Kiray Celis on posing for men’s magazine someday: "Feeling ko lang sexy ako, pero hindi ko naman pinangarap."

"Kada may ginagawa akong show, siyempre gusto ko yung tatatak talaga ako, yung hindi nila ako makakalimutan. Hindi dahil yung kasali lang ako sa show na ito, kundi dahil magaling ako sa show na ito. So, ibinibigay ko talaga yung best ko, na dapat lang naman talaga. Kasi mataas din ang expectation nila sa akin, e," says former child actress Kiray Celis.


Kasama ang dating child star na si Kiray Celis sa bagong youth-oriented series ng ABS-CBN, ang LUV U.

Ang LUV U ang papalit sa iiwanang timeslot ng Growing Up tuwing Linggo ng hapon.

Kasali rin si Kiray sa Growing Up na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Dito sa LUV U, makakasama ni Kiray ang ilang graduates ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit, kabilang ang ka-loveteam niyang si Igi Boy Flores.

Sa presscon ng LUV U ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray.

OCCUPIED. Ano ang masasabi niya na hindi siya nababakante ng trabaho dahil pagkatapos ng Growing Up ay kasama rin siya sa LUV U?

"Siyempre, masaya kasi after Growing Up, ilang pahinga lang ako, Monday to Saturday lang, Sunday, bagong show na naman.

"Sobrang saya kasi feeling ko, nagugustuhan talaga ako ng mga tao.

"Dahil hindi naman siguro nila ako kukunin kung hindi nila ako [gusto] umarte or as a person talaga," sabi ni Kiray.

Ano ang masasabing lamang niya sa ibang teen stars ng Kapamilya network at siya madalas ang nakukuha sa mga shows?

"Siguro, pampagulo ng show!" natatawang sagot ng 16-year-old actress.

"Nagulo ang Growing Up noon, ngayon magugulo ang LUV U dahil sa akin.

"Alam n’yo naman ’yan, di ba, na hindi ako pang-seryoso?

"Pero puwede rin, na-try ko naman sa Growing Up.

"Saka kada may ginagawa akong show, siyempre gusto ko, yung tatatak talaga ako, yung hindi nila ako makakalimutan.

"Hindi dahil yung kasali lang ako sa show na ito, kundi dahil magaling ako sa show na ito.

"So, ibinibigay ko talaga yung best ko, na dapat lang naman talaga.

"Kasi mataas din ang expectation nila sa akin, e."

DIFFERENT ROLES. Ano ang ipinagkaiba ng role niya rito sa LUV U sa role niya sa Growing Up?

"Ang pinagkaiba ng Growing Up sa Luv U, sobrang bigat ng mga problema namin sa Growing Up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like problema sa pamilya, problema sa pagkakaibigan, problema sa school.

"Dito sa LUV U, meron ding mga ganyan, pero hindi ganun kabigat.

"Heavy drama ang dating nung Growing Up. Dito sa LUV U, parang sitcom ang dating."

Ano ang pinakagusto niyang role—yung sa Mara Clara, Growing Up, o dito sa LUV U?

Sabi ni Kiray, "Sa Mara Clara, kontrabida ako dun.

"Sa Growing Up, mabait na kaibigan.

"Dito sa LUV U, ako naman yung palaging inaasar.

"Alam mo, dun sa Mara Clara na ako yung nang-aaway.

"Sa Growing Up, medyo naging masama din ako dun.

"Na-miss ko rin yung ako naman ang inaasar or inaapi. Mas maganda kasi yung kinaawaan ka.

"Sa Mara Clara kasi may nagagalit pa rin sa akin hanggang ngayon.

"Pero kung ikaw yung inaaway, sasabihin nila na, ’Kawawa ka naman!’ yung ganun.

"Pero mas masaya yung ikaw talaga yung nang-aaway kasi may thrill talaga."

IS KIRAY SEXY? Nakatuwaan namang itanong ng press kay Kiray kung pinangarap niya ring bang mag-pose ng sexy sa men’s magazines balang-araw?

Aniya, "Alam mo, feeling ko talaga ang sexy ko, pero parang sa height ko, hindi ko talaga carry.

"Feeling ko lang sexy ako, pero hindi ko naman pinangarap.

"Pero kung may i-offer sa akin some day, go naman, huwag lang hubad, hindi ko carry yun.

"Two-piece, two-piece, go! Pero hindi hubad."

Nakita na ba niya yung sexy pictorial ni KC Concepcion para sa isang magazine?

"Oo, sobra sexy talaga ni Ate KC!" bulalas ni Kiray.

"Sabi ko nga kay Papa Gabby [Concepcion, KC’s father], kasi kasama ko siya sa isang movie, e, ’Sexy talaga ng mga anak mo.’

"Kasama ako sa mga anak niya, e, so I’m so happy na sexy rin ako!" tawa pa niya.

Nakapag-two-piece na ba siya? May mga lumalapit ba sa kanya, o nagpaparamdam at nagpapapansin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Boracay ’pag pumupunta ako dun, nagtu-two-piece naman ako dun.

"May mga lumalapit naman, mga foreigners, may mga nauto naman ako!" tawa niya ulit.

"Actually, baligtad ha, ang mga lumalapit talaga sa akin, mga 20s ang age, walang lumalapit sa ’kin na ka-age ko.

"Napapansin ko ’yan. Naba-blind item ako sa mga 20s—halimbawa si Markki [Stroem], si Joseph Marco.

"Pinakabata siguro na-link sa ’kin si Charlie Green at Iñigo na anak ni Papa Piolo [Pascual]."

May mga nanliligaw sa kanyang mga 20-year-old pataas?

"Oo, meron."

Taga-showbiz ba ang mga ito?

Matagal bago nakasagot si Kiray.

Pero natatawang sagot niya, "Puwede!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN