Regine Velasquez not yet ready for a full-time comeback: "Magbabawas pa muna ako ng weight. Ang laki-laki kong tingnan sa TV!"

Regine Velasquez on changes in their lives after Nate’s arrival: "Parang pareho pa rin, meron lang dumagdag na isang tsikiting. Siguro yung physical lang, tatlo na kami sa room. Siguro yung routine lang... at least sa akin, nabago lang yung routine ko. Kaming dalawa ng asawa ko, pareho pa rin kami—nakakatawa pa rin kaming dalawa."


Asahang wholesome ang karamihan sa mga isusuot na gowns ni Regine Velasquez-Alcasid sa Valentine concert nila ng mister niyang si Ogie Alcasid bukas, February 14, sa Smart-Araneta Coliseum—ang Mr. And Mrs. A.

Pero sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine, itinanggi niyang pinagbabawalan na siya ni Ogie na magsuot ng skin-revealing dresses o outfits na malalim ang cleavage.

"Actually, alam mo, fake naman yung asawa ko, e. Wala namang ipinagbabawal... kuning-kuning lang yun.

"Actually, yung latest na album, yung Fantasy, ayaw niya yun, e.

"Kasi ipinapakita ko sa kanya, ’A, okey...’ kasi sexy, e.

"Sinasabi lang niya, ’Maganda ka diyan.’

"Ayaw niyang sabihing sexy ako!" natatawang kuwento ni Regine.

Gusto muna raw ni Regine na magbawas ng timbang bago niya pag-isipan ang pagbabalik sa pagsusuot ng sexy outfits.

Aniya, "Kasi baka kung mag-sexy ako ng mga outfits, baka maumay naman yung mga tao sa katawan ko.

"And it’s different now, hindi lang sa katawan ko, kundi the thought that I am now a mother. Parang awkward na rin, e.

"I love dressing up, gustung-gusto ko yung nagdadamit ako. Pero kailangan ko talagang magpapayat.

"Si Juday [Judy Ann Santos], nakakainggit kasi ang payat-payat na niya.

"Pero siyempre, yung gap naman ng age namin, malaki rin naman."

Si Judy Ann ay nanganak kay Lucho just more than a year ago, ngunit ngayon ay sexy na.

OGIE’S POLITICAL AGENDA. Marami ang nakakapansin na tila nagkakainteres pumasok sa pulitika si Ogie dahil panay raw ang paggawa nito ng cause-oriented projects.

Pero ayon kay Regine, nang tanungin tungkol dito, ipinauubaya niya kay Ogie ang desisyon pagdating sa usaping ito.

"It’s really up to him. I’ve been asking him.

"Pero kung ako ang tatanungin, I don’t want him to broaden on that field.

"That’s not our world. It’s different from ours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But if he really wants... kasi meron siyang purpose, e. If he really wants, definitely, I’ll support him," saad ni Regine.

Ramdam naman ng Asia’s Songbird na may interes talaga si Ogie sa pulitika.

"Ako, feel ko... noong una alam ko interested siya, e.

"But then, nakikita niya how... Especially ngayon, nakikita niya kung gaano talaga kahirap at kadumi. Napaka-kumplikado."

Hindi naniniwala si Regine na hindi nila magagawa ni Ogie ang tumulong kung wala sila sa posisyon.

"You know, it’s not true," sabi niya.

"You can help people without being a politician. So, puwede naman."

Kabilang sina Regine at Ogie sa celebrities na palaging bukas-palad para sa mga nangangailangan.

Ang pera ngang nalikom nila sa kasal ay ipinamahagi nila sa iba’t ibang charitable institutions para sa mga bata.

Sa tuwing may kalamidad ay nangunguna rin ang mag-asawa sa pag-iisip ng mga proyektong makakalikom ng pondong maido-donate sa mga nasalanta.

Isa sa paboritong project ng mag-asawa ay ang pagbebenta ng mga personal belongings ng mga kapwa nila artista.

Halos maubos na nga raw ang closet nilang dalawa sa kanilang "Celebrity Ukay-ukay."

"Kasi, we’re so blessed," nakangiting sabi ni Regine nang usisain tungkol dito.

"Parang nasa posisyon kami na puwede kaming gumawa ng ganito kaya sinasamantala lang namin.

"Hindi naman all the time puwede naming gawin ito.

"Kumbaga, nakakaluwag-luwag ka, tumulong ka.

"Hindi naman all the time makakauwag-luwag ka," paliwanag niya.

BABY NATE. Pagdating naman sa anak ni Regine na si Nathaniel, o Nate, makikita ang biglang pag-aliwalas ng mukha ni Regine.

"Ay, nakakatuwa na siya ngayon... nakikipag-usap na. Bago siya dumedede, may diskusyunan pa kami.

"Madaldal siya. Basta, palagi mo siyang kausapin nang kausapin.

"Minsan nagrereklamo na," masayang kuwento ni Regine.

Dagdag pa niya, "Alam mo, it’s weird, ha... alam ito ng mga mothers. Kasi like sa gabi, I need to pee. Ginigising ko pa nga yung asawa ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nadikusbre ko na puwede ko na pala siyang iwan dun sa kanyang crib... natatakot ako noong una na iwan siya.

"Pero ngayon, ’pag kinakausap ko siya... sabi ko, ’Baby, magpi-pee lang si Mommy, you wait for Mommy, ha?’

"Siyempre, iiyak siya. ’Baby, wi-wee lang.’ Tapos mag-i-stop siya.

"Pagbalik ko, hinihintay niya ako. ’Tapos, ang cute niya.

"Ewan ko, pero talagang may koneksiyon.

"Kunwari mag-iinat siya, hahawakan ko yung kamay niya, ’Mommy is here.’ Naiintindihan niya, the sound of voice."

Pareho raw kinakantahan nina Ogie at Regine ang kanilang baby. Yun nga lang, pinanggigilan daw lagi ni Ogie ang anak.

"Naiinis si Nate!" bulalas ni Regine.

"Kasi may mga stubbles si Ogie. Naiinis si Nate.

"Yung asawa ko naman, tuwang-tuwa siya."

Pero puring-puri naman ni Regine ang asawa.

Aniya, "Pero ang sipag no’n [Ogie]. Nakita niya nagpapadede pa ako, after no’n, ’Akin na, ako na ang magpapa-burp.’

"Kahit pagod siya, puwede namang manahimik na siya or matulog siya, pero pina-burp pa niya si Nate.

"A little time pa with Nate."

Sa Velasquez clan, pang-13th na apo si Nate. Sa pamilya naman ni Ogie, ito lang daw ang nag-iisang apo na lalake.

STUFF FOR NATE. Kung matutuloy, ang unang magiging trip abroad ni Nate ay sa Singapore para sa celebration ng birthday ni Ogie sa August.

Magkikita-kita sila roon ng unang asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren, ang mister ni Michelle, at ang dalawang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah.

Sa assessment ni Regine, eight months old na raw si Nate sa birthday ni Ogie.

Kuwento pa ni Regine, ang dami raw ipinadalang gifts ni Michelle para kay Nate.

"Lagi siyang may gifts. Buntis pa lang ako, madami nang gifts na kung anu-ano, mga damit.

"Ang dami nga niyang ipinapadala—sapatos, lotion... basta, kung anu-ano, like cream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta kapag nagpupunta doon [sa Australia] si Ogie, laging may ipinapadalang pasalubong sa akin and for the baby.

"Alam mo, sa totoo lang, wala akong binili. I bought few stuff, very few lang talaga.

"Kasi, clothes, alam kong maraming magbibigay from friends, may mga shower-shower.

"I had, like, 21,000 showers... 21,000 talaga?" natatawang biro ni Regine.

Dagdag niya, "Konti lang talaga yung binili. Alam mo, karamihan bigay—yung gym, kobre kama.

"Nakakatawa kasi wala pa akong nabibili uli.

"Binilhan ko lang siya ng Havaianas na tsinelas. Yun pa lang ang binibili ko. Ang dami pa kasi...

"Ang bilis niyang lumaki. Alam mo nung isang araw, nagtanggal na kami, nalakihan na kasi niya, e.

"E, biruin mo, ang liit lang niya dati, ganito lang siya kahaba, ngayon ganito na siya.

"When he came out, 4.11 pounds. He was 2 kilos.

"Now, he’s almost 10 pounds and he’s 19 inches.

"He’s probably even bigger now kasi two months pa yun sukat niya."

NATE’S OWN NURSERY ROOM. Tatlong buwan na ngayon si Nate.

Isa sa mga plano ni Regine pag lumaki na ng konti si Nate ay ilagay na ito sa sarili niyang nursery room.

"Ang balak ko, mga three, four years old, ihihiwalay na siya... lalake, e.

"Ayoko namang... breastfed na nga siya, e. Ang close na niya sa akin, baka Mama’s boy na yun.

"Pero ngayon pa lang, nakakalungkot nang isipin na ihihiwalay na sa iyo, di ba?

"Kasi yun yung mga age na ang sarap katabi. Pero titiisin ko.

"Actually, may nagsabi sa akin na, as early as now, puwede na siyang ihiwalay. Pero nakakalungkot, ’no?

"Pero alam mo kasi, I understand what they’re trying to say, e. It’s healthy for husband and wife.

"Kasi habang nandiyan siya [Nate], wala kayong privacy. Walang time together.

"Aayusin ko lang... Before I go back to work, I’ll try to fix his room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi wala kaming nursery. So, sa amin talaga siya.

"I’ll try to fix his room. Para if ever na gusto naming mag-intimate moment, I’ll just ask the help, the yaya, to stay with him.

"Pero he can still sleep with us," saad niya.

Dapat daw ay hindi na kukuha ng katuwang sa pag-aalaga ng kanyang baby si Regine.

Kaya lang ay muling sumumpong ang migraine niya, kaya si Ogie mismo ang nagdesisyong kumuha sila uli ng nurse.

NEXT BABY. Pagkatapos pa raw ng isang taon puwedeng magbuntis ulit si Regine, ayon sa kanyang doktor.

Kahit gusto pa nina Regine at Ogie na magkaroon pa ng isa, ipinauubaya na lang daw nila ito sa Diyos.

"Bahala na. Kung bibigyan ni Lord.

"Si Nate nga, hindi namin ini-expect, e," sabi ni Regine.

Inamin din ng Songbird na muntik na siyang mag-undergo ng clinical procedure para mabuntis.

"Actually, we’re planning to do that.

"Ako nga, straightforward na sinasabi ko naman.

"Binigyan mo pa nga ako ng number. Kasi nga, talagang interested kami, di ba?

"Kasi, I have to be realistic. You wanna have a child, wala ka namang ginagawa, though we’ve been praying for it.

"Kasi hindi rin naman kasiguraduhan yun na kahit mag-in vitro [fertilization] ka... Meron namang hindi nabubuntis, e.

"Hindi naman kasiguraduhan yun. Depende na lang kay Lord.

"Pero very, very thankful na ibinigay ni Lord sa amin si Nate," nakangiti niyang sabi.

Wala naman daw masyadong pagbabago sa buhay nina Regine at Ogie sa pagdating ng kanilang baby.

"Parang pareho pa rin, meron lang dumagdag na isang tsikiting.

"Siguro yung physical lang, tatlo na kami sa room.

"Siguro yung routine lang... at least sa akin, nabago lang yung routine ko.

"Kaming dalawa ng asawa ko, pareho pa rin kami—nakakatawa pa rin kaming dalawa."

REGINE’S COMEBACK. Lumabas na si Regine sa Party Pilipinas kahapon, February 12, para sa promo ng kanilang Valentine concert ni Ogie, pero hindi pa raw ito hudyat ng kanyang comeback.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Magbabawas pa muna ako ng weight. Ang laki-laki kong tingnan sa TV!

"Siguro mga twenty pounds pa ang kailangan kong bawasin.

"Sinasabi kasi nila, usually, three, four months after. Feeling ko nga, mga after six months pa, e.

"Nagbabasa na rin ako. Nalaman ko na nagsisimulang magbawas ng timbang, mga eight months pa. Sabi nga ng kapatid ko.

"Ako, okey lang na mag-work habang maliit pa siya [Nate]. He won’t miss me as much.

"Pero siguro ’pag nag-eight months na siya. Kasi siguro ’pag nag-eight months na siya, kokonti na siyang dedede sa akin.

"Kasi magsu-solid na siya. Puwede na akong mag-mix ng milk.

"Ngayon kasi, dependent talaga siya sa akin."

LOSING WEIGHT. Ang pagbabalik ni Regine sa trabaho ay dedepende raw sa magiging pigura ng kanyang katawan.

"I still have two more years sa GMA," banggit niya.

"Ang balak ko talaga, ’pag hopefully... when I lose a little bit of weight pa, okey akong mag-work after eight months.

"Puwede akong... kasi kailangan kong mag-soap, e.

"So, after eight months, puwede akong mag-soap na ulit."

Simple pero mahirap ang ginagawang pagdi-diet ni Regine.

"I’m on a soup diet. Lahat sinasabawan! Pati yata tsinelas, sinasabawan!" biro niya.

"Lahat... sinabawang isda, sinabawang gulay, sinabawang halaan! Nilalagyan ng malunggay!

"Walang rice! Sabaw!

"Kasi it’s good for my breastmilk, mas mabilis yung producing...

"Plus, it’s supposed to make me lose weight dahil ang kinukuha niyang [Nate] energy, yung reserves ko.

"Yung milk ko, lahat ng intake ko, yun ang milk.

"’Tapos yung energy ko na nabe-burn ko when I produce milk is my fats.

"I did it [diet] slowly. Meron akong solid, walang rice, meat lang or fish.

"Pero itong mga weeks na ito, puro soup na lang, walang solid."

Kapansin-pansin naman ang paglaki ng boobs ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Size 50! Cup D!" sabay tawa niya.

"Hindi, mga 45, cup D siya.

"Yung kapatid ko, ganyan din. Sa kanya naman double D.

"Hinahawakan ng asawa niya habang naglalakad siya. Kasi naman, sakit na sakit siya.

"Hinahawakan ng asawa niya, o! Masakit sa likod, e.

"Saka kasi yung posture mo rin when you are breasfeeding, nakaganyan [yuko] ka, e. "

Ayon pa kay Regine, nagkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhok.

"Alam mo, kumapal ang buhok ko. Kasi dati nag-e-extension ako, parang numipis.

"So, nung napansin ko, ang kapal, ang healthy!

"’Tapos ang oily lang. Pagkaligo ko, oily na agad."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN