Arci Muñoz is confident there will be no issues between her and co-star Iwa Moto

Arci Muñoz explains her relationship with Iwa Moto: "Magkaibigan kami ni Iwa kaya hindi ako nagwo-worry na magkakaroon ng isyu sa amin. Besides, kasama rin namin si Iwa dito sa Felina at okay kami. At saka parang kapatid ko lang si Leandro, ano ba?! Wala, walang nangyayari between us. Kung anuman yung sa kanila ni Iwa, labas ako doon."


Kampante si Arci Muñoz na hindi siya pagseselosan ni Iwa Moto, ang rumored girlfriend ngayon ni Leandro Muñoz.

Si Leandro kasi ang leading man ni Arci sa bagong afternoon teleserye ng TV5, ang Felina: Prinsesa ng mga Pusa, na mapapanood na simula sa Pebrero 27.

"Si Leandro is like a brother to me. E, di ba, pareho pa nga kami ng apelyido? Makukulit kami.

"I’m one of the boys, so hindi mahirap makasundo ’yang mga ’yan. Makukulit sila, pero mababait din.

"Magkaibigan kami ni Iwa kaya hindi ako nagwo-worry na magkakaroon ng isyu sa amin.

"Besides, kasama rin namin si Iwa dito sa Felina at okay kami.

"At saka parang kapatid ko lang si Leandro, ano ba?!

"Wala, walang nangyayari between us. Kung anuman yung sa kanila ni Iwa, labas ako doon," paliwanag ni Arci.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa press launch ng TV5 para sa ilulunsad ng network na mga bagong shows nito.

Ginanap ito noong Pebrero 15, sa NBC Tent, sa Fort Bonifacio Global City, Taguig City. Kasama nga sa bagong shows na ito ang Felina.

Hindi rin nag-aalala si Arci kahit na ma-link pa sila ni Leandro dahil alam naman nila kung ano ang totoo.

Ayon sa rising TV5 star: "Para sa akin, nasa tao yun, e—how you handle yourself, how you carry yourself, kung mapu-fall ka. Nasa iyo yun.

"Pero ako, kaya kong mag-control. Ganun sa showbiz, e, kailangan marunong kang mag-control.

"At saka may mga bagay ka rin na kailangang i-consider. Hindi every time na may bago kang ka-loveteam ay magiging boyfriend mo na.

"I’m really not against dun sa iba na nagkakaganun ha, na nagiging boyfriend yung ka-loveteam nila.

"Pero sa akin kasi, iba. Yun ang perception ko. At saka yung mga boys sa Felina, tropa ko ang mga iyan, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pa sa leading men ni Arci sa Felina si Ahron Villena. Okay na okay din daw ang samahan nila at para niya rin itong kapatid.

Kasama rin sa cast sina Carla Humphries, Pilita Corrales, Bing Loyzaga, Jestoni Alarcon, Angel Jacob, Bearwin Meily, Epi Quizon, at Mura.

FIRST SOLO LEAD. Thankful si Arci sa TV5 dahil unti-unti raw natutupad ang mga pangarap niya para sa kanyang career sa pamamagitan ng mga project na ibinibigay ng Kapatid Network.

Mula nga sa pagiging supporting at kontrabida roles ay naranasan na rin niyang maging bida, kasama si Ritz Azul, sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

Pero dito sa Felina ay solo lead na siya. Hindi ba siya nagwo-worry na ma-insecure ang iba pang talents ng TV5 sa kanya?

"Hindi naman siguro. Kasi ang TV5 naman, bina-balance ang work para sa aming lahat, e.

"Kung bagay sa akin yung role, siyempre sa akin ibibigay. Everyone, lahat may ginagawa.

"Siguro ako, nilalagay lang nila ako sa drama kasi that’s my forte."

Wala naman daw sa isip niya ang competition.

"Hindi naman ako nakikipag-compete. Basta ako, gagawin ko lang nang maayos yung trabaho ko.

"Ipapakita ko sa lahat na iba ako. Sa tingin ko naman iba-iba kami ng characteristics, e.

"Ako, I have my own identity. Sila rin naman meron. Basta I’ll do my job.

"Kung ano yung ibinigay sa akin, inatas sa akin na gawin ko, mas malaki pa run yung ibibigay ko para hindi naman ako mapahiya sa kanila.

"Napakalaki nung opportunities na nakukuha ko."

Hindi ba siya nag-alala na hindi agad naipalabas ang Felina na dapat sana’y noong isang taon pa i-ere?

"Hindi naman, kasi I trust my station. Kasi wala naman silang sinabing ise-shelve yung show.

"Tuluy-tuloy lang ang taping namin. So, never akong nag-worry.

"Siguro naghanap lang ng right timing ang TV5 para maipalabas ang Felina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’m happy na, finally, maipapalabas na kami sa February 27.

"Ngayon, yung kaba ko positive.

"I’m really excited for the show, kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao.

"Excited na ako na maipalabas siya kasi gusto ko na ring makita.

"At saka maganda yung ganito na may advance [episodes] na kami para hindi na kami nangangarag sa taping."

HARDSHIPS OF PLAYING A CAT WOMAN. Marami raw tiniis na hirap si Arci sa Felina para mapaganda ang kanilang show.

Kabilang na raw dito ang prostethics na inilalagay sa kanya para sa role bilang babaeng-pusa.

"Mas mahirap yung prosthetics kaysa sa make-up kasi ang tagal ilagay, ang hirap tanggalin, ang baho pa ng pandikit.

"Yung nilalagay na wig sa akin mahirap din kasi nagkaka-falling hair ako.

"Pero tiniis ko lahat yung dusa para sa show kasi, di ba, nag-e-effort lahat ng tao, e. Lahat kumikilos!

"Ako pa na binigyan ng napakagdang break at oportunidad, siyempre, hindi mo pa ba gagalingan?

"Siyempre ayoko rin namang sirain yung tiwalang ibinigay sa akin, di ba?"

NO STUNT DOUBLES. Bukod dito, siya rin daw ang gumagawa ng stunts niya sa Felina.

"Oo, ginagawa ko lahat yun! Hindi ako nagpapa-double.

"Lahat yun—pati yung sa harness!"

Dahil nga raw sa harness kaya nagkakaroon siya ng mga pasa.

"Oo, sobra, ang dami. Nagtataka nga sila the following day, ang dami kong sugat at pasa.

"Pero hinahayaan ko lang kasi ano ’yan, parang battle scars.

"Pero buti na lang hindi naman nagkakapeklat kaya hindi rin nasisira ang skin ko."

Nakatulong daw sa paggawa niya ng stunts ang training na nakuha niya noong nagmu-Muay Thai siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN