P90X siya—isang klase ng hardcore exercise.

Kuwento niya, "Four months ago na rin simula nang mapag-usapan namin ni Boss Vic [del Rosario, Viva big boss] ang FHM photo shoot.

"Simula noon, nag-start na ako ng workout ko, diet.

"I ate five times a day, small amount, para mabilis ang metabolism ko."

JADE’S BOYFRIEND. Hindi katulad ng ibang artista, si Jade ay umamin kaagad sa unang tanong pa lang kung may boyfriend siya ngayon.

Si Christian Esteban pa rin kasi ang naaalala na boyfriend niya.

Apat na taon din daw silang naging magkarelasyon ni Christian. Pero nang pumunta na raw ito ng Amerika ay nagkahiwalay sila.

Natatawang kuwento ni Jade, "Hindi kami officially nag-break noon. Nawalan lang ng communication.

"Then, after a year, yun pa lang na nagkaroon ako ng boyfriend—yung ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandoon nga siya sa shoot. ’Stage boyfriend’ nga raw siya, sabi sa article!" natatawang sabi niya.

Non-showbiz daw ang boyfriend ni Jade at apat na taon na raw sila. Ito raw ang nagha-handle ng family business nila. Pareho silang taga-San Beda.

Mabuti at ayos lang sa boyfriend niya na pinapanood siya sa pictorial niya?

Natatawang sabi ni Jade, "He’s the biggest fan of FHM! Sobrang excited niya rito.

"Actually, hindi ako nag-invite sa kanya. Siya na lang ang nagsabi sa akin na, ’Sama ako.’"

Hindi siya nakaramdam ng pagkailang na pinapanood siya ng boyfriend habang nagse-sexy pictorial?

"Hindi, napaka-inspiring nga. Boyfriend ko, pinapanood ako.

"Masaya yun. Siya ang sumusuporta sa akin," sabi ni Jade.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN