Shalani Soledad-Romulo avoids questions concerning rumored rift with Willie Revillame

Naging matipid at maingat si Valenzuela Councilor Shalani Soledad-Romulo sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa napabalitang pagtanggal diumano sa kanya sa programa ni Willie Revillame na Wil Time Bigtime. Ayon kay Shalani, ipinagpapasalamat na lang niya na muli siyang binigyan ng TV5 ng pagkakaton upang makapagpasaya ng tao sa pamamagitan ng programang Game ’n Go, ang bagong noontime show ng Kapatid network.


Isang malaking pagtitipon ang idinaos ng TV5 kaninang tanghali, Pebrero 15, sa NBC Tent, The Fort, upang i-launch ang bago nilang mga programa para sa unang bahagi ng taong 2012.

Kabilang dito ang Game ’n Go, ang noontime game show na pinangungunahan ni Edu Manzano.

Layunin ng programa ang magbigay ng saya at papremyo sa mga manonood.

Makakasama ni Edu bilang co-hosts sina Arnel Ignacio, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Pretty Triszha, April "Congrats" Gustillo, at si Valenzuela Councilor Shalani Soledad-Romulo, na naging kontrobersiyal ang pagkakabilang sa naturang programa.

Inaasahan kasi ng marami na babalik pa si Shalani sa pagiging co-host ng programang Wil Time Bigtime.

Pansamantala niya itong nilisan noong Enero upang mapaghandaan ang kasal niya kay Pasig Representative Roman Romulo.

Sa artikulong isinulat ni Roldan Castro sa Remate noong Pebrero 9, isiniwalat dito na nag-iiyak daw si Shalani nang kausapin ni Jay Montelibano, business unit head ng Wil Time Bigtime, tungkol sa pagkakatanggal niya sa naturang programa ni Willie Revillame.

Ayon sa artikulo, ang ilan daw sa mga dahilan ng pagkakatanggal kay Shalani ay "Hindi na nila mapakikilig ang mga fans at hindi na siya mabibiro dahil may asawa na siya."

Ang tinutukoy ay ang ginagawang panunukso noon kina Willie at Shalani.

Bukod pa rito, isa rin daw sa mga dahilan ang pinaplanong pagtakbo muli ni Shalani sa pulitika sa taong 2013.

Pag nagkataon, kakailanganin niyang mag-leave sa trabaho sa telebisyon upang umayon sa patakaran ng Commission on Elections (COMELEC)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media kay Shalani sa press launch, sinabi niyang masaya siya sa pagkakapili sa kanya ng Kapatid network upang maging bahagi ng bagong noontime show nito.

Aniya, "I think every show is an opportunity naman to be able to work, to be able to showcase what you can contribute and what you can also give to the viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung paano nila sana winelcome iyong Wil Time Bigtime, sana i-welcome din nila iyong Game ’n Go.

"The show will start on March, so excited naman tayo to start the show and work with Arnell, whom I’ve worked with for sometime sa Wil Time and, of course, we will be working with Edu, Gelli, with Tuesday... so excited din tayo."

Wala pang nakatakdang airing date ang programa, subalit ang schedule daw nito ay mula Lunes hanggang Sabado, 11:30 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon.

RIFT WITH WILLIE? Diretsahang tinanong si Shalani ng showbiz reporter na si Reggie Bonoan kung totoo ang ulat na nag-iiyak siya nang malamang wala na siya sa lineup ng hosts ng Wil Time Bigtime.

"I think we can better talk about Game ’n Go," nakangiting sagot ng konsehala, na halatang iniiwasan, hangga’t maaari, ang mapag-usapan ang tungkol doon.

Dagdag ng magandang konsehala, "I think in life, there are some things na when it hits you, medyo malungkot.

"But then, you also have to move on, you also have to be thankful for other opportunities that are being given you."

Nagkausap na ba sila ni Willie tungkol sa isyu?

"With regards to Wil Time Bigtime, I think... better to ask them also for specifics.

"I’ve spoken with our business unit head, and I’ve said, alam naman nila, sinabi ko rin that TV5 is offering me a show and I also told them that I’m considering accepting it."

Dagdag pang tanong ni Bonoan: "Kasi po noong kinuha kayo ni Willie as co-host sa Wil Time Big Time, siya po personally ang nakipag-usap po sa inyo. Bakit po ngayong tinanggal na kayo, e, ibang tao na po ang ihinarap sa inyo?"

Nakangiting sagot naman ni Shalani, "A, I think Game ’n Go na lang ang i-discuss natin kasi malapit na siya, so let us all be excited for [the show]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaka-text pa rin ba sila ni Wilie?

"Ako, I have nothing but gratefulness, really, for the show.

"Lahat ng nakatrabaho ko sa Wil Time Bigtime, lahat iyan, love ko.

"In fact, sila pa nga iyong gumawa ng set namin, sila Kuya Freddie, so everyone that I have worked with, lahat iyan mahal ko."

Paano naman tinanggap ng kabiyak niyang si Congressman Romulo ang ginawang pagtanggal sa kanya sa Wil Time Big Time?

"Si Roman naman, he has always been supportive of what I do.

"He’s always telling me, ’As long as you’re happy in your work, as long as you’re happy with what you’re doing,’ sabi niya, ’Okay sa akin. If it makes you happy, happy na rin ako.’"

Paano kung maimbitahan siyang mag-guest mula sa Wil Time Bigtime, papayag ba siya?

"Ako, I love the show. I have nothing but gratefulness for Wil Time Big Time, for Willie, and everyone else," pag-ulit ni Shalani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN