Judy Ann Santos wants John Lloyd Cruz as co-star in her next Star Cinema movie

"Kasi tinanong na rin naman nila ako kung sino yung possible na gusto kong makasama kung sakaling magbabalik-pelikula ako. Sinabi ko talaga, si John Lloyd," says Judy Ann Santos about her request to star opposite John Lloyd Cruz in a movie.


Sa presscon para sa finale ng Junior MasterChef Pinoy Edition kahapon, February 15, very accommodating ang young superstar na si Judy Ann Santos sa mga tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

VALENTINE’S DAY. Ang una naming tinanong kay Judy Ann ay kung paano nila ipinagdiwang ng kanyang mister, ang actor-host na si Ryan Agoncillo, ang katatapos lang na Valentine’s Day.

Ayon kay Judy Ann, "Sa bahay lang, kasi nagde-date naman kami ni Ryan kahit na hindi Valentine’s Day.

"So, kapag Valentine’s, nasa bahay lang kami.

"Medyo traffic kasi at mahirap kumuha ng reservations. Magpapamasahe ka nga lang, kailangan two days before, nakakapag-reserve ka na.

"Pero siyempre, para sa bagong magsing-irog, bongga ang Valentine’s nila kasi ’yan naman talaga ang isang okasyon na para sa mga lovers.

"Sa aming dalawa ng asawa ko, e, binigyan lang niya kami ng flowers—ako at si Yohan, na tuwang-tuwa kasi nakatanggap siya ng flowers.

"Niyakap niya tatay niya, hindi niya in-expect na kasama siya sa bibigyan.

"Ako, nag-prepare lang ng dinner, kasama si Mommy ko [Carol Santos], kasi binisita niya kami.

"Nag-salad lang ako, ’tapos roast beef. Yun, ganun lang kami nung Valentine’s.

"Hindi na nga namin nakain ang dessert... Gumawa ako ng chocolate-covered strawberry with matching champagne.

"E, sa busog, inantok kami agad, kaya nakatulog na kami!" natatawang kuwento ni Juday, palayaw ng aktres.

PARENTHOOD. Pareho silang busy ni Ryan Agoncillo sa kanilang trabaho, paano nila personal na naaasikaso ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho?

Ani Judy Ann, "Meron naman kaming usapan ni Ryan tungkol diyan.

"Like nung Sunday [February 12], ako ang nagtrabaho, si Ryan ang naiwan sa bahay.

"We really make it a point na mailabas namin ang mga kids, kahit papaano.

"Weekends, we try to explain sa mga production people na, ’Okay lang ba kung hindi kami magtatrabaho, kasi yun yung araw na walang pasok si Yohan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, we compromise."

Naitanong din kay Juday kung nasa plano na rin nila ngayon ni Ryan na masundan pa ng isa ang anak nila.

"Hindi na muna. Trabaho muna kami. Baka next year," sagot ng aktres.

"Pero ngayon, e, trabaho muna at ipon muna kami.

"Iba na kasing usapan ’pag lima na kayo sa pamilya.

"Sa ngayon, e, kuntento na kami sa dalawang anak namin.

"At least, tig-isa kami."

JOHN LLOYD CRUZ. Sa susunod na pelikulang gagawin ni Juday Ann para sa Star Cinema, wala pa raw siyang alam kung sino ang makakasama niya.

Pero isa raw sa talagang hiniling niya ay ang makatrabaho naman si John Lloyd Cruz.

Sabi ni Juday, "Sa totoo, lang, e, wala namang imposible na magkatrabaho kami ni John Lloyd, pareho naman kaming Star Cinema.

"Baby boy ko si John Lloyd, magkasama kami noon sa Sa Puso Ko Iingatan Ka, bilang kapatid ko siya.

"Naging close din naman kami, ’tapos nawala na lang hanggang sa heto, ang sikat-sikat na niya.

"Pero ’pag nagkikita naman kami, sobra rin namang makabati ’yan.

"Si John Lloyd naman, e, nakikita ko namang hindi siya nagbago ng ugali.

"Maaaring nagbago lang ang porma niya... hindi na siya nagsusuot ng medyas ngayon!" natatawang biro niya.

Updated yata si Juday tungkol kay John Lloyd?

"Updated ako, kasi nakikita ko siya.

"Yung show namin before na tinanggal siya, ’tapos nilipat siya, kasi may teleserye siya kasama si Bea [Alonzo]," banggit pa niya.

So, kailan matutuloy ang pagsasamang muli nila ni John Lloyd?

"Well, malalaman ko ’yan ’pag nag-meeting na kami nina Tita Malou [Santos, Star Cinema president].

"Pero napag-usapan na rin naman namin ’yan.

"Kasi tinanong na rin naman nila ako kung sino yung possible na gusto kong makasama kung sakaling magbabalik-pelikula ako.

"Sinabi ko talaga, si John Lloyd," seryosong lahad niya.

Nung time ba na nagkakasama sila ni John Lloyd, nagagalingan na talaga siya sa aktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, noon pa naman, e, magaling na talaga siya.

"It so happens na nung mga panahon na yun, e, hindi pa siya nabibigyan ng tamang exposure talaga na nakukuha na niya ngayon.

"Even before, nakikitaan ko na rin kung gaano kamahal ni John Lloyd Cruz ang craft niya pagdating sa pag-arte.

"Pero nung time na rin na yun, e, hindi ko alam nun, meron pala siyang timing din sa comedy.

"At hindi ko rin alam nun na matindi ang landas na tatahakin niya.

"Pero in fairness sa kanya, e, punung-puno talaga siya ng emosyon," saad ni Juday.

PIOLO PASCUAL. Kung gustung-gusto ni Juday na makasama sa isang proyekto si John Lloyd, wala bang clamor na magsama silang muli ng dati niyang ka-loveteam na si Piolo Pascual?

"Meron pa ba?" seryoso at malamang sagot ni Juday.

Pero dagdag din niya, "I think, e, meron pa rin naman. Hindi ko lang alam kung ganun pa rin sila ka-persistent as before.

"Pero meron pa rin namang nagtatanong about that. Kung kelan daw kami magsasama sa pelikula."

Kung sakaling magkaroon ng project para sa kanilang dalawa ni Piolo, willing ba si Juday na makasamang muli ang aktor?

Sagot ni Juday, "Well, sinabi ko rin naman before na wala rin namang hindi napapag-usapan, di ba?

"Basta right story and the right project. Lahat naman napag-uusapan.

"Kung sina Ate Sharon [Cuneta] nga at si Gabby [Concepcion], e, gagawa na rin muli ng pelikula..."

Pero sinabi ng PEP kay Juday na mukhang hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan ng dating mag-asawang sina Sharon at Gabby.

Reaksiyon dito ni Juday, "Talagang di na matutuloy? E, baka pati sa amin ni Piolo, e, walang pag-asa na ring matuloy!" sabay tawa niya.

Speaking of Piolo, updated din ba si Judy Ann sa mga nangyayari ngayon sa lovelife ng dati niyang kapareha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, alam ko yun... Ay, ano ba yung nasabi ko!" napabungisngis ang aktres.

"Sa totoo lang, e, una pa nga akong nakakaalam, e. Pero wala, sinabi ko lang yun.

"Pero updated naman ako sa lahat ng mga nangyayari sa paligid ko.

"Oo nga, may pagkakataon na una naming malaman kaysa inyo [press].

"Pero imbes na pagtsismisan ng mga tsismoso at tsismosa, e, puwede bang hindi makarating sa ibang tao ’yan?

"Bago nakalabas sa balita ’yan, o sa inyo, e, meron na silang alam na mga isyu na hindi nga lang puwedeng ilabas. Ganun din ako.

"At kahit alam ko na, pigain man nila ako, balatan man nila ako nang buhay, e, hindi ko pa rin naman sasabihin.

"Hindi naman ako kikita riyan. Kung kikita siguro ako, e, sasabihin ko!" tawa ni Juday.

Ano ang advice na maaari niyang maibigay kay Piolo sa pinagdadaanan nito ngayon?

"Well, lahat naman tayo, e, nakakaranas ng mga heartaches. Hindi naman yata normal ang pagiging single mo kung hindi ka nasaktan, or what.

"Ako, ang dasal ko lang both kina Piolo and KC, e, maging happy sila pareho as individuals.

"Siguro naman, kung hindi sila nag-work as a couple, baka naman magwo-work na maging good friends sila.

"Maybe someday, maraming mangyari... hindi naman tayo nagtatapos sa ganun-ganun na lang. Maliit naman ang mundo na ito.

"Parang kami, di ba? Parang kami daw, huh!" natatawang sabi ni Juday tungkol sa kanila ni Piolo.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon sina Judy Ann at Piolo, pero nagkaayos din sila paglipas ng panahon.

FIRST INDIE FILM. Nabalik ang usapan sa paggawa ni Juday ng pelikula, kaya tinanong siya ng PEP kung ano nga ba ang plano ngayon ng Star Cinema para sa kanya.

"Well, di ko alam, may plano pa ba sila sa akin?" natatawang balik-tanong ng tinaguriang young superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba’t may gagawin siyang pelikula katambal si Coco Martin?

"Well, sa amin ni Coco Martin, e, sa Cine Media yun. Pero hindi ko lang alam kung co-production sila ng Star Cinema.

"Baka yun ang isa sa gagawin ko sa Star, pero hindi nga lang kami magkasundo ngayon sa schedule namin ni Coco.

"Kasi ang bagets, e, mas busy pa kaysa salitang busy. Hinintay ko lang siya.

"Pero okey din naman, kasi meron pa rin naman akong MasterChef."

Patuloy ni Juday, "At saka gagawa ako ng indie movie with Direk Joey [Reyes] sa Cinemalaya. Very excited na ako doon.

"First indie movie ito ni Direk Joey sa Cinemalaya at first indie movie ko pa rin.

"Kumbaga, pampapresko lang ba. Gagawa ka lang ng isang character na out of the box... nakakatuwa.

"Apat kami rito—ako, si Uge [Eugene Domingo], Iza Calzado, and Agot Isidro," banggit pa rin niya.

Ano ang magiging takbo ng istorya ng kauna-unahang indie film niya?

"Well, story siya ng magkakaibigan... at hanggang dun lang muna ang puwede kong sasabihin.

"Baka maagaw pa ng iba, mahirap na, ako pa ang masisi nila!" natatawang biro niya.

Pero dagdag niya, "Mga Mumunting Lihim ang title, pero ang story, iikot sa aming apat.

"Parang it applies to everyone na grupo ng magkakaibigan na kinalakihan natin.

"Basta maganda at makaka-relate ang sinumang tao.

"Kasi ako, nung mabasa ko yung script, e, gustung-gusto ko talagang gawin na agad.

"Nakakatuwa kasi nakaka-excite magbitiw ng dialogue na alam mong hindi mapuputol ng censorship, kasi indie film nga siya."

SARAH GERONIMO. Hiningan din ng pahayag si Judy Ann tungkol sa kanyang malapit na kaibigan na si Sarah Geronimo, na magkakaroon na ng sarili niyang musical-variety show sa ABS-CBN—ang Sarah G. Live!.

Bilang kaibigan at dating nakasama sa pelikula, ano ang masasabi ni Juday sa narating na ngayon ni Sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sarah Balabagan ba ito?" napatawang biro ni Judy Ann.

"Well, seriously, si Sarah Geronimo naman, medyo mahiyain talagang bata.

"At saka ang dami niyang insecurities sa maraming bagay na hindi naman dapat.

"Tutal nabuko ko rin naman ito sa mga talk shows before, nung nag-promote kami ng pelikula [Hating Kapatid]—akala yata ni Sarah, pangit ang ilong niya.

"Palagi ’yan, ang tagal-tagal niyang nakatingin sa salamin ’pag naghihintay kami ng shoot. Kung ilang beses niyang tinitingnan sa salamin ang ilong niya.

"Tinatanong ko nga siya kung bakit. Kasi, sabi niya, parang ang pangit daw ng ilong niya, ’tapos ang laki-laki daw ng legs niya.

"E, nagkataong buntis na ako noon.

"Sabi ko, ’Kung malaki ang pata mo, e, paano na ako, e, di wala nang lalakí pa kaysa pata ko!’" napabungingis na sabi ni Juday.

"At saka si Sarah," patuloy niya, "meron siyang talent na hindi niya alam na meron siya.

"Pero ’pag nasa harap siya sa kamera, nailalabas niya yun.

"May timing siya sa comedy na talagang naipapakita niya ’pag nasa harap na ng kamera, na akala natin, e, wala siyang ganung talent.

"Kami naman ni Sarah, ’pag wala kami sa harap ng kamera, nakatabi lang ’yan sa akin.

"’Pag medyo nalulungkot, e, sasandal lang sa akin ’yan.

"Kaya nagugulat ka lang, ’pag take na, para siyang isang halimaw ’pag nasa stage na, nagko-concert. Totally, parang ibang tao siya na nakakagulat talaga.

"Kumbaga, sa isang mahiyaing tao na ayaw magpakita ng legs, ayaw niyang magpakita ng braso, ayaw magpakita ng tiyan—’tapos ’pag nasa stage siya, ibang-iba talaga siya.

"Sabi ko nga sa kanya, ’Kung ako ang may ganyang katawan, e, hindi na ako magdadamit!" tawa ni Juday.

"Kumbaga, kung ako ’yan, e, lagi akong naka-two-piece... ang kinis ng balat!"

May gusto rin daw si Judy Ann na mangyari sa buhay ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Si Sarah naman, e, mabait na bata ’yan.

"Ang gusto ko lang sana kay Sarah, e, matapos niya ang pag-aaral niya o studies in a normal school.

"Sana magawa niya, for her to experience kung ano ba talaga ang buhay ng isang normal na estudyante.

"Gusto ko rin sa kanya na i-try niya ang mag-travel, like Asia, na ang mga kasama niya, e, mga friends lang niya, barkada—o siya lang.

"Iba rin kasi yung may time siya alone at nakakausap niya ang sarili.

"Sinabi ko sa kanya yun, kasi yun ang hindi ko nagawa nung dalaga ako.

"Gusto kong ma-experience niya ’yan, kasi iba talaga yun."

ANNE CURTIS. Isa rin sa hinahangaan ngayon ni Juday ay ang mga kayang gawin ng kasamahan niya sa Kapamilya network na si Anne Curtis.

Bukod sa pagkakaroon nito ng hit movie, ang No Other Woman, natupad na rin ni Anne ang pangarap niyang magkaroon ng major solo concert sa Araneta Coliseum, ang Annebisyosa: No Other Concert noong January 28.

Sobrang napabilib daw siya kay Anne.

Sabi ni Juday, "Kahit anong gawin kasi niya, e, gustung-gusto ng mga tao.

"Nakakatuwa siya at ang cute-cute niyang tingnan. Nadadala niya ang sarili niya in a funny and a good way.

"Parang siya pa lang yata ang nakitaan ko na may lakas ng loob na mag-Araneta—maliban sa akin!

"Buti nga siya, live kumanta.

"Ako, e, pagkatapos ng opening, e, tumahimik na ako, palit na lang nang palit ako ng gown!" natatawang sabi ng young superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN