Gwendoline Ruais on posing in a swimsuit for men’s magazines: "As of now, I still don’t feel the need to do that. And I don’t see the point."

Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais on her showbiz career: "I love what I’m doing right now. I’m trying a lot of new things. And I love hosting. Actually doing Party Pilipinas is kinda challenging for me and it’s a lot of fun. Kung may mga iba-ibang opportunities, I will try. And if I enjoy it, I’ll continue it."


Matapos manalong First Princess sa Miss World pageant last year, kaagad na binigyan ng break ng GMA-7 si Gwendoline Ruais.

Isinabak siya sa paghu-host sa Party Pilipinas at sa iba pang mga programa ng Kapuso network.

Sabi ni Gwen, "They’ve been giving me a lot of opportunities.

"Aside from Party Pilipinas, I’ve been hosting sa Walang Tulugan. ’Tapos nga, guestings sa iba pang mga shows.

"They are coming up with a lot of opportunities for me... I’m doing Eat Bulaga! again.

"But the thing is, I’m tied with Miss World International. So, hindi ako puwedeng mag-sign ng GMA contract.

"Pero parang ni-negotiate namin na... the Miss Wolrd Organization gave their approval na I can sign with GMA.

"So, coming soon, magsa-sign na po ako sa GMA Artist Center.

"Excited ako for that. And for sure kapag nag-sign na ako, mas maraming projects na."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen noong Linggo, February 12, sa set ng Party Pilipinas.

MISS WORLD DUTIES. Hindi lamang ang nanalong Miss World 2011 na si Ivian Lunasol Sarcos Colmenares ng Venezuela kundi pati ang mga runners-up din ay may duties sa charity projects ng Miss World Organization.

Si Gwendoline, bilang first runner-up, at second runner-up na si Amanda Victoria Vilanova Perez ng Puerto Rico, ay magiging abala sa mga charity projects sa loob ng isang taon.

"We’ll be travelling in different parts of the world.

"I think we’ll be leaving by March. Siyempre to support the various charity projects of the Miss World and to promote the pageant also.

"Next year, Miss World will gonna be held in Mongolia. So, I’ll be very excited about that.

"But before that, siyempre naghahanap na tayo ng Miss World-Philippines. Open na po ang search.

"The pageant will be on June. So, I’m excited about that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iti-train ko po ’yong bagong isi-send nating na representative for the Miss World.

"At sana, she’ll be able to make the Philippines proud. And I’ll do my best para matulungan siya na makuha ang korona."

Ayon kay Gwendoline, magkaibigan sila ng nanalong Miss World na si Miss Venezuela, at inaasahan niyang magiging mas close pa kapag nagsama na sila sa mga charity project ng Miss World.

"Mabait po siya. ’Yon nga lang, hindi siya masyadong marunong mag-English.

"So, mahirap. Pero sign language, ’tapos we just smile. Gano’n!" sabay tawa ni Gwendoline.

Gaano siya kadalas magbibiyahe para sa mga proyekto ng Miss World?

"Actually po, ’yong Miss World-Philippines ang may hawak ng schedules ko.

"Right now, hindi ko pa po alam kung gaano kadalas ako magta-travel.

"Sana po, hindi naman ako aalis too much. Kasi I want to really be involved with choosing and trying to train the next Miss World-Philippines.

"Kaya sana hindi nga ako masyadong aalis."

WORKSHOPS FIRST. Since nasimulan na niyang sumabak sa paghu-host at pagsasayaw sa telebisyon, interesado rin ba si Gwendoline na subukan ang pag-arte?

"Actually ’yong mga big boss ng GMA, gusto nila na i-try ko lahat sana.

"Ako, ang sabi ko, ’Ipa-workshop n’yo muna ako. Kung magaling ako, why not, di ba? ’Pero tingnan natin... kung magaling ako.’

"Iyon ang sinasabi ko sa kanila!" natawang sabi ng Filipina-French beauty queen.

"Yong hosting, iyon ang hundred percent gusto ko.

"At kahit ngayon na hindi pa ako naka-sign ng contract sa GMA, pinapa-host nila talaga ako everywhere.

"So, it’s been a lot of fun."

GOING SEXY. During the Miss World-Philippines pageant, bukod sa titulo, ang 5’ 11" beauty queen din ang nanalong Best in Swimsuit.

With her winning body, would she pose for a men’s magazine in a swimsuit?

"Hindi siguro," sagot ni Gwendoline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "Kasi siyempre po, I’m representing the Philippines. Dapat I still have to uphold a certain image.

"And sa akin, there’s nothing wrong wearing a swimsuit. Pero it implies a different thing kapag sa men’s magazine na ’yan, e.

"Iba na ang meaning, e.

"Sa akin, okey na mag-swimsuit, okey lang na magpunta sa beach.

"Pero kapag nag-pose ka sa isang men’s magazine, kahit naka-damit ka, men’s magazine ’yan, e."

After her reign, puwede na kaya?

"Hindi ko pa alam!" nangiting sagot ni Gwendoline.

"As of now, ganito pa ang state of mind ko. Just like anything in life, I’ll still never say never.

"Kasi hindi ko alam kung ano nga ba ang state of mind in a few years.

"Pero as of now, I still don’t feel the need to do that. And I don’t see the point.

"Ang sa akin is, I’m happy with my body. I don’t need to pose in a men’s magazine to be happy about it."

ADMIRERS. Pagkatapos ba niyang maging first runner-up sa Miss World ay mas dumami ang kanyang admirers o ’yong mga gustong manligaw sa kanya?

Natawa ulit si Gwendoline at sinabing, "Actually, parang pareho rin lang naman.

"Pero ’yong only difference is busy ako. So, wala akong time para sa kanila!"

Wala talaga siyang boyfriend ngayon?

"Uhm, during the pageant, I chose to put my lovelife on hold. Kasi dapat focused one hundred percent sa pageant.

"Representing the Philippines is a big responsibility. So, dapat one hundred percent nando’n lang ang focus ko.

"So, no lovelife during the pageant. And kahit ngayon, focused muna ako sa career ko.

"Pero kung may time, why not?

"Pero parang wala nga akong time mag-entertain ng suitors.

"Kung may lumapit sa akin at may time naman ako na i-entertain siya, puwede rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, you can always hang out and have fun. Pero ’yong sa akin is focused muna ako sa career ko."

Ini-enjoy daw ni Gwendoline sa ngayon ang naumpisahan na niyang showbiz career.

"I love what I’m doing right now. I’m trying a lot of new things. And I love hosting.

"Actually doing Party Pilipinas is kinda challenging for me and it’s a lot of fun.

"Kung may mga iba-ibang opportunities, I will try. And if I enjoy it, I’ll continue it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN