James Ingram cancels interview with Boy Abunda; Boy says lightly: "May pagka-suplado talaga ito."

Boy Abunda on James Ingram (inset): "This is his eighth concert in the Philippines. The very first James Ingram concert in the country, I was the publicist. Pagdating sa airport, ang promoters nandoon, kami nandoon nakahilera, hindi kami pinansin. He went straight to his car. Kaya medyo may konting pagka-suplading, ’ika nga."


Ikinansela ng international recording artist James Ingram ang nakatakda niyang panayam sa batikang host na si Boy Abunda.

Inanunsiyo ito ni Boy sa kanyang segment na "Ikaw Na" sa late-night news program ng ABS-CBN na Bandila, kagabi, Pebrero 15.

"He was supposed to be here, scheduled sa ’Ikaw Na,’" sabi ni Boy.

"Pero, dumating na po siya dito sa ABS-CBN nang maaga dahil he went around... I think sa radyo, at nag-promote ng kanyang concert the day after tomorrow.

"He couldn’t wait because he was very tired, sa palagay ko."

BOY UNDERSTANDS. Bagamat nalungkot, sinabi ni Boy na nirerespeto niya ang naging desisyon ng mang-aawit na kanselahin ang appearance nito sa kanyang segment.

Inamin din ng host na "fan" siya ni Ingram kaya naman pinaghandaan talaga niya ang nakatakda sanang panayam.

Ani Boy, "Yes, we did prepare for that interview.

"Masakit man because I was a fan of James Ingram.

"Sabi ko nga kanina bago mag-umpisa, I’d rather not do an interview with someone who’s not happy to do the interview.

"Pero ganoon talaga ang moods ng mga artista.

"Pero I feel for the promoters, they were very apologetic.

"Kami naman, sabi namin, ’Mabubutas ang aming palabas.’

"Pero it really happens.

"But I have so much respect for the guy as a musician."

INGRAM, A SNOB? Samantala, nagbalik-tanaw naman si Boy noong unang beses na nakilala niya nang personal si Ingram.

Bago raw siya naging host ay naging publicist muna siya. Siya raw ang humawak sa unang konsiyerto ni Ingram dito sa Pilipinas.

Sinabi ng host na may "pagka-suplado" raw talaga ang international singer.

Kuwento ni Boy, "Sabi ko nga kanina, I have so much respect for the guy.

"Pero alam ninyo po, noong ako ay nag-uumpisa rito sa industriyang ito, I was a publicist of the first James Ingram show in the country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May pagka-suplado talaga ito.

"If you are watching, James, I want you to know this...

"This is his eighth concert in the Philippines. The very first James Ingram concert in the country, I was the publicist.

"Pagdating sa airport, ang promoters nandoon, kami nandoon nakahilera, hindi kami pinansin. He went straight to his car.

"Kaya medyo may konting pagka-suplading, ’ika nga."

Ngunit sa huli, pang-unawa sa mang-aawit at paumanhin sa mga manonood ang naging mensahe ni Boy.

"But he’s one great musical artist.

"I was excited to do the interview, but that happens.

"Patawad po, mga kaibigan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN