Gary Valenciano enjoys working with his children; says "There will never be another Gary Valenciano"

Gary Valenciano on the next Gary V. and Martin Nievera: "There are several things that come into my head. Number one is—and this is not to say this in any yabang version, ha—there will never be another Gary Valenciano. There will never be another Martin Nievera... There will only be better Gary and better Martin in the years to come."


Magiging abala si Gary Valenciano simula ngayong buwan ng Pebrero hanggang sa katapusan ng taon dahil sa mga nakalinya nang proyekto niya—isang musical film, magkakasunod na concerts dito at sa ibang bansa, at ang repackaging ng kanyang album.

Ang tinutukoy niyang musical film ay ang I Doo Bi Doo, Bi Doo, kung saan makakasama niya sina Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Eugene Domingo.

Ang album naman na kanyang ire-repackage ay ang With Love, Gary Valenciano, na una niyang inilabas noong nakaraang taon.

Kabilang sa concerts na gagawin niya ay ang A Date With Destiny, na gagawin sa Sunken Garden ng UP Diliman, Quezon City sa Pebrero 15, ika-8 ng gabi.

Makakasama niya rito ang mga anak na sina Gabriel at Paolo.

Isasama niya rin daw ang mga anak sa concert tour niya sa Amerika sa darating na Hunyo—ang "The Valenciano Concert"—para hindi raw puro siya ang mapapanood sa kanyang show.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Gary kanina, Pebrero 13, sa Mesa Grill Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Binanggit niya sa amin na 29 taon na siya sa industriyang ito, ngunit kitang-kita pa rin ang kanyang pagmamahal sa musika.

"These guys, these young people," sagot ni Gary nang tanungin namin kung ano ang inspirasyon niya sa pagpapatuloy ng pag-awit.

"I have such a heart for the young people, really I do. Iba, e, ’yong generation ng mga kabataan ngayon.

"Out there, you carry out a conversation with them, and you get to really learn, you get to realize that even as a grown up, there’s still a lot of room to grow, and I really enjoy doing that.

"Kaya when I’m in concerts or shows, these guys introduce me to new stuff in YouYube, I really make it a point to check it out ’coz it’s what the young is seeing and it’s what the young are hearing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s a very wide, wide scope but it’s fun.

"’Coz there’s a lot more to do than simply sitting down and thinking, ’Okay, ano pa ang puwede nating i-release diyan? Ano pa ang hindi natin nagagawa?’

"No, just look at these young people, which open us for a lot of opportunities."

WORKING WITH HIS CHILDREN. Kaugnay nito, madalas nang nakakasama ni Gary sa kanyang mga shows ang tatlo niyang anak na sina Paolo (27), Gabriel (23), at Keanna (19).

Ang bunsong anak na babae ni Gary ay isang freelance artist.

Habang si Gabriel at ang kuya niyang si Paolo, na ipakikilala na ngayong darating na Linggo, ay regular na mapapanood sa ASAP.

Napapanood din nang regular si Gary sa ASAP.

Aminado naman si Gary na iba-iba ang kinahihiligan ng kanyang mga anak pagdating sa musika.

Aniya, "Paolo is more into rock, Gab is more into dance, Keanna is more into RnB [Rythm and Blues], and I’m into inspirational, so the whole spectrum is covered.

"And mind you, ha, Paolo is 27, Keanna is 19—that’s less than 10 years apart, pero ang layo.

"Ang layo when Paolo was nineteen, iba ’yong pag-iisip niya as compared with Keanna, who is now at nineteen. Iba rin ’yong pag-iisip ni Gabriel noong nineteen siya just four years ago."

Magkaroon man sila ng hindi pagkakaintindihan, mas lamang pa rin daw ang saya ni Gary na makatrabaho ang kanyang mga anak.

"It’s funny!" bulalas ng 49-year-old performer.

"There are moments when it gets tense, but what I’m really blessed is the fact that, take for example Paolo, we’re talking about what do we do.

"We talk like, ’This is what’s gonna happen.’ Then we realize, what’s the concert about and who are the people watching, ’So let’s do this one na lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, we get to understand what and where the objective is for every concert.

"Kasi for me, in a concert, you don’t just do a song just for the sake of doing it.

"You do a song because you want to say something, you want to express something."

NO OTHER GARY V. Samantala, marami nang umuusbong na bagong mga mang-aawit ngayon.

Katunayan, karamihan sa kanila’y nadiskubre sa pamamagitan ng pag-a-upload ng videos habang kumakanta sa YouTube.

Ngunit marami pa rin ang nagsasabi na tila walang sumusunod sa yapak ni Gary at o ng Concert King na si Martin Nievera.

Napangiti si Gary bago sumagot nang hingin ng kanyang opinyon tungkol dito.

"There are several things that come into my head.

"Number one is—and this is not to say this in any yabang version, ha—there will never be another Gary Valenciano, there will never be another Martin Nievera...

"There will only be better Gary and better Martin in the years to come.

"I’m proud that we are used as standard, ’yong tipong, ’Wow, people still compare to us.’

"’Yong tipong, ’Ay, pareho magaling siya magpatawa, pero iba pa rin boses ni Martin. Ay, pareho sila ng boses, pero hindi sila pareho ng boses ni Martin Nievera.’ ’Yong mga gano’n.

"I’m grateful for the incredible support we got from the audience of before, na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin kaming parang standard," sabi ni Gary V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN